Prologue

7 1 0
                                    

"Are you really sure about this?" nakayukong tanong nya sakin.

"Of course. Matagal na natin pinlano 'to diba?" sabi ko saka hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.

"Sorry." sabi nya at  inangat ang tingin sakin.

"It's okay. Wedding jitters lang yan." nangingiting sabi ko sa kanya.

I'm with my 5 years girlfriend and 2 years fiance right now, we're having a dinner here in one of the fanciest restaurant in the country.

Ikakasal na kasi kami next week. 

"I mean, I'm sorry, Accel. I want to call off our wedding."

"Why? Okay naman tayo diba?" I asked with disbelief.

Incoming third year college na kami at nagpropose ako sa kanya nung gumraduate kami ng senior high.

We're both 19 now at summer ang napagkasunduan namin time na maikasal which was also approved by both of our families.

I don't know kung bakit bigla-bigla syang umaayaw ngayon. Wala naman kaming pinag awayan as much as I remember.

"I will be honest with you, Accel. Red is back."

Maiksi man ang paliwanag nya, sapat na iyon upang maintindihan ko kung bakit umaayaw na sya.

"Is it still him?" nanghihinang tanong ko.

Tumango sya na naging dahil nang sapilitan kong pagpikit ng aking mga mata.

Ayoko. Di ko gusto ang nangyayari ngayon, sana panaginip lang lahat ng ito.

Nag-iinit ang mata ko. Konti nalang. Alam ko, konti nalang bibigay na sila.

"Paano naman ako, Yan?"

Pilit ko man pigilin ang pagtulo ng mga luha, kusa naman bumigay ang aking mga mata.

Nangako akong hindi ko sya pipilitin manatili sa relationship namin once na umayaw na sya.

Wala akong karapatan pigilan sya, pilitin at papiliin dahil malinaw na naman kung sino ang pinili nya.

"Should I let you go?" tanong ko at hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Please, Accel." may pagmamakaawa sa boses nya saka ipinatong ang isa niyang kamay sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"Pero mahal na mahal kita eh." pakiramdam ko ngayon ay isa akong bata na humihingi ng candy sa nanay nya, nagsusumamo.

"Accel, mas mahal ko siya." matatag ang boses na sabi nya.

"I know."

Nakatitig lang ako sa mga mata nya. Hindi ko alam kung gaano katagal yun pero kahit sa huling sandali, gusto kong maalala ang bawat detalye ng kanyang mukha.

"Will you be happy if I let you go?" pinipigilan ko ang hikbing pilit kumakawal sa labi ko.

Ayoko. Ayokong ipakita ang ganito side ko. Pero nasasaktan ako ngayon, sobrang nasasaktan. Nadudurog. 

"I will, Accel. I promise." nakangiting sabi nya.

Tumango ako at huminga ng malalim.

Ito na, Accel. Pagbinitiwan mo na wala ng balikan, wala ng lingunan.

Unti-unti kong binitawan ang kamay nya at dahan-dahan binawi ang akin mula sa kamay niyang nakapatong.

I can't give her a smile right now. I don't want to force something.

Hindi ako namimilit.

Something I learned about love, hindi ito pinipilit makuha o binibigay ng sapilitan. Kusa mo itong ibibigay kung gusto mo at walang hinihinging kapalit.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad na palayo sa kanya, palabas ng restaurant.

Sa pagtayo ko kasabay nito ang pag-iwan ko sa lahat ng pagmamahal ko para sa kanya.

Sa paglakad ko, napagdesisyunan ko ng umusad, at araling mabuhay ng wala sya.

At sa paglabas ko sa pinto, lalabas na din ako sa buhay nya, wala ng lingunanan, wala ng balikan.

Paglanghap ko ng malamig na hangin sa labas ay para akong natauhan.

Change, Accel.

You should change yourself.

Hindi dapat ikaw ng iniiwanan.

I am Aston Accelerate Hwang.

Accel is logging out.

Eight is the new Accel.

Welcome to this world, Eight.

May be this time,
just maybe.

You will finally found the

Right Her and Right Now.

Right Her and Right Now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Her, Right NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon