Pagkauwi ko sa bahay, agad kong inilabas ang sakit na nararamdaman ko sa paraang alam ko. I wrote every painful word to describe the heart ache that was slowly killing me. Hindi ko agad namalayang may nagbabasa na pala sa likod ko. It was not until I heard a sob that I realized that I wasn't alone anymore.
Nilingon ko ang boardmate kong si Kat na noo'y panay ang pahid ng mata.
"Grabe! Hugot kung hugot!" kumento niya.
Napangiti ako. "Brokenhearted e."
Naupo siya sa tabi ko. "Hindi ko alam na may love life ka pala, Joan!"
Umiling ako. "Wala akong love life. Pero nagmahal na ako at nasaktan."
She gave me a side hug. "Aww... I feel you, friend. Ganyan din ako!"
Nagpatuloy kami sa pag-iyak habang nagsusulat ako at sya naman ay nagbabasa. Nang matapos ay binasa ulit namin ang isinulat ko. Tapos ay muli kaming umiyak.
Nang mahimasmasan kami pareho, sinabi ni Kat sa akin ang tungkol sa isang online site na pwedeng paglagyan ng mga kwentong katulad ng isinulat ko.