Una

5 2 0
                                    

Nicole's P. O. V

"Nixxxxxxxxx!!!" hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sinong tumawag sakin.

Iisa lang naman kasi ang tumatawag ng 'Nix' sakin e. Naparoll- eyes nalang ako.

"Hoyyyyyyyyyy Nixxx!!" naramdaman kong may pumatong na kamay sa balikat ko. Pero no response parin si Ako.

"Aba ha! Hindi naghintay juskoo!" hinihingal na sabi niya.

Maiksi ang kanyang buhok, matangos ang ilong, may singkit na mata at may katangkaran, ang kaibigan kong si Suzea.

"Baket ano na naman ba?" masungit na tanong ko sakanya. Kunware di kami friends.

"Arayyyyy!" napadaing ako ng bigla nalang niya akong batukan. "Charot ko lang naman yun e! Eto naman di mabiro!" inakbayan ko siya at nginitian ng pagkatamis tamis.

"Wag mo kong chinacharot charot jan ha! Di ka nag iintay e, sabing teka lang! Batukan ulit kita jan e!" nang gigil na sabi niya, tipong nanginginig na yung pisngi niya, nginig na nginig---charut, nakakunot noo lang siya habang naka-amba ang kamay pambatok ulit sakin.

"Ehehehe, nakalimutan ko e. Bawi ako next time pramis!" kulang nalang magpanatang makabayan ako dito para lang maniwala siya e.

"Oo na, oo na." masungit na ani niya. Totoong nakalimutan ko siyang hintayin pano ba naman kasi naiistress ako sa Research namin gash!

"Kumain ka na ba--" nabitin ang tanong ko sa ere--- teka may sampayan ba sa ere? Charut. So ayun nabitin nga kasi may biglang umakbay samin ni Suzea sabay bulong ng, "What's up madlang pipol?"

"Walanho Jamaica! Yung laway mo naman jusko! Ang dugyot!" reklamo ni Suzea, pano ba naman natalsikan yung pisngi niya ng laway ni Jam.

"Oo nga ang dugyotz ha! Kaloka pwe!," kunware dumura ako ng laway, "Ang dugyot nalalasahan ko pa!" kunware nalasahan ko, hehe.

"Sige nga anong lasa?" naghahamon na sabi ni Jam. Ay hala, palavan.

"Lasang walang jowa, ano laban? Ha? Ha?" nakataas ang isang kilay na sabi ko.

"Pfft Hahahahahaha!" tawa ni Suzea. Tapos nag apir kami. Nicole-1 Jam-0 ngek.

"Abaaaaa! Nagsalita ang may jowa, bakit may jowa ka? may jowa ka?" nanduduro na sabi niya.

"Wala." nakabusangot na sabi ko. O nga pala wala rin akong jowa. Kaenesh. Nicole-1 Jam-1

"BWAHAHAHHAHAHHA!" mas natawa pa si Suzea, kaloka.

"Pati rin naman si Suzea a! Wala ka ring jowa, makatawa to!" sita ko kay Suzea na nagpatigil sa pagtawa niya.

"Oo nga no, wala rin pala ako jowa hahahaha. Bakit nga ba mga wala tayong jowa? Pfft." natatawang tanong niya, aba natawa pa ang gaga.

"Ang chachaka niyo kasi." sabi ni Jam sabay turo saming dalawa ni Suzea.

"Nagsalita ang maganda." sabay roll eyes ni Suzea.

"Maganda ka ba teng?" nakapameywang na tanong ko kay Jam.

"Oo! Maganda ako!" kulang nalang kumuha siya ng abogado mapatunayang maganda siya e, kaya tumawa nalang kami ni Suzea.

                                - *-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon