*2016
"Jai hingi daw sya ng number mo!"
Sabi ni Mark ng araw na nakapunta ulit kami.
Sinalubong ko sya ng matalas na tingin. Anong problema nito?.
"Baket?" Walang gana kong tanong.
"D-di ko alam." Nakanguso nitong sabi.
"Bigay mo na." Bulong sakin ni Jackly.
"Walangya!" Mariing bulong ko sa Kanya. At tiningnan ng masama si Mark.
"Geh!" Inilahad ko ang kamay ko.
"I-ito lang daw s-sulatan mo." Nahihiyang sabi nito saka hilaw na ngumisi.
Tumayo ako at tiningnan sya.
"Niloloko nyo ba ako?" Mariin kong tanong.
"A-ateng" tawag sa akin ni jackly kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
"Sulatan mo nalang" bulong nito.
Inirapan ki nalang sya at nag sulat ng numero.
"Oh!"
"Ito naman ang number nya." Sabay bigay sa akin ng isang 'karton'
Yaman yaman karton ang sinusulatan.
Agad ko yung kinuha at tumalikod sa kanya.
Ilang segundo pa ang lumipas ng may narinig akong tumatawa.
"Gago ka! HAHAHAHAH"
"Tumahimik nga! Hahahahaha"
"Nako Ateng parang pinag tripan ka!" Sabi ni jackly sabay tingin sa 'kanila'
"Jai! Niloloko kalang nito! HAHAHAHAHA. Di nya yan number!" Sigaw ni Mark. Kaya napatingin ako sa kanya.
Tiningnan ko sila at agad ngumisi na ikinagulat nila.
"Sya lang ba ang pwedeng manloko?" Sabay ngisi.
"Talino mo talaga ateng. Hahahahaha"
"Tara na!" Yaya ko sa kanya.
"Nak punta tayo ngayon sa Bayan. Nandon yung mga tatakbong tao ngayon."
"Sige ma."
"Ma? May tanong ako."
"Ano yun?"
"P-pano pag nalaman mong nag kakag-gusto---ahemmm--- ka na sa isang taong mayamang ang estado?"
Agad napatingin si mama sa akin.
Nginitian nya ako at nilapitan."Lam mo nak. Kapag nag gusto ka, hindi mo na maiintindihan ang estado nyo. Hindi naman makasalanan ang mag ka gusto sa isang mayaman diba? Dahil ang pag nakaramdam ka na ng ganyan. Di mo na mapapainsin ang iba."
Napatitig ako kay mama.
"Pero nak. Tandaan mo. Hindi lahat ng 'gusto' at nakakarating sa 'mahal' dahil ang nararamdaman ay nag babago."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Osya! Halika na baka nag simula na iyon."
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Thankyou for supporting us. We are all blessed that all of you are here. Once again Thankyou" nakangiting sabi ng Tatakbong Mayor.
"Nak lika na. Uwi na tayo!"
"Una napo kayo nay. Susunod lang ako. May kukunin lang ako kay Tita."
"Sige"
Pagkaalis ni mama agad akong pumunta sa karenderya ni tita at kinuha ang cellphone ko.
YOU ARE READING
Am I destined to be yours?
Short StoryIf your not gonna love reading my book. Dont waste time to read. Idcare though.hihi