(Monday 11:00am)
Hayst! So boring. Eh pa'no, math ang subject. Idagdag niyo pa ang boring na subject teacher. Kainis! Kaya wala na naman akong magawa kundi ang isulat sa likod ng notebook ko ang pangalan ni love ko. Kahit na kaibigan ko ang gusto niya, I still into him. And besides, malapit naman kami sa isa't isa kaya ayos narin sa'kin yon."Mr. Lennon." Tawag ng lec kay Gab. Tumayo siya at saka pumunta sa unahan para sagutan ang problem sa board.
"Thank you Mr. Lennon." Nakangiting giit ng lec. Hayst! Kaya patay na patay ako sa kanya eh. Ang totoo niyan palagi s'yang natutulog sa klase pero kapag tinatawag siya ng mga lec nakakasagot parin siya. Siguro may kaibigan siyang elemento. Tsk.
.
.
.(Lunch Break 12:00pm)
"So, kailan mo balak umamin kay Gab?" Tanong ni Amara. Nandito kami ngayon sa canteen. Kailan nga ba? Hindi ko alam.
"Ewan ko. Hindi naman na siguro kailangang malaman pa niya." Saka wala akong lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Walang ganang giit ko.
"Paano kung may nararamdaman din pala siya sayo?"
"Baliw. Si Keila ang gusto non." Sana nga ako nalang eh. Tss.
"Bakit? Hindi na ba pwedeng mabago yon?" Ang kulit naman nito ni Amara. Bakit ba pinagpipilitan ang imposible?
"Ewan ko sayo. Ayos lang naman sa akin na magkaibigan lang kami eh. Besides, kung magkaibigan lang kami, walang break up. Duh!"
"Fine." Giit niya. "Pero what if gusto ka rin niya?" Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit talaga. Ugh! "What if lang." Nagpeace sign siya. Hayst! Kahit kailan talaga.
"Good then." Giit ko. "But that's impossible."
"Napaka-nega mo talaga." Nega agad agad? Diba pwedeng nag-iingat lang. Tss. Kahit kailan talaga. Naku!
"Ayaw ko lang umasa." Umasa na balangaraw magugustuhan niya rin ako.
"Kung sabagay tama ka."
"Hey!" Sabay kaming napalingon ni Amara sa entrance. At ayon, parang tinambol na naman ang dibdib ko.
"Speaking of." Bulong ni Amara.
"May assignment na kayo sa history?" Sabi ko na eh. Mangongopya lang 'to. Matalino nga tamad naman gumawa ng assignment.