Chapter OneMy name is Valeriana Escrimadora.Ang ganda,right?
Pero sa di malamamg dahilan ay nauwi sa Berta ang tawag nila sa akin.Ang baho,right?
Right, truth hurts Berta
Ayy,basta ano mang tawag nila sa akin ay hindi noon mababago ang katotohanang mas maganda ako kay Luding na walang ginawa kundi maglandi nang maglandi.
Okay,back to reality. Ibinulsa ko ang two hundred fifty pesos na siyang ipinahiram pa sa akin ni Ma'am Dina Tatagal.Mabait siya,wag na lang pag-usapan kung maganda o hindi.
Nag-aabang ako ng jeep na sasakyan ko pauwi pero halos lahat ay puno.Ipipilit pa nilang pagkasyahin ang pwet ko doon ey hindi na nga kaya.Nakaramdam na ako ng gutom pero di ko ma-afford na mag-karinderya,kaya hanggang tinapay lang muna ako.Naglakad ako hanggang kabilang kanto para bumili ng tinapay.
"Pabili po!" Tawag ko
Maya-maya ay dumating ang isang lalaki,tindero ata.Naka-apron eh.
"Ano yon neneng?" Tanong nito.Makaneneng ahh!
"Magkano po ito?" Sabay turo sa tinapay na parang pinasabog na may asukal.
"Putok yan 'neng.Limang piso lang!"
"Etong isa po?"Sabay turo sa pan de coco.
"Lima din!"
"Eto po?"
"Ano ba,bibili ba o hindi?!" Yamot na tanong nito.Napa-tuwid ako ng tayo.
"Bibili ako,chill lang kuya.O pabiling pandesal,bente pesos saka butter!" Sabi ko habang nadukot ng pera sa bulsa.
"Kung ano ano pang sinasabi,pandesal lang pala bibilhin." Narinig kong bulong nito.Aba't napektusan nga.Pero dahil kyot ako,di ko ginawa.
Pag abot at pagbigay na pagbigay ng sukli,agad na akong sumakay sa jeep na aking nakita.Pero malas pa din dahil kahit anong pakikipag unahan mo sa linya,siksikan pa din pag umupo na.Tiis-tiis nalang kahit yung isang pwet ko na lang ang nakalapat sa upuan.Nang makababa ako,tinakbo ko na agad ang bahay namin.Pumasok ako at nakita ko si erpat na nagkakape.Nag mano ako at umupo sa sofa.Yung gawa sa kahoy ahh,wag kayong ano jan.
"O,ano 'tay,musta?" Tanong ko habang ibinababa ko ang gamit ko sa sahig.Syempre yung tinapay sa lamesa.
"Eto,gwapo pa den anak!" Masayang sabi nito habang naghahanda ng aking pagkain,yung tinapay.
Umirap ako ng pabiro."Ikaw talaga 'tay,sinungaling kahit kelan!"
Sumama ang tingin nito sa akin.Nag-peace naman ako at nagtanggal ng sapatos at medyas.Maya-maya ay nagsalita ang huli.
"Baho ah!"
Sumama naman ang tingin ko,kaya siya naman yung nag-peace.Hehe!
Ano kaya kung mansion tong bahay namin?Waley eh,maliit lang tong tinitirhan namin.E ano kaya kung ang kinakain namin ay pasta,salad,o kaya naman yung pang buffet?Siguro ang say-
Nagulat ako nang wisikan ako ni erpat ng kape.Putchragis! Ang init noon ahh!
Akmang susuntukin ko siya,kaya lang e may hawak siyang tambo at naka amba sa akin.So next time nalang.
"Ano ba 'tay!Ke ganda ng aking iniisip e!Panusot ka!"Tungayaw ko sa kanya.
Nakita kong umismid ito.Grabe." Ano na naman yun Berta?"
Umiling ako."Wala naman,mga katangahan lang!"
Tumango-tango ito."Ahhhh.Goodluck jan!"
Pinagpatuloy ko ang pagkain at inimis ang mga kalat at hinugasan ang tasa na pinaggamitan kanina.Pagkatapos ko ay hinatid ko si erpat sa kwarto at initsa sa kama para matulog na at di na magising.Charreng!
"Yan,tulog na 'tay at para maaga kang magising para gisingin ako!" Bumungisngis lang siya at tuluyang nang natulog.Bumalik na ako sa sarili kong kwarto at nagtanggal ng damit at pinaltan ng sando.
Nahiga ako sa kama at pumikit.Whew!Wala pang bukas pero naiisip ko na ang mga mangyayari.Kailangan ko nang bayaran ang mga utang ko at baka nakidnap ako nang wala sa oras.Kelangan ko na ring maghanap ng part-time job para kahit paano ay matustusan nito ang aking pangangailangan.Tuluyan na akong pumikit at nagbilang ng tupa sa aking isipan.
One
Two
Three
Four
Wala pang five ay makikita na akong nakanganga at nag-hihilik.
*********
Bumangon ako ng ala-sais ng umaga.Alas-diez ang pasok ko sa eskwela pero balak ko na ngayon maghanap ng trabaho.Pumunta ako ng mini-kusina at nakita ko si erpat na nagluluto.Umupo ako at nagtimpla ang kape para sa aming dalawa."Tay!"tawag-pansin ko dito.
Lumingon ito."Bakit?"
"Maghahanap kase ako ngayun ng job.I know,you know,we know na poor-rita tayo!"Humalakhak ako pero napatigil dahil ang sama na ng tingin niya sa akin.Nag-peace naman ako.
" Anong trabaho naman?"tanong nito,nakatalikod na dahil sa niluluto.
Napaisip ako."Stewardess sana,kaya lang ayaw naman kitang iwan dahil alam mo na,laging out of country. Ngayon naman teacher kaso student pa ako eh,so mag ba-bartender nalang ako,tutal nam-"Naputol ang sasabihin ko nang sumapol ang sandok sa noo ko.Plakda as in!
"Awwts!Anshaket aahh!" Palahaw ko habang hawak ang noo ko.Baka nagkapasa na nga eh!
"Lintik ka,tinatanong ng maayos eh,kung ano-ano ang sinasabi.Isa pa,tong kawali naman ang lilipad sa iyo!" Yamot sa saad nito.
"Di na mabiro eh!Doon sa Savanna's Place,mag ba-bartender ako.Sana na matanggap ako para may panggastos dito sa bahay.O kahit waitress lang!" Litanya ko.
"Edi agahan mo para di ka mahuli sa klase.Isang semester na lang at tapos ka na,pag igihan mo ang pag aaral at wag gagaya sakin na high school lang ang natapos!" Sabi nito nang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako."Syemps naman,keribels to!O siya,tingnan mo na yang niluluto mo at baka okay na!"Sabi ko at saka naghanda ng plato at kustsara.Nilapag naman ni erpat ang sinangag sa mesa na siya ko agad kinuha.Sumandok ako at nilagay sa plato ko.
Dahil sa gutom,agad akong sumubo pero naibuga ko iyon.Takang tumitig sa akin ang aking ama.Tinuro ko yung sinangag.
"O,anong meron jan?Bakit binuga mo?" Tanong nito.
"Aba!Kelan pa nagkaroon ng sinangag na matamis aber!?" Wika ko.Natanggal tuloy ang appetite ko.
Wow ha,pasaring ng utak ko.Kontrabida din minsan eh.
Natututop nito ang bibig."Anlah!Baka asukal nailagay ko kanina habang nagsasalita ka.Nalito ako ehh!"
Napahawak na lang ako sa aking sentido.
Ay,sisteng marimar naman!
BINABASA MO ANG
His Kryptonite
RomanceIs there something wrong if I fall in love in a girl that were not my type at all?