Senshi #2

17 3 0
                                    

MULA sa madilim na sulok ng kwarto ay may lalaking naka tayo hawak ang isang baseball bat at hindi maaninag ng sino man ang kanyang mukha. Tanging nag mumunting liwanag lamang na nag mumula sa naka awang na pintuan ang nag sisilbing ilaw mula roon.

Naka-luhod ang apat na kalalakihan na animo'y sinasamba ang lalaki, tahimik ngunit bakas at ramdam ang tensyon mula sa loob. Hinihintay ang hudyat nito.

"Hindi ko lubos maisip na sa dami-dami nyong mga tarantado kayo ay madali lang nakatakas ang lalaking iyon." Mahina ngunit puno ng galit ang bawat bigkas nya.

"Patawad, hindi po namin aakalain na mapapasabak kami sa gulo." May takot na sagot ng isa sa mga naka yuko.

"Gulo?" Biglang nag lakad ito mula sa bangko at naupo, habang sinisindihan ang sigarilyo.

"Opo."

"Wala akong pakealam sa kung anong gulo man ang pinasukan nyo mga tarantado kayo."

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero alam kong ikakatuwa mo na malaman ito." Napa tigil sya at bumuga ng usok.

"Hindi ako tanga para sa kalokuhan mo, Diego." Naka ngising sambit pa nya. Tiningala sya ng nag ngangalang Diego na may pag ka mangha. "Spill it. Make sure it will make me happy or else, I'll make you pay the price." Kinabahan man ay matapang na hinarap nya ito.

"Si Kurei, at ang bagong namumuno sa mga tauhan ni Kurei." Matiim na nakikinig lamang ang lalaki. "Sila ang dahilan ng lahat. Sila ang dahilan kung bakit nakawala si Tyrex." Biglang nabalot ng katahimikan ang kwarto.

Walang nag tangkang gumawa ng ingay hangang sa bigla na lang tumawa ng malakas ang lalaki at biglang kinuwelyuhan si Diego, kita ang pag aalab sa mga mata nito kasabay ng pag ka balot ng takot sa mata ni Diego.

"Maayos kang mag bigay ng impormasyon, ngunit natitiyak kong isa ka sa mga walang kwentang tao na napakiharapan ko sa gabing ito." At walang sabi sabing sinikmurahan nya ito, napa singhap si Diego pati na rin ang mga kasamahan nito at patapon na inilayo nya ito sa harap nya. "Kurei.. Bagong master.." Napangisi sya at Lumapit sa isa pang lalaki na kanina pa nananahimik na naka upo sa malaking sofa, naka masid lamang ito na para bang live show ang pinapanood. Tinapik nya ito sa balikat. "Ano masasabi mo sa narinig mo? Archer."

Napa halukipkip lang ang nasabing lalaki at tinapunan sya ng nakaka bored na tingin.

"Senshi University." He uttered. Tumango ang lalaki.

"Right, the garbage one. It would be nice to show them something they would wake from the long daydreams." Napa iling ang lalaki ng biglang bumukas ang ilaw at mula roon napa baling ang tingin nya sa lalaking pumasok na may hawak hawak pang pamaypay.

"Ano na namang katarantaduhan ang ginagawa nyo?" Walang pakundangan na sabi nito at isa-isa nitong pinag sisipat ang itsura ng apat na lalaking naka luhod parin sa lapag. "Mmm. Basag ang mukha mo ah." Ani nito kay Diego. "Si Kuya ba ang may gawa?" Mabilis na umiling si Diego. "Thank, God." Humagikgik sya at pinakiharapan na ang lalaking naka simangot dahil sa pag dating nya. "Oh c'mon Kuya. Stop that look. It won't help."

"You and your stuff too, it won't really help, Red." Sarkasmo nitong sabi. Tumawa lang ng mahina si Red at lumapit dito sabay bulong.

"I know who's to blame." He faced him again. "Kurei? na ah--Senshi University? or its Pyro the one who hated by Ugo." Ngumisi ito. Napa kuyom ng lalaki ang kamao nito sa mga sinabi nya.

"I don't care, they start this fight." He smirked. "I will ended it." Nag lakad ito patungo sa pintuan pero huminto rin at nilingon ang nasa loob. "Settle this, do what you need to do. Kill them if you can."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Senshi University IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon