Si Yasmien, medyo boyish, wala ng ginawa kundi ang magbasa ng wattpad tungkol sa pag-ibig. Ang hilig niyang magbasa ng tungkol dun eh ang bitter niya nga 'pag may nababasa siyang scene na sobrang nakakakilig. Alam niyo ba na hindi siya naniniwala sa True Love at Happy Ending? Di naman daw kasi totoo yun. Minsan na kasi siyang nagmahal kaso nauwi sa wala. May kaibigan kasi siyang lalaki na sweet sa kanya hindi nagtagal parang na-fall na siya kaso yung panahon na aamin na siya iniwasan siya kasi may iba na palang mahal ang kaibigan niya. Umasa siya na totoo yung pagmamahal ng kaibigan niya sa kanya kaso wala e parang pinaglaruan lang siya. Kaya ayun masyadong dinamdam ni Yasmien kaya naging Man Hater siya. Para kay Yasmien, walang magandang relasyon kumbaga e walang perfect relationship. Para sa kanya walang babae ang hindi umiiyak dahil sa boyfriend nila. Naiinis siya sa ibang lalaki kasi sila na nga daw yung minamahal ng sobra nakukuha pang manloko at maghanap ng iba mga di raw marunong makuntento.
Si Lexie, Bestfriend ni Yasmien, medyo kikay. Sobrang magmahal sa mga nagiging boyfriend niya. Naiinis na nga si Yasmien sa bestfriend niya minsan kasi kapag nakikipagbreak yung boyfriend niya kung makaiyak wagas OA nga daw minsan. Tapos lagi niyang sinasabi na ''hinding-hindi na ako magmamahal dahil pare-parehas lang ang mga lalaki ngayon tatay ko na nga lang ata ang nakilala kong tapat magmahal.'' Pero kapag nakipagbalikan na sa kanya ang boyfriend niya o di kaya'y 'pag may nanliligaw na bago sa kanya pumapayag siya.
''Wala namang mawawala sa akin kung papayag ako na magpaligaw e'' sabi ni Lexie.
''Kung di lang kita Bestfriend at di kita mahal siguro nabatukan na kita ng walampu baka sakaling matauhan ka'' sabi ni Yasmien.
''Grabe ka naman Best.'' sabi ni Lexie.
Nagtawanan sila. Magkabaliktad silang mag-Bestfriend kung si Lexie di mabubuhay ng walang boyfriend si Yasmien naman mas masayang walang boyfriend dahil mas masaya siyang kasama niya ang Bestfriend niya.
Lahat ng month gusto ni Yasmien maliban sa February, buwan kasi ng pag-ibig. Pero isa 'to sa pinakaaabangan ng Bestfriend niya kasi binibigyan siya ng tsokolate at bulaklak ng boyfriend niya. Naiinis si Yasmien kapag dumadating na ang February 14, kasi naman 'pag nasa eskwelahan siya kahit san siya tumingin lagi siyang nakakakita ng sweet couple. Siya na raw ang pinakaswerteng tao 'pag napapatapat ang February 14 kapag sabado o linggo kasi wala siyang makikitang sweet couple dahil nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Ayaw niya talagang makakita ng sobrang sweet na couple. Minsan nga nung niyaya siya ni Lexie na gumala talagang sapilitan pa halos lumuhod na nga si Lexie para mapapayag siya. Pero di naman nagtagal pumayag na siya. Habang kumakain sila sa McDo nakakita sila ng sweet couple.
''Matapos maging sweet magbbreak, ang sakit kaya ng ganun. Hahaha. Para namang nakaranas na ako. Ooops! Oo nga pala nakaranas na nga pala akong masaktan dahil sa lalaking yun. Paasa eh.'' sabi ni Yasmien.
''Best ang bitter mo. Mahal mo pa siya nuh? Uso umamin. Haha'' may pang-aasar na sabi ni Lexie.
''Di ako bitter nuh. Mahal? Ikakain ko na lang ng Fries.'' sabi ni Yasmien.
Minsan ipinalangin ni Yasmien na sana pagkatapos ng February 13 February 15 na ang kasunod kaso malakas daw manalangin ang mga couple eh.
Di namalayan nila Yasmien at Lexie na malapit na pala silang gumaraduate sa Hayskul. Napakasaya ni Yasmien dahil isa siya sa bibigyan ng karangalan sa araw ng kanilang pagtatapos. For the first time, niyaya ni Lexie si Yasmien na gumala at libre ni Lexie lahat kaso kasama niya si Rainier na Boyfriend niya, SchoolMates nila at halos isang taon ng boyfriend ni Lexie. Naiinis si Yasmien kasi Marso na daw pero parang Pebrero pa rin dahil kina Lexie at Rainier. Sobrang sweet nila halos langgamin na nga si Yasmien sa kinauupuan niya.