NI: Makata-RRJ*
Ang milenyal ay kabataang moderno,
Ang sagisag sa panahong nagbabago,
Kakayahan nila,ating pag-ibayo,
Kabataang magpapayabong ng mundo.
Kabataan ay maraming kaalaman,
Sa pag-unlad ng mundo,ating sandigan,
Marapat lamang ating pahalagahan,
Pagkat kabataan pag-asa ng bayan.
Ang kabataan ay ating pag-buklurin,
Kabataang milenyal ay patatagin,
Pagpupunyagi ang kailangan natin,
Pagkakakilanlan ay panatilihin.
Ang mga kabataan ay pag-asang tunay,
Kaya't magsikap,mangarap at maglakbay
Panatilihin ang pag-asa't pag-gabay,
Kabataan ang simula ng tagumpay.
YOU ARE READING
Ang Makabagong Kabataan
PoetryThis poem is written and inspired by the millenials who woke up in technology.