chapter 2

0 0 0
                                    

she's POV.

pumasok ako sa library at naghanap ng mga libro na pwedeng basahin. karamihan sa mga gusto kong basahin ay ang mga history books, minsan din ay nagbabasa ako ng mga novels, at ibat ibang libro galing sa wattpad.

habang naghahanap ay hindi ko namalayan na nasa dulong bahagi na pala ako ng library, at nagulat ng may makitang lalaking nakahiga at natatakpan ng libro ang mukha.

ano yan? dito natutulog? puyat ng puyat tas kung saan saan natutulog. manners please

"tsk, pathetic" tanging sambit ko nalang at naghanap nalang uli ng babasahin.

kriiiinngg!!!kriiinnngg!!kriiinnggg!

gulat akong napatingin sa aking telepono, may tumatawag. si ayu.

"uyy, miss, asan kana ba. magsstart na yung class" aniya na tila natataranta.

"okay" tipid na sagot ko at binaba na ang tawag,. dahil sa sobrang pagbabasa ay hindi ko namalayan na time na pala para sa unang subject kayat dali dali kong binalik ang mga librong kinuha ko at madaling naglakad patungo sa aking klase .

pagpasok ko palang ay nadatnan ko ang aking mga kaklase na tila nasa isang palengke at ang aming guro na hindi kayang pigilan ang kadaldalan ng kanyang mga studyante.

"sorry miss, im late" sabi ko dito ng aking normal na ekspresyon.

" please, go back to your seat," anito.
tumango nalang ako at naglakad na sa papunta sa upuan ko,  nasa pinakadulo ito at malapit sa malaking bintana, nasa 4th floor din ito dahil ito ang building ng mga 3rd year at 4th year students, at kung titingnan mo ay napakaganda ng tanawin dahil mula dito makikita mo ang napakalawak na school grounds, at malapit dito ang garden at ang cafeteria.

tinuon ko nalang ang aking atensyon sa harapan.

lumipas ang ilang Oras at tapos na ang unang klase  sumunod naman ay ang ikalawa. ang chemistry,. tinalakay lang ang ilang mga elements na gagamitin namin para sa una naming experiment activity next month.

matapos ng ilang discussion ay break time na. kayat inayos ko na ang mga gamit ko.

"shi, Kain tayo? ayu said.

tumango ako at naunang maglakad papalabas.

habang naglalakad di ko maiwasang mairita sa bunganga ng katabi Ko, kung ano anong pinagsasasabi tungkol sa school na to, kinocompare niya sa dati niyang school.. lahat nalang nakikita. sa madaling salita  IGNORANTE.

"uyy, ang ganda talaga dito, sana dito nalang ako nagaral dati, ang ganda ng view, yung mga facilities nila ang astig., at ang lawak.. shemss di nako aalis dito, what do you think shi?" mahabang litanya nito sakin.

"shut.up." mariing sabi ko habang patuloy na naglalakad. natahimik nalang siya at hindi na nagsalita hanggang marating namin ang cafeteria.

saglit lang kaming kumain at umalis na.

"may kukunin lang ako sa locker" sabi ko sa kanya,

"hmm, sige, sunod ka agad ah?" tumango siya at umalis na

ako naman ay tinungo ang daan papunta sa mga locker rooms.

kinuha ko lang ang notebook ko at naglakad na pabalik. ngunit napahinto rin agad ako dahil sa isang lalaking nakatayo sa locker room ng boys.

tiningnan ko ang paligid at napagtantong kami lang dalawa ang naandito.

sinarado niya ang pinto at pumihit patalikod kayat tiyak kong nakita niya ko.

hindi ko siya inintindi dahil malalate na naman ako kung nagkataon at dahil wala akong pakialam sa kanya.

pagpasok ko palang sa room ay busy ang lahat. umupo nako at hinintay nalang ang lecturer

matapos ang ilang oras ay lunch break na at napagpasyahan kong pumunta sa garden ng school. hindi ko na hinintay si ayu dahil ang tagal tagal niya.

nakakarelax ang ambiance dito kayat minabuti kong umupo sa ilalim ng isang puno. kinuha ko ang telepono at kinuha ang isang wireless

DARK ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon