Paeng

7 0 1
                                    

Tungo sa lunan na tayong dalawa lang ang may alam

Sa lugar kung saan madalas nating puntahan

Magbabalik, mananatili at maghihintay hanggang sa mukha mo ay akin nang masilayan

Upang sa aking muling pagdating, pagsisisi'y hindi maranasan



Kung dumating sa puntong iba na ang iyong pagibig

Mananahimik, tatangis katulad ng isang patak ng tubig

Patalikod na aalis, masaktan man

ay ayos lang kung kasiyahan mo naman ang siyang kabaliktaran



Sana'y sa paglisan

Ako'y hindi maunahan

Sapagkat ang puso ko ay inilaan

Para lamang sa araw na magkikita tayo sa simbahan



Katulad ng pagmamahalang walang hanggan at katiyakan

Ikaw at ikaw pa rin ang ilalagi sa pusuan

At sasabihin ko ang mga katagang iyan

Sa pagkikita natin sa muling tagpuan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Aking Una at Huling Tula para kay PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon