PROLOGUE
We became part of history.
We,... are history.
We are Class 12- HUMSS A of Achilles Catholic Academy dito sa Bataan.
Kami ang unang batch ng k-12 sa school. Isa kami sa mga ekperimento ng gobyerno. Isa kami sa mga 'trial and error' ng curriculum.
Grade 11 pa lang magkakaklase na kami. Magulo ang section namin. Magulo ang HUMSS.
Sa HUMSS (Humanities and Social Sciences) mo makikita ang iba't ibang uri ng tao sa lipunan. Bagamat meron kaming iisang religion, iba't iba ang pinangagalingan at iba't iba ang pundasyon ng aming mga paniniwala. Nasa section namin ang future President ng Republika ng Pilipinas, Future General ng Hukbong Sandatahan, Future Pilot, Pulis, Teacher, Abogado, Detective, at kung Di ka naniniwala, nasa section namin ang nangangarap na maging best hacker sa buong mundo.Si Cleo.
Mahilig sa online games, source namin ng mga link ng mga pirated movies at link sa mga research, free download ng apps at pdfs. Taga edit ng vids, taga gawa ng free accounts sa Netflix at Spotify. Ang utak ng teknolohiya sa aming klase. The "net-wizard" ika nga. At ang iba ko pang mga kaklaseng may Kanya kanyang parangap at pinanghahawakan sa buhay.
And now... After the retreat, we'll graduate.
The first batch of k-12, Class 12-HUMSS A, is finally signing off....but
shit happened.

YOU ARE READING
The Class Retreat
ActionThere's a call... He say we are the only hope. But we are only Grade 12 -Humss.. so we do what HUMSS can do..