CHAPTER 3

435 33 0
                                    

Agad silang sinalubong ng mga empleyado sa resort nang makababa sila ni Raizo sa yate.

“Pakihatid na lang si ma'am Jamie niyo sa unit ko,” utos ni Raizo at humiwalay na sa kanila. “Maiwan na muna kita,” agad naman siyang tumango kay Raizo.

“Halika ma'am sunod ka po sa amin,” sabi ng babaeng empleyado habang dala ng isang lalaki ang gamit niya.

Dinala siya ng mga ito sa isang unit na parang VIP sa laki, may mga gamit sa loob kaya pumasok kaagad sa isip niyang dito na nga siguro tumutuloy si Raizo kapag narito sa resort.

Nang maibaba ang mga gamit ay nagpaalam na rin ang dalawa sa kanya kaya iginala ni Jamie ang tingin sa loob ng unit. Mayroong mini bar malapit sa kitchen, malawak din ang sala. May dining table na dalawa lang ang upuan at carpet din ang sahig pero iisa lang ang kuwarto.

Bahagya siyang napaigtad nang may biglang magdoorbell, agad niyang nilapitan ang pinto at binuksan.
Bumungad sa kanya ang nakapostorang Ginang na nakatayo sa pinto, nakalong dress ito habang suot ang beach hat at sunglass.

Inalis nito ang sunglass at siya naman ang pinasadahan ng tingin simula ulo hanggang paa.

“Hija? Hindi mo ba ako papapasukin sa unit ng anak ko?” maawtoridad nitong tanong.

“P-pasok po kayo,” niluwagan niya ang bukas ng pinto, agad naman itong pumasok at nagtungo sa sofa.

Napaka-elegante nito at mukhang mahirap makipag-usap nang basta-basta lang.

“Sino ka nga ulit hija? At anong ginagawa mo rito sa unit ni Raizo?” parang biglang nanliit si Jamie nang tingnan siya nito.

Nakaover sized shirt lang kasi siya at suot din ang jogging pants ni Raizo kaya hindi siya komportable ngayon sa harap ng Ginang.

“A-ako po si J-Jamie,” umayos ng upo ang Ginang at nagcross legs pa habang makahulogang nakatingin sa kanya.

“Don't tell me girlfriend ka ng anak kong si Raizo?” tanong nito.

“H-hindi po ma'am, m-maid po ako ni sir Raizo.” Pagsisinungaling niya.

“Ahhh, mabuti naman.” Usal nito at parang nakahinga na ng malalim.

“Ano pa‘ng hinihintay mo? Hindi ba dapat pinagluluto mo na ng pananghalian ang anak ko?” nakataas ang kilay nitong tanong.

“Y-yes ma'am,” taranta naman siyang tumalikod.

“Dapat palaging malinis ang unit, ayaw ng anak ko ng makalat. Allergy siya sa alikabok, kaya dapat asikasohin mo siya nang maayos. Anong oras nga pala nakabalik ang sir mo?” tanong nito.

“Mga alas dyes po kanina,” sagot niya at natataranta kung anong gagawin.

Na sa ganoon silang ayos nang biglang magbukas ang pinto at pumasok sa loob si Raizo.

“Anak!” agad na salubong ng Ginang kay Raizo at niyakap ito.

“A-anong ginagawa niyo rito?” takang tanong ni Raizo nang makita ang Ginang at napatingin din sa gawi niya.

“Bakit? Masama bang dalawin ang anak ko? Noong isang araw pa ako dumating e kaso wala ka naman daw kasi may business meeting ka.”

“Mom, hindi mo na ako kailangang puntahan dito. Mas kailangan ni kuya Riyu ang atensyon niyo kaya bakit hindi siya ang puntahan niyo at magbonding kayo?” ani ni Raizo.

“I know, pupuntahan ko rin naman sila ni Ryusei. Inuna ko lang siyempre ang paborito kong baby, hindi mo ba ako namiss kaya pinagtatabuyan mo na ako?” nagtatampong sabi ng Ginang sa anak nito.

SOLD TO THE RUTHLESS 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon