Chapter 3

7 1 0
                                    

Nina Perri >POV<

~ love is like an air you can't see it but you can feel it ~

It's another lovely day for me !

Unang pasok ko yata sa Harvard university kaya gumising ako ng napaka aga ^\\^

I'm Niña Perri. 18 years old and currently living here at United States. Pure Filipino po ako at napadpad lamang dito sa US dahil sa auntie ko na nagpapa aral sa akin.

Wag kayong ganyan mag isip ha! Hindi kami mayaman kaya alam kong magtataka kayo bakit ako nakapasok sa Harvard university na ito at isa lang ang masasagot ko jan! Matalino ako at pinasa ko ang scholarship exam at nag rank 1 ! Hehehe >.< nakakahiya naman ang talino ko kasi ! Hahaha joke ^_^

Kahit mahirap dito sa Harvard kaya kong mag tiis makasama ko lang ang aking labidobs every single seconds...

Nag aaral kasi siya dito at hindi niya na kailangan mag take ng exam kasi mayaman at team captain siya ng basketball dito sa school!! Ang unfair naman T_T bat ako kailangan ko pa mag puyat na mag-aral pero maganda parin !! Connect nun ? Hahaha.. Wag kayo maniwala sa akin joke ko lang iyan =>

Heto na at papasok na ako sa aking dream school kasama ang napakalaking luggage ko na puno ng damit at libro ko. Dito na kasi ako mag iistay sa dorm. Syempre! Saan pa ba ?

Pagkatapak ko palang sa magandang unibersidad na ito pinagtitinginan na nila ako. Ayan tuloy nahihiya na ako !

May mali ba sa suot ko ? May dumi siguro ang mukha ko? kaya lang pag daan ko sa isang salamin sa hallway.

wala naman akong nakitang dumi yun nga lang!!

may pangit na babaeng nakatayo, nakasuot ng mataas na damit, naka glasses at bun pa ang buhok haggard na haggard talaga ang mukha.

Multo ba yan? Basurera kaya ? Pulubi? Tagalinis ng CR ?

Grabe nakakatawa siyang tignan.

Guess who ?

"Tandddaddaadddaaaaang"

Drum rolls ko yan !!!!!!

Hahahaha....

Walang iba kung hindi AKO!! You read it right ako ang pangit na yun. Kaya nila ako pinagtitinginan na parang ngayon lang nakakita ng alien este tao pala :3 hindi naman sila ang pinunta ko dito eh -_-

"Nins!" May tumatawag ba sa akin ?

Tingin doon,

>.>

tingin dito,

<.<

mukhang wala nman. Aisssh!! Ano bato nag hahallucinate na naman ba ako? Wala nman akong kilala dito. Mabatukan nga paminsan ang sarili >.<

nagpatuloy lng ako sa paglalakad habang tinitignan ang mga naglalaro, nag-aaral, sumasayaw, kumakanta, nagkakatuwan at iba pa. O_O Grabe pala dito noh?? Ang Ganda at ang laki pa!

"Nins (hingal niyang sabi) ang bilis mo naman mag lakad akala mo kung sinong hinahabol ng aso" reklamong sabi ng isang anghel na nahulog sa lupa upang patibukin ang aking pusong nanahimik.

Ang gwapo niya naman kasi may matangos na ilong, katamtaman lang ang kulay ng kanyang balat, ang mata niya na kulay caramel, ang mapulang labi niya na parang tinata-

"Hoy nins! "

Nagising ako sa aking pag lalandi I mean sa pag iisip ! Grabe naman kung landi ang gagamitin kong word ! Aish ! Gumising ka nga sa katotohanan Niña Perri alam naman natin na hindi ka mamahalin ni Rence Gaizller.

Tama kayo ng basa si Rence Gaizller ang kababata ko at sinimulan kong mahalin 5 years na ngayon. Naging stalker, fan girl, alalay at kung anu-ano pa mapansin lang ako. Pero eto parin walang asenso sa love life.

"Sino ba kasi ang may sabi sayo na tumakbo ka at tawagin mo ako ha ? " sabi ko ng nakapameywang at taas ang isang kilay.

Kahit nerd ako sa paningin niya kaya ko rin naman magpakipot at mag inarte kahit gusto ko ng sumigaw sa kilig lalo na pag nagpa pout siya sa akin at nang lalambing. Ayyyyiiiieee ! ^\\^ Hahahaha

"Hindi naman kasi yan ang sinasabi ko ! Tignan mo nga ito ikaw pa ang may ganang magalit kahit hindi ka nakikinig sa akin! "

" Ganun ba ? Hehehehe.. Sorry -_- may iniisip lang ako. " ^_^v

"Okey lang ! Miss ko na kasi mukha mo Nins " sabi niya habang nakaakbay sa akin na may malapad na ngiti :) ayan tuloy lumabas ang dimples niya ! Kinilig ako don ah ! Hahaha

"Alam ko ! Saan ba ang dorm dito ? Room 215 kasi ako at kanina ko pa hinahanap ang p*steng room na yan ~_~ "

"Chill ka nga lang mabuti pang samahan kita para naman makilala mo si Nica Loel ang girlfriend ko at marami rin akong ikukwento sayo"

"Ah , ok" hindi mn lang ako updated na may girlfriend na pala siya at ang mas malas pa sa lahat ay ipapakilala niya ako sa kaagaw ko sa puso niya.

Bruhang yun! Kung hindi ko lang alam na girlfriend niya yun at nagkakilala kami talagang kakalbuhin ko siya ! Hmp! Sino ba siya ? Hmmm.

Kung bakit ba naman naging bulag at manhid itong si Rence maghanap ba naman ng iba eh nandito lang naman ako sa tabi niya at lihim siyang minamahal, sinusuportahan, at paulit-ulit na nasasaktan ang puso kong walang ginawa kundi isigaw ang pangalan niya.

The journey of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon