Tungo sa lunan na tayong dalawa lang ang may alam
Sa lugar kung saan madalas nating puntahan
Magbabalik, mananatili at maghihintay hanggang sa mukha mo ay akin nang masilayan
Upang sa aking muling pagdating, pagsisisi'y hindi maranasan
Kung dumating sa puntong iba na ang iyong pagibig
Mananahimik, tatangis katulad ng isang patak ng tubig
Patalikod na aalis, masaktan man
ay ayos lang kung kasiyahan mo naman ang siyang kabaliktaran
Sana'y sa paglisan
Ako'y hindi maunahan
Sapagkat ang puso ko ay inilaan
Para lamang sa araw na magkikita tayo sa simbahan
Katulad ng pagmamahalang walang hanggan at katiyakan
Ikaw at ikaw pa rin ang ilalagi sa pusuan
At sasabihin ko ang mga katagang iyan
Sa pagkikita natin sa muling tagpuan
BINABASA MO ANG
Ang Aking Una at Huling Tula para kay Paeng
PoetryTula para sa aking nag-iisa at natatangi.