The only part

10 2 2
                                    

Bela Pov

"Bela"

"Bela?"

"Belaaaaaaaa"Sigaw ng ate ko sa akin.

"Ano ba? nakikinig ka ba?"Tanung niya sa akin.

"Huh? may sinasabi ka ba ate?"Tanung ko pabalik napailing lamang siya.

"Napapadalas na yang pagkawala mo sa sarili mo"

"Sabi ko naman kasi sayo gamitin mo yang 3 days off mo"

"Jusko papatayin mo yang sarili mo kakatrabaho, bahay opisina na lang ang pinupuntahan mo"Ayan na naman siya, tumayo na ako sa hapagkainan at nilagay sa hugsan yung pinagkainan ko. Lagi na lang tuwing kaming dalawa lang ang magkasama dito sa bahay nila, kinukulit ako lagi sa 3 days off na yan.

"Ate wala naman akong gagawin sa 3 days na yan"Sagot ko at sinimulang hugasan ang pinagkainan ko. Kararating ko lang galing sa trabaho at kakatapos ko lang kumain ng hapunan. Pinagbuksan lang ako ng ate ko ng pinto kaya kasama ko pa siya kahit alas dies na ng gabi, naiwan ko kasi yung susi ko dito sa bahay nila.

"Kinuha kita dito sa canada para magipon at magenjoy , hindi yung magipon lang ng magipon ng pera ang gawin mo"

Nakikitira lang ako dito sa bahay nila ng kaniyang asawa, halos sampung taon na rin ako dito sa canada. Hindi naman na ako umuuwi pa sa pinas dahil sila mommy at daddy na lang ang dumadalaw sa amin.

"Wala ka pa namang pamilya, wala ka ring boyfriend ay wala ka talagang naging boyfriend"sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya.

"Ano? totoo naman ang sinasabi ko"inirapan ko lang siya. Pagkatapos ko maghugas nagpunas ako ng kamay at nagdirediretso na sa kwarto ko dahil ayoko na marinig kung ano pa mga sasabihin niya.

"Cge lagi na lang ganiyan"Narinig kong sinabi niya pa bago ko maisarado ang pinto.

Pagkasara ko ng pinto sumandal ako dito at bumuntong hininga. Kailan kaya ako titigilan ng ate ko? Gusto ko lang naman magtrabaho ng magtrabaho para pag marami na akong naipon magtratravel ako. Wala pa akong jowa kasi naman walang nanliligaw, bahala na nga siya.

Yunica Pov

Pagkapasok ni bela sa kwarto niya saktong lumabas naman yung asawa ko. Halatang nagising dahil sa bunganga ko na naman.

"Hon, ano ba yan? bat ba ang daldal mo na naman"Napasibangot naman ako sa sinabi niya.

"Ihh kasi si Bela eh ?" Reklamo ko naman sa kaniya, lumapit siya sa akin at inalalayan akong pumunta sa kusina para maupo sa mga upuan doon.

"Bat na naman si bela?"

"Ayaw pa rin mag day off"Sumbong ko rito, napailing naman siya dahil nagmumukha na naman akong bata sa harapan niya.

"Bayaan mo na kasi hon, ayaw kasi talaga niya eh"

"Ayan, sinusuportahan mo kasi kaya ayaw"Padabog akong umalis at nagtungo sa kwarto para matulog na ulit.

Kinabukasan

"Ano na bela mag day off ka na kasi"Pangungulit ko na naman kay bela habang kumakain kami ng umagahan. Napailing naman ang asawa ko.

"Kuya, yang asawa mo ayaw na naman akong tigilan"Sumbong niya sa asawa ko.

"Cge suportahan mo ulit yang kapatid ko Ed at ng makita mo"Banta ko sa asawa ko.

3 Days OffWhere stories live. Discover now