Agad na sinenyasan ni Jamie ang nakaabang na trysikel sa labas ng supermarket, nang huminto ito sa kanyang harapan ay agad siyang sumakay bitbit ang kakarampot na supot ng mga napamili at sinabi sa driver kung saan siya bababa.
Nang isandal niya ang likuran sa sandalan ng upuan ay nakaramdam siya ng kaunting kaginhawaan, talaga kasing nakakapagod ang maghapong trabaho sa factory. Ipinikit niya sandali ang mga mata habang na sa biyahe at nang maramdaman niyang
huminto ang trysikel ay nagmulat siya at napabuntong hininga na lamang na bumaba at nagbayad sa driver.Na sa labas pa lang kasi ay dinig na dinig niya na ang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay nila at pagpasok ay tumambad kay Jamie ang mga nagsusugal.
“Nariyan ka na pala, Jamie.” Sabi ng kanyang ina habang nakatuon ang mga mata sa hawak nitong baraha.
Nakapalibot sa isang mesa ang mga kaibigan nito habang nagsusugal. Puno na rin ng usok ang buong sala dahil sa mga sigarilyo kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding inis bago dumeretso sa maliit nilang kusina.
Mas lalo pang nadagdagan ang bigat na kanyang nararamdaman dahil tumambad ang isang tambak na hugasin, ni wala ring pagkain man lang na niluto kaya nanghihina siyang napaupo at minasahe saglit ang binti dahil sa pagod sa trabaho.
Nagpahinga muna siya ng ilang minuto bago tumayo at nagsimula nang maghugas ng mga pinggan sa lababo, pagkatapos ay nagluto na rin. Madalas ay ganito ang eksena kapag dumadating siya galing sa trabaho at nakakasawa na talaga. May mga oras na gusto niya na lang mapag-isa at iwanan na lamang ang inang sugarol pero hindi rin naman kaya ng kanyang konsensya.
Napalingon siya nang makitang pumasok ang ina sa kusina kaya walang imik niyang ibinaling ang mata sa niluluto.
“May pera ka pa ba riyan anak?” kusang nagsalubong ang kilay ni Jamie sa sa inis.
“Wala,” tipid niyang sagot pero lumapit ang ina sa kanya.
“Kailangan ko lang. Ibabalik ko rin kaagad sa iyo kapag nanalo ako, ang ganda na ng laban e!” pamimilit nito kaya inis niya itong tiningnan.
“At paano kung hindi ho kayo manalo? Puwede ba, Ma? Itigil niyo na ang pagsusugal niyo! Halos lahat na lang ng perang naiwan ni Papa sa sugal na lang napunta! Pagod na rin ako kaya tigilan niyo na iyang walang kuwenta ninyong luho!” galit niyang sumbat, napabuntong hininga naman ito at galit siyang sinalubong ng tingin.
“Hoy Jamie, wala kang karapatang sumbat-sumbatan ako huh! Wala kang utang na loob, at huwag mong hanapin sa akin ang kakarampot na perang iniwan ng magaling mong ama!” ganti nito sa kanya.
“Wala akong tatanawing utang na loob sa inyo dahil lahat ng mayroon ako pinagsikapan kong makuha! Nakapagtapos ako ng pag-aaral, ni suporta niyo wala!” masama ang loob niyang sagot dahil punong-puno na siya.
“Magaling ka pala e! Bakit nagta-trabaho ka sa kakarampot ang sahod?” pang-iinsulto nito.
“Pati ba naman trabaho ko iinsultohin niyo? At least alam kong marangal ang trabaho ko!”
“Marangal nga, pero gutom naman ang inaabot mo! Ang hirap kasi sa iyo napakataas ng pride mo! Hinahayin na sa iyo ni Mr.Wang ang marangyang buhay, ayaw mo pa!” lalong nag-init ang ulo ni Jamie nang banggitin ng kanyang ina ang matandang Chinese na pinagkakautangan nito.
BINABASA MO ANG
SOLD 🔞
Romance"Alam mo Jamie, even if I use your body a thousand times, hindi mo pa rin mababayaran ang perang pinangtubos ko sa 'yo kay Mr.Wang. Bakit? Ano ba'ng tingin mo sa sarili mo? Pera lang din naman ang halaga mo sa sarili mong ina, kaya ka ipinagkanulo s...