Tanga naman ni Vandrixx, dapat sinabi niya na four  o' clock pa yung labas niya di ba para di na ako nagpunta dito ng alas dos. Sayang naman ang dalawang oras ko. Lintek sya!

Nakita kong nagsilabasan na ang mga stupidyante dito sa Trade University kaya naman lumapit na ako sa may gate. Tss atat na atat na talaga akong makuha yung libro. Tanga kasi. Ninakaw pa kasi. Gagong yun

"Psst" tawag ko ng matanaw ko si Vandrixx. Hmm. Gwapo pala ang koya niyo mga bes.

"Hey! Nice to meet you Kishi" bati niya sa akin pero inirapan ko lang. Bad impression ka sa akin boi.

"Akin na yung libro" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na may palapit pang anim na lalaki sa pwesto namin. Tropa ata niya.

"Bilisan mo!" Utos ko pa dito, ang bagal eh kukuhanin lang naman.

"Tss. Para libro ih!" Sabi niya at iniabot sa akin ang libro. Agad naman akong tumalikod para umalis na.

"Wala man lang sasabihin?" Tanong niya habang naglalakad ako paalis.

"I have nothing to say boi" sabi ko bago tuluyang umalis.

"Woahhhh" rinig ko pang kantyaw ng tropa niya bago ako tuluyang makapasok sa kotse ko at pinaandar to paalis. What a relief i have my book now!

Bibliophile ||vreneWhere stories live. Discover now