Title 'Huling Sandali'
Prologue
Nakaupo ako sa bench dito sa field ng dati kong school. Parang kailan lang pala nung college pa ako.
Parang kailan lang nung stress na stress ako sa mga nakakalokang subjects ko. Parang kailan lang nung nandito kami ni Jamaica at Suzea, nagtatawanan na parang mga baliw.
Napangiti ako, parang kailan lang. Ang sarap palang i- ireminisce lahat ng masasayang memories.
Masasayang memories. Mga masasaya. Unti unting tumulong ang luha ko sa aking pisngi. Mga masasayang sandali na kasama siya.
"Huli na to. Huli na to kasi hindi ko na kaya. Bibitawan na kita."
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
General Fiction"Nais kong maging iyo at ika'y maging akin sa ating huling sandali. " -Nicole Satrez