3: #AnotherPerksOfBeingAPanget

163 13 0
                                    

Hashtag: The Perks Of Being A Panget chapter 3

______________________

{Artemis Galaxie S. Reyes's POV}

Umaga na-naman at nandito na ako sa school, at rinig na rinig ko ang mga tao na nagbubulungan tungkol sa akin. Ang panget ko, nakakadiri ako, at kung ano ano pang panglalait.

I just rolled my eyes at them at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa next room ko.

Like duh! Hindi ako bulag, at malinaw ang mata ko para hindi ko mapansin at makita na pangit ako.

"Ang mga tao nga naman, masyadong judgemental at mapagmarunong. Sa araw-araw kong nakikita ang itsura ko sa salamin namin hindi ko pa ba mahahalata na isa akong pangit ?. Ugh talk about idiots in the morning at mababadtrip kayo!." Madiin na panglalait ko sa kanila, pero syempre hindi ko sinabi yon ng malakas. sa isip lang yon.

Habang dire-diretso ako sa paglalakad biglang may humarang sa daan ko, at sumulpot ang isang lalaking may natural brown hair with beach blonde highlights sa buhok niya at naka messy type pa ito. Gwao sana pero bulok naman yung ugali. Yeah, yeah. Typical badboy sa school. Yung masama yung ugali pero gwapo kaya mahal na mahal siya ng lahat ng tao dito sa school lalo na ang mga girls.

"Hoy panget!" Tawag niya sa akin ng malakas at mapanlait, kaya sinagot ko siya.

"Kung balak mo akong bwisitin ng ganto ka aga pwede ba ayusin mo muna yang ayos ng buhok mo!?" malakas na agtatanong ko sakanya and tinawanan ako ng lahat ng nakarinig sakin.

"Confirmed. Hindi ka lang pangit. Outdated ka pa sa mga uso!" Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga estudyante sa sinabi niya at aainin ko naiinis ako at sabihin na natin medyo nasaktan ako.

"Ano ka ba Artemis, 'di ka pa ba nasanay? Laging ganito ang sitwasyon mo tapos ngayon ka pa masasaktan?' Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Nang napansin nilang hindi ako nagsasalita dahil binu-boost ko ang self esteem ko may narinig ako na nagsalita na wala pala si panget kaya nilingon ko ang nagsalita at nginitian ko ito. Humanda ka sa akin.

Tumingin ako sa mga dilag at mga binata na nanunuod samn at bawat sagi ng mata ko sakanila nginingitian ko sila.

"Outdated agad? hindi ba pwedeng hindi lang talaga bagay sayo ang ganyang hairstyle?" And with that nginitian ko si michael at tsaka umalis.

 

Nasa room na ako ng marinig ko na tinawag ang pangalan ko ng kung sino with a pagalit na tone.

"HOY GALAXIE!" Sigaw sa akin ng isang lalaki na it turns out to be Michael.

Oh diba !? Iba na kapag pangit ka nagiging sikat ka! Mismong pinaka-gwapo at pinaka-sikat na lalaki sa university niyo ipinagsisigawan ang pangalan mo.

#:AnotherPerksOfBeingAPanget.

"Oh bakit?" maangas na pagtatanong ko sakanya

"Maganda ka ba ?" Tanong niya sa akin na mapang-asar

"Panget ako. Alam ko yan." Sigaw ng inner voice ko pero iba ang sinabi ko sa kanya.

"Bakit?"

"Wala,naninigurado lang baka kasi nakalimutan mo na panget ka." mapanglait na sagot niya sa akin at nagtawanan ang lahat ng nanduon. Come on people. di pa ba sila sawa sa muka ko? di pa ba sila sawa sa panglalait sa muka ko? tawa ng tawa! Akala mo may bago!

To be honest. Hindi ko alam kung tatawa ako o magluluksa para sa kanya.

"Gwapo ka nga, ang pangit naman ng ugali mo. Useless baby." inirapan ko siya at kinuha ang bag ko para makalabas na sa room na ito.

"Kaysa sa naman sa pangit na nga ang itsura pangit padin ugali di ba babe?" nagtawanan ulit ang mga audience and I rolled my eyes at them. Siguro sa kakarolyo ko ng mata ko sakanila baka makalas na tong mata ko. 

"Mas pipiliin kong maging pangit kaysa sa naman sa katulad mo na wala na ngang talino, ubod pa ng landi" Sabi ko kay Michael at nagsimula nang tumahimik ang paligid

"Atleast ako madami akong kaibigan, eh ikaw?" Pagmamalaki niya sa akin. Tsk. Akala mo naman totoo yung mga kaibigan niya eh kahapon nga lang naririnig ko yung isa niyang kabarkada na pineperahan lang siya eh. Talk about friends. Haha

"Kaibigan? Isang tao na hindi ko kailangan kung peke lang naman."sabi ko sakanya at napasipol ang iba at yung iba napahiyaw naman and it leave Michael speechless for more than 5 seconds. Oo binilang ko.

"Atleast masaya ang buhay ko, eh ikaw?"Tanong niya sa akin habang nakangiti padin siya. makangiti naman tong gwapong ito, akala mo nakkatuwa, bigwasan ko kaya 'to?

"Masaya ako sa buhay ko ngayon kasi marunong akong makuntento sa kung anong meron ako. Eh ikaw?, siguro kaya paiba-iba ang babae at ang mga kabarkada mo kasi hindi ka makahanap ng tunay na tao na tatanggap at tatagal sayo 'no?" 

napatahimik ulit ang lahat at nakita ko si Michael na nagpipigil ng galit niya sa akin.

Sino ba naman ang hindi magagalit diba? Despite kasi sa mga tinanong ko sakanya alam ko naman talaga yung sagot eh. Muka siyang masaya pero hindi. Deep down, he is very lonely. ilang years na ba kaming magkapitbahay para hindi ko malaman na laging walang tao sa bahay nila? Ilang years ba kaming naging magkaibigan nung bata kami para di ko malaman na maid lang ang tao sa bahay nila at siya? 

Tinignan ko si Michael.Not with the sorry look or sympathy look. i just simply looked at him and left.

{Michael John Sky T. Santos's POV}

"Pre, knock-out ka kanina ah!" Mapang-asar na sabi sakin ng kasama ko at nagtawanan ang iba ko pang kasama. Kinuyom ko ang mga kamay ko.

"Alam ko, hindi mo kailangan ipamuka sa akin dahil may mata ako, hindi mo ako katulad na may mata nga hindi naman ginagamit sa tama." natahimik ang buong paligid ng sinabi ko ang mga salitang iyon kaya tinapik ako ng kasama ko.

"Cool pare." Sabi niya lang.

"I'm done for today. Uuwi na ako." tumayo ako at naglakad na palayo.

Yung pangit kasi na yon! Akala mo kung sinong maganda napaka pangit naman.

Makalipas ang 30 minutes, nasa bahay na ako at nagkasalubong kami ni papa at naglampasan lang kami.

Ano ito? hindi ba kami magkakilala para maglampasan na lang?.

Nakakabadtrip. Dapat pala hindi ako dumiretso sa bahay. Dapat pala kumain nalang ako sa mall.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko, at dahil sa inis na nararamdaman ko pinili ko nalang na matulog.

Sa panaginip ko. may dalawang batang babae at ako, naglalaro kami. Yung isa napakaganda at yung isa naman kabaligtaran ng maganda.

Masaya kaming naglalaro pero biglang naging gray ang ulap at natakot kami.

"I'm scared sky" mahinhin na sabi sa akin ng batang maganda.

"It's okay nandito lang kami." tinignan ko yung isa pa namin kalaro at nakatayo lang siya habang nakatitig samin. Hind ba siya natatakot?

Naputol ang panaginip ko kaya nagising ako.

tinignan ko ang paligid ko 

"Galaxie." mahinang pagbigkas ko sa pangalan ng babaeng pangit sa panaginip.

Siya yung pangit na babae sa panaginip ko, pero sino yung babaeng maganda? bakit hindi ko siya maalala? Basta ang alam ko nagsisimula sa A ang pangalan niya.

Hashtag: The Perks Of Being A PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon