I Heart You TOO: Yoona and Luhan Fanfiction ONESHOT

448 12 3
                                    

Annyeong! ~

" Ang init init! Hoooh! Buti kaya pa nilang hindi magreact sa ayos namin dito! Sira sirang upuan ang tumambad sa aming 1st Year High Students ng section Sagittarius. Nakanang kasi yung teacher namin eh! Bakit bigla pang umabsent? Alam naman nyang kahit high school na ito, lilima ang teachers na sakto sa bawat sections! Kaya ganun, pinalipat kami ni Ms. JooHyun sa section Pisces para sabay kaming maturuan!. Dikit dikit, mainit at sobrang polluted. Ewan ko nalang kung makapagturo pa sa amin ang mga teachers! Sana nalang talaga di ako himatayin! "

Sa sobrang init at siksikan dahil tatatlo na kaming nagkakasya sa bench na kasize ng pinagdugtong na isa at kalahating normal na silya, tumayo ako saglit at lumingon lingon para sa reaksyon ng mga kaklase ko este ka batchmates ko! May nakita akong lalaki! Maputi't mukhang maangas! Kakilala sya ng mga bully kong kaklase sa section namin! Sila ang magkakatabi! Sa unang tingin, para sa akin hindi sya gwapo! Maputi lang talaga sya! At sa tingin ko, pinaguusapan nila ako! Sana nalang hindi nila ako pinaguusapan dahil sa pagtayo ko!

Kinabukasan, ayun, nasurvive ko naman ang disaster kahapon! Pero, may nakalap akong news na umaalingasaw sa batch namin! Puro, hoy Yoona! Crush ka daw ni Luhan! Ayiiiie :* Kada corner ng corridor habang naglalakad ako, puro ayiie ang nadidinig ko! Ewan ko lang kung totoo yung mga sinasabi nila! Malapit lang ako sa Pisces ng bigla silang nag ingay at talagang hindi ko nagustuhan ang ingay nila! Puro ayiiie. Na akala mo ayun lang ang alam nilang word!

Lumipas ang 1st year na ganun lang ang nangyayari! Haha. Hindi naman sa sinasabi kong, I expect for more! Pero pwede ba? Joke! Shemms! the feels. This 2nd year naman, nalaman kong CLASSMATE ko pala ang mokong! BIG TROUBLE to! Alam kong babalik ang rumors! Hemegeed. Showbiz life! Joke again. Ayoko ng ganito basta! Parehas kaming, SECTION LOVE! Gusto ko magpalipat sa section faith o hope pero wala na talaga! Dun ko narealize na ang gwapo nya pala! CRUSH KO NA YATA SYA EH! Pero bakit parang antagal ko na ito nafeel? Ewan ba!

Walang nangyayaring kakaiba! Everything seems to be normal kung hindi lang ako pumasok ng March 21! Oras yun ng freetime namin! No classes! Pero pwedeng pumasok! Naisip ko lang na mamimiss ko ang mga friends ko kaya pumasok ako kahit teachers nalang ang required!

Tapos, saktong pumasok din si crush este si Luhan! Wala! Laro laro! Then there comes the time when we played, MY FAVORITE SONG! Kasama ang buong klase! I mean buong batch dahil nasa 23 over 115 lang namn kaming pumasok! Kay Chorong nagstart! My Favorite Song is Adam Song, Anong pangalan ng FIRST LOVE mo? Saktong natapat kay Luhan, UUUUUUUUHHHHHH.

Lahat nagaabang ng sagot nya! Mga tanga! Tuksuhin nyo ko please! At magdedeny naman ako! WAHAHAHAHA. Pero dali na! Sabihin mo na! At bigla nyang sinabing........................................  YOONA. Syempre namawis mawis ako pero kinakabahan na ang saya sayang gustong tumalon pero nanlalamig! Pero syempre dedma namn ako! Dahil baka mahalata akong FIRST LOVE ko din sya! Wihihihi.

Inaccept ng bawat isa at sabay sabay nag Ayiiiie. Nagpatuloy ang laro! Ngayon elimination round na! First letter ko ay "Y" kaya magpapasa pasa hanggang mabanggit ang y! Kung saan nagstop ang y, means ELIMINATED! Ang naging pasahan ay masinsinan! Walang gustong matanggal eh! May parusa kasi! HAHA. Detalyado pa ang bawat pangyayari! At di ko ito makakalimutan. Ng nagumpisa.... A- EUNJI, B- JESSICA, C- TAEYEON, D- CHORONG E- LUHAN, F- TIFFANY, G- BOMI, H- NAMJOO, I- HAYOUNG, J- BAEKHYUN, K- Qri, L- NAEUN M- SEOHYUN N- SOOYOUNG , O- Hyoyeon   P- Sunny  Q- Chanyeol  R- Dara S- Sulli T- GD U- Hyomin  V- Jiyeon W- Bora  X-Yuri  Y- YOONA?????????????????????  Naghiyawan na namn sila ng walang preno...

At paulit ulit ba namng sinabing " HAHAHAHAHAHA SYA YUNG CRUSH TAPOS SYA YUNG ELIMINATED! WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHAAAA Saktong sakto! Wiiiieeeeeeee! Talagang "ELEMNE DISZX!" Haha. Nakakainis pero mas nakakakilig <3 Ayiiie talaga! Sana masaya ulit sa 3rd year!

Ngayong 3rd year naman, Kami ang magli lead sa isang pray over at the same time ballad dancing sa school namin, para sa opening ng SportsFest this year. Ayun, kay Seohyun sya nalilink ngayon! Partner partner kasi kami! Si Chanyeol ang partner ko at hindi si Lulu! Whyyyy? Si Seohyun pa ang naging partner nya! Tssssss. Pero one time, nung tinutukso ko si Baekhyun kay Taeyeon, dahil sila ang magKapartner, bigla nyang sinabing, Nung nagkabangga nga tayo last time habang nagpapractice pagkalapit ko kay Luhan, sinabi nya saking, "SANA AKO NALANG YUNG NAKABANGGA KAY YOONA" lahat ng nakadinig ay humiyaw nanaman! As always! Including Taeng! Natameme ako at para bang gusto syang lapitan! Natapos ang 3rd year ng walaparing confession chu chu na nagaganap.

 4th YEAR NA! SANA NAMAN MAG CONFESS NA SYA NO! Haisssst! Pero may duda parin ako! Last year kasi, nalink sya kay Seo! Baka mawala narin yung amin! Pero meron ba? Antanga mo kasi Yoona! Bakit ba kasi? Hay! Aja lang! Walang nangyayari until graduation practice, salutatorian ako! Pero dadalawa ang practice namin! Yung isa ay Recognition program! Hati sa dalawa ang seats at 5 columns nung practice ng recognition. Bale 5 seats isang hilera  pahiga. Inarrange na ni Sir Minhyuk ang upuan. 1st yr to 3rd year ang nasa unang hati. Habang 4th yr lahat sa ikalawa. Inuna ang journalism contestants kasama dun si Luhan. Ang arrangement nila ay ......  Yuri, Baekhyun, Chanyeol, Luhan..... Oops kulang pa sila ng isa para makumpleto ang row na yun. Pero wala ng ibang contestants ang journalism maliban sakanila kaya pinalipat ako dun ni sir accidentally katabi si Luhan... Bilang nanalo sa district level ng Investigatory Project. Ito na naman si Kilig...... Hiyawan na naman sila Yuri!

Nagkakahiyaan kami kaya lumipat ako sa tabi Yuri sa pinakaunang seat! Ang choosy ko pero mamamatay ako dun eh! Habang may pinaniniwalaang girlfriend naman si Lulu na taga other section ... Sa pagkakaalam ko sya si Hyuna. Maikli ang buhok, 1st year friend ko. Pero wala na ngayon I mean di ko na sya friend! Ayan ang rumors ngayun! Kinabukasan nakita kong nagpalit sya ng profile picture sa Facebook at bakit sa dinami dami ba naman ng photo eh pic pa ni SEO! Waaaah! Namuo ang galit sa isip at puso ko! Bakit kasi ha? Pinaglalaruan yata ako nito eh! -_- BACK TO THE TOPIC: Sa general practice namin, nandun ang kapatid ko at ang mother ko, pinuntahan na nila ako dahil pauwi narin naman kami. Galing sila sa Elementary school malapit sa school namin dahil closing party ng kapatid ko.

Nung pauwi na.............. Nakita ni Luhan si Mommy from a far dahil nasa pinakaunang row kami! AND 10 rows pa ang kailangang lagpasan para makapunta kay mom. At tinawag nya ba naman si mommy na " Ma?" ng malakas pero tanchado nya kung maririnig ba yun ni mommy. Naghiyawan na namn! Ma? Seryoso? Napatingin nalang ako pero syempre kinikilig padin! at umalis na kami.

Kinabukasan sa totoong program na, bumaba ako ng schoolground sandali, hindi pa kasi dumadating si Yuri supposedly katabi ko! Nakita ko sila Luhan at SEOHYUN kasama yung ibang sigang gwapo sa section love na sila baek, yeol at sese. Yung dalawang yun same color of shirt pa! Tapos tumingin ako sa dress ko at nakitang may shade of red din? BASTA. Naiinis parin ako!

During the program, walang kibuan until...... rewarding na! Bigla syang nagsalitang " Ang ganda" alam ko kahit di ako nakatingin sa kanya meaning nya maganda yung isang bagay basta bagay sa stage whatever. Tinanong naman ni Yuri kung sinong maganda at sabi ba naman ni Luhan ng mabilis..................... Si YOONA! Tumili si Yuri at agad agad kinuwento sa akin! Eto naman akong kunwari di narinig eh samantalang anlapit lapit namin sa isa't isa! At bigalng sabi ni Yuri na, "anu bayan? Mag aminan na kaya kayo! Ito namang mga to oh! Halatang halata na di pa nag aaminan! Tsk! Tsk!" sabi ko naman ay " Aminin mo muna kay sese na may gusto ka din sa kanya!" si sehun ay nasa likod namin! Halata din namang parehas nilang gusto ang isa't isa! Sinabi nya ng nakaharap kay hunhun yung feelings nya and Im like OMMO! Ang galing nya! Antibay ng babaitang yun! AS IN CONGRATS ATE! Time na para magconfess naman ako! Sinabi ni yuri na " Tapos na! Luhan, ikaw naman magsabi kay yoona!" kinakabahan ako ng bigla nyang sinabing I HEART YOU! Nag ayiiie na naman sila! Ito na naman si Yuri at sinabing " Oh tapos na si lu! Ikaw naman!" ...................... ewan ko pero biglang lumabas sakin sa loob loob ko ang mga salitang " I HEART YOU TOO." Na laging nagpapakilig sakin everytime!

Thank you very much HIGH SCHOOL LIFE! You made my 4 years studying GREAT AND WONDERFUL! Wala kaming communications after naming gumraduate! PERO lahat ng photos ko sa Facebook even luma na, NILALIKE NYA PARIN. Pero ineexpect ko kasi may kasamang comment! Awiiiiie :) Hihi ^_^ <3

#ThanksForReading #VOTEthis #FOLLOWnadin!!!

I Heart You TOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon