Yumidal

196 6 0
                                    

"Michie ! Michie ! Tara punta uli tayo dun sa may bahay bahay natin"  pagyaya ng isang sampung taong gulang na batang babaeng nagngangalang Joy kay Michie .


 " Sige Joy tara " 


 At pumunta nga sila dun sa sinasabi nila na kanilang bahay bahay sa may bandang likod ng bahay ampunan .


  Oo , nasa bahay ampunan nga sila dahil sa maaaga silang naulila sa kanilang magulang .Ngunit kahit na sila'y mga ulilang lubos na napakamasayahin pa rin nilang mga bata .     

  Nang makarating sila doon ay naglaro sila  ,taguan ,tayaan , habulan at iba pa . Nang may nakita si Joy na isang manika , manika na halatang may kalumaan na dahil may kaunting sira na ito at madumi pa .  Pero kahit na ganun ay maaari pa naman itong mapaglaruan kung lilinisan lang.      Naisip ni Joy na iregalo ito sa kanyang kaibigan na si Michie dahil sa may nakwento itong pangarap niyang magkaroon ng isang manika.Kaya nang ibigay niya ang manika sa kaibigan ay ganun na lamang ang kagalakan ni Michie.    

" tara na Joy baka hinahanap na tayo nila sister Grace " 


***
 " bye Joy " sabi ng batang si Michie sa kaibigang si Joy .

Ngunit di siya pinansin nito kundi tumakbo lamang ito palayo habang may luhang pumapatak sa kanyang mata .


  Aampunin na kasi si Michie ng mag asawang si Mateo at Eliza .Mahigit anim na taon na kasi silang mag asawa ngunit di pa rin sila nabibiyayaan ng kanilang sariling anak. Kaya naisipan na lamang nila mag ampon .    

   Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ng batang si Joy dahil sa umalis na ang kaibigan niyang si Michie . Ayaw niyang magkahiwalay sila-hindi maari dahil sinabi nila sa isa't isa na walang makapaghihiwalay sa kanilang magkaibigan . Kaya ganun na lamang ang galit ni Joy kay Michie dahil sa pagsama nito sa mag asawa.  

  Minsan habang naglalaro ang mga batang kasama ni Joy sa ampunan naalala niya na naman ang kaibigang si Michie kaya naisip niyang lumabas at umalis sa bahay ampunan para sundan kung nasaan ang kaibigan . Ngunit nang makalabas na si Joy hindi niya namalayang nakahandusay na pala siya sa kalsada  at duguan .


  ***    

Habang naglalaro ang batang babae na si Michie ng kanyang manika na pinangalanan niyang Yumi ay naalala niya ang kanyang kaibigan sa kadahilanang si Joy ang nagbigay sa kanya ng manikang ito .    

Bigla na lamang siyang napaluha ng maalala niya ang kaibigang si Joy . Ilang araw na din kasi mula nung huli niya itong nakita,


 " oh Michie bakit umiiyak ka ? Ayaw mo ba dito sa amin ?" Tanong ni Eliza sa batang si Michie nang makita niyang umiiyak ito.


" h-hindi naman po sa ganun , *sniff*naaalala ko lang po si J-joy"


" Sino namang Joy yun? Dapat masanay ka na Michie ,anak , sa lugar na kung nasaan ka ngayon , sa bagong buhay mo ngayon na di ka nalang basta isang batang ulila na nasa ampunan . Isa ka na ngayong Pineda , kasama ka na sa angkan ng mga Pineda. Mga maimpluwensya at mayayaman . Kaya dapat kalimutan mo na kung sino yung Joy na yun para di ka na mabuhay sa nakaraan mo kasi ibang iba na ngayon ang buhay mo  " 

  Walang naisagot si Michie sa mga nasabi sa kanya ng kanyang nanay nanayan na si Eliza. Napatigil lamang siya sa pag iyak.

 " Isa pa Michie , tawagin mo na pala akong mommy okay ?" 


 " o-opo mommy "  medyo nautal pa ang bata sa pagsagot niya , dahil sa naninibago siya at nagdalawang isip pa siya kung tatawagin nga ba niya itong mommy .


 " hay ! Ang sarap naman pakinggan na may tumatawag sayong mommy haha .  " Medyo napakunot ang nuo ni Michie sa sinabi ni Eliza.  


" Nga pala  Michie diba marami ka namang laruan sa kwarto mo and magaganda pa bakit pinagtitiyagaan mo pa rin yang doll mo na yan ?  Pwede mo na 'yang itapon"  

YUMIDAL:Ang manika ni MichieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon