• Chapter 1 •

84 3 0
                                    

•• Zie's POV

Love? Love is like a rubber band held at both ends of two people........... When one leaves it hurts other.

It's been a month nung nakipag hiwalay sakin si Earl.

(FlashBack)

"Bakit? My ginawa ba ako?" Tanong ko ky Earl hawak hawak ang kamay niya at lumuluha.

"Si Alli..." Mahina niya sabi.

"Si Allison? Yung bagong transfer?"

"Mahal ko na siya Zie. Kaya please lang. Tigilan mo na ko." Hindi siya tumitingin sakin. Bigla niya lang ako tinulak. At umalis, Iniwan akong mag isa na umiiyak T_T

------------------------

Earl Joshua Petterson. Ang kauna-unang lalaki nka pag patibok nang puso ko, at siya rin pala ang unang wawasak nito.

Allison Mae Mitchel? Yun ang malanding cheerleaader na pinagpalit ni Earl sakin. Transfer student last year.

Ngayon? 4th year high school na kami at bukas na yung bukas klase.

By the way, Im Zeratish Bender. My friends call me Zie. I have a twin sister Chelsea Bender and Cie (Pronouns as Si) naman yung nickname niya. We live in a Condo unit. Yep! Dalawa lang kami ang magkasama since 1st year high school. Galing kasi kami France actually taga france talaga kami. Dun kami lumaki e. Kaya sa condo lang kami tumitira. Si mama at papa? Eeeeee ewan? Palipat lipat kasi sila ng lugar. Trabaho lang kasi ang inaatopag.

Pumunta kami ng Pilipinas kasi pinoy talaga kami. At dahil busy naman lagi sina papa napag disisyonan namin ng kambal ko na dito na tumira.

Back to reality.

Umpisa nung break up namin ni Earl naging cold na ko sa lahat. Hindi ko na nga matandaan yung last na ngumiti ako. Lagi akong tulala. Walang ganang kumain at hindi masyadong nag sasalita.

"Sis?" Tawag ni Cie sakin. Tumingin ako sa kanya.

"Samahan mo ko sa mall oh." Tumango lang ako. Nakita ko siya huminga ng malalim. Sorry Cie. Hindi na ako marunong ngumiti. Alam ko naninibago sakin yung kambal ko. Dati kasi ang jolly jolly ko, ang kulit kulit. Pero hindi ko alam kung bakit ako nag ka ganito.

-___- oo nga pala. Dahil ky Earl. Tama nga sila. Pain makes people change. :/

Nagbihis na ako at nagpunta kami ng Mall. Nasa bookstore kami ngayon nag paalam muna sandali si Cie at babalik din daw siya kaagad.

Mahilig kasi ako mag basa ng libro. Nag tingin tingin ako ng libro sa book shelves nung may kumuha sa attention ko.

"Steps for moving on after A break up."

Kukunin ko na sana yung libro kaya lang my isa pang tao nakahawak nito.

"Im sorry miss but i have it first" Sabi niya hindi ko siya sinagot at hinila ang libro. Tumingin ako sa shelves nag iisa lang ba to? Nag iisa nga. Inagaw niya naman sakin yung libro. Wala talaga akong gana makipag away e.

Pero kailangan ko ang libro! Ulit hindi ako nag salita inagaw ko ang libro ulit sa kanya at tiningnan siya ng masama. Tiningnan niya din ako ng masama at lumapit sakin.

"Tsk. Brave girl!" Bulong niya. Tsk. Ano ba inagaw niya ulit yung libro e. Nag agawan muna kami ng libro at may lumapit na na saleslady samin.

Sinabihan lang kami ng babae na marami pa daw ganung libro. Kaya hinila ko lang ULIT ang libro sa kanya at dumiritso na sa counter. Akala niya ha. Nag smirk lang siya at sumunod na sa babae.

Maya't maya nakita ko na si Chelsea papunta sakin.

"Oh? San ka galing?" Tanong ko.

O_O <-- ako.

^_____^ <-- Siya! Ang lapad ng ngiti. Somethings weird. -__-

"Jan lang. Tara shopping?"

----------------------------------

Kumain na kami ng dinner sa mall at umuwi nadin sa Condo. Nakwento ko na ba na ang condo na ito ay boyfriend ni Cie ang may ari? I mean pamilya ng Boyfriend ni Cie. Nag aaral pa kasi si Nick. Yep iisang school yung pinapasukan namin at classmates pa kami niyan. Pero wala dito ngayon si Nick boyfriend ni Cie kasi nang pagkatapus nang recognition nung 3rd year kami umalis agad si Nick. Nag bakasyon lang ha. Baka isipin niyo iniwan kambal ko. Sa gandang niya yan iiwan. Syempre dahil sabi ko maganda siya malamang maganda din ako kambal kami e. pero ang pagkaiba lang ako iniwan :'(

[Zeratish Bender as Kathryn Bernardo and Chelsea Bender as Nadine Lustre. Kambal sila pero hindi sila masyadong mag kamukha. Identical twins kumbaga.]

Nang makarating kami ng condo panay parin ang ngiti ni Cie. Kanina pa to sa mall ah? -__- Ang weird weird na e. Ts. Dahil naka dinner naman kami sa mall diritso na kami sa kanyang kanyang room. May pasok na kasi bukas kaya nag ligpit na kami ng gamit para bukas.

"Haaaaaaay!" Napabuntong hininga ako. May pasok na bukas. Makikita ko na naman si Earl at ang bruhang Allison. Kaya mo yan Zie. Sabi ko nalang. Bato na tong puso ko. Hindi na to masasaktan.

-----------------------------------

Ginising na ko ni Cie. Tumingin ako sa relo ko. O__O Ang aga 4:30 palg e. 10mins lang naman biyahe papuntang school.

"Oy? Anong meron? Ang aga aga naman." Ganito ba kung excited ka sa first day of school?

"Nope! Excited ako makita si Nick! Kaya sis bihis na!" O_O huh? Nababasa niya ba isip ko? O sinabi ko talaga yun? Tsk yan kasi bsta hindi masyadong nag sasalita.

Nakakatamad naman. Malamig pa naman. Bumangon na ko at naligo mabuti lang kasi ang shower namin may hot and cold. Pagtapus kong maligo sumunod na si Cie. Nagbihis na ko at pag labas ko nang kwarto. O__O eto na lagi yung mukha ko. Hindi tatagal lalaki na mata ko sa gulat.

Eee kasi naman dba pag bihis ko naliligo palang si Cie. E nakabihis na e. Excited masyado Maya maya tumunog yung door bell.

"Ako na!" Sigaw ni Cie. As if naman ako bubukas wala naman akong friends dito. At alam ko si Nick lang naman yan.

"Hi Bee." Oh sabi ko na nga ba e. Si nick lang. Binateh niya si Cie at nag kiss sa cheecks. Tsk. Maka alis nga masyadong sweet e. Nakakasuka.

"Hi Zie! Musta na?" Nakita niya pala ako. Nag smile ako at nag hand gesture na approve lang ibig sabihin okay lang.

"May dala akong breakfast." Tsk. Aalis na sana ako hindi nakapag almusal. Nakalimutan ko ng kumain. wew.

"Oh tara na Zie."

"Sis, Hindi ba napapanis yung laway mo? Mabuti nalang tumatawag sakin si Nick lagi kung hindi panis din siguro laway ko." Tsk. ano bayan nakasanayan ko na mag "tsk: ah.

"Oh bat apat to?" Apat kasi dala niyang pagkain.

"Nag salita na siya!" -___- Kita mo parang timang lang si Nick parang gulat ng gulat na nag salita ako.

"Nick may bibig ako!" Tumawa lang siya.

"Sorry naman. AHAHAHA. ah ano kasi my pinsan ako. Mag tatransfer narin sa school natin at diyan lang siya tumitira sa harap ng condo niyo." Tumingin siya kay Cie. "Bee ok lang ba kung sasabay siya satin mag breakfast?"

"Ofcourse!" Sabi naman ni Cie at sinubuan pa si Nick. Wag nga! Nasusuka ako e.

Ding-Dong.

Una nagkatinginan si Cie at Nick. Again weird?

"Ah sis ikaw na nga mag bukas. Please baka pinsan na ni Nick yun."

"Ganun?" Sabi ko at nag pacute lang si Cie. Tsk. Kaya tumayo na ko at binuksan ang pintuan.

O___________O

"IKAW?" Sabay naming sabi... esti sigaw!

•• End of Chapter 1 ••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where do Broken Hearts go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon