Kamalasan

517 12 4
                                    

Kamalasan

Noon pa man, hindi talaga para sa akin ang buwan ng Oktubre. Kahit na ito pa ang birth month ko ay parati na lang akong minamalas. Isang beses lang naman akong swerte sa buwan na ito at yun ay ang pinakahuling araw ng Oktubre o ang aking kaarawan.

As usual, naglakad ako papunta sa company. Ikatlong araw ko pa lang sa trabaho. Hindi ko afford ang magtaxi ngayon dahil nagastos ko ang pera ko kahapon. O, ang malas ko pagdating sa pera, diba?

"Aray!" Daing ko. May kung sino kasing peste ang nakabangga sa akin. Sa binti ko lang naman pero sobrang sakit!

"Shit. Miss, sorry!" Lumabas siya sa kotse niyang mamahalin na kulay yellow pa at nilapitan ako.

Ready na sana akong sigawan siya kaso, mygahd ang gwapo! Pero muntikan na niya akong mapatay kaya galit ako sa kanya!

"Minumura mo ba ako ha?! Siraulo ka pala eh! Sorry?! Sorry?! Walang magagawa ang sorry mo para gumaling itong paa ko!"

"Miss, calm the hell down! Dadalhin kita sa ospital."

"So? Anong gagawin ko sa ospital na yan ha?! Ikayayaman ko ba kung pupunta ako dun?!"

"Hindi! Pero gagaling ka kung dadalhin kita dun! Pwede ba?! Stop shouting! I am just a ruler away from you!"

"Eh, bakit ikaw, sumisigaw ka?! Peste ka! Ang sakit ng binti ko dahil sayo!" Dinuduro-duro ko pa siya.

Masakit talaga at parang namamanhid ang paa ko. Nanlalambot na ako at mapapaupo na sana nang buhatin niya ako. Yung pangkasal. Yun ang naging dahilan para manlaki ang mga mata ko at mapasigaw.

"Ano ba?! Put me down!"

Hindi niya ako pinansin at sinakay niya ako sa passenger seat ng kotse niya.

"I will bring you to the hospital whether you like it or not."

"Ibaba mo ako! Kaya kong pumunta sa ospital ng mag-isa!" Sigaw ko pero wala rin dahil pinaandar na niya ang kotse niya at nagsimula na siyang magmaneho.

"Kaya mong maglakad sa sitwasyon mong yan? Tingnan mo nga ang paa mo. Tsk." Masungit na sabi niya.

Tiningnan ko naman ang kaliwang paa ko. Shit! Dumudugo ang kaliwang binti ko!

"Walanghiya ka! Bilisan mo nga ang pagpapatakbo ng kotse mo nang makarating kaagad tayo sa ospital! Masama kang tao! Papatayin mo ba ako ha?! Nakita mo bang tumutulo na ang dugo mula sa binti ko?! Ha?! Peste!" Nakasigaw pero mangiyak-ngiyak na sabi ko. Ngayon ko lang naramdaman yung sakit. Takot pa naman ako sa dugo.

"I am not trying to kill you! Eto na nga eh! Just wait! Ugh! Bwisit!"

Nang makarating kami sa ospital ay kung anu-ano ang ginawa sa akin. Ginawa iyon nang conscious ako. Buti at may anesthesia kaya hindi ko ramdam ang sakit. Hindi ko na din masyadong tiningnan dahil natatakot ako.

Pagkatapos ng ilang oras ay medyo okay na ako. Medyo pa lang. Lumabas na ako ng kwartong iyon at nakakaloka dahil naka-wheelchair ako. Juice ko die.

"Okay ka na ba, Miss?"

"Mukha ba akong okay, Sir?! Kasalanan mo ito eh! Na-aksidente na nga ako, na-late pa ako sa trabaho ko!"

"Bakit ba lagi kang nakasigaw? Hindi mo ba kayang kumalma?"

"Hindi! Bwisit ka kasi! Ngayon, absent pa ako sa trabaho ko! Alam mo bang third day ko pa lang sa trabaho?!"

"Saan ka ba nagtatrabaho?" Tanong niya atsaka sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.

"Sa ABD Company."

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon