Nawalan

0 0 0
                                    

Sandali na lang sa lugar na ito
Ikaw ay mawawala at magbabago
Masakit malaman na ayaw mo sa akin
Pero matagal ko na natanggap na wala ka na sa aking piling

Tanggap ko mas gusto mo siya
Ang tanong gusto ka ba?
Yun ang masakit nabigla na lang sasabihan
Na ayaw ko na, tapusin na natin ito sinta

Sinta? Meron pala gaano na salita
Sana alam ng mga bata
Bago maghanap ng kanilang mga jowa
Anak ng tokwa daig pa ang ninja

Hay tama na nang ang mga hugot
Tama na sa pagiging bitter
Kahit nandiyan lang siya malapit sa akin
Na nagmumukang manloloko

Ay jusko di ko na alam
Ang gagawing ko sayo
Sana maiintindihan ang tulang ito
Na tungkol sa kwento ng dalawa tao

Dalawang tao na isa yung tingin tayo
Ngunit yun isa kalayo mo sa totoo
Ang weird naman ng sinasabi ko
Pero totoo lahat ito

Naniwala ako na puwede maging tayo
Ngunit tumalon lang ako sa balon
Nagtataka na parang tanga
Yun pala pinaasa ko lang nanaman ang sarili ko

Wala na talaga happy ending para sa akin
Pero kung may dadating na tao
Na sasabihan kaya mo yan
Wag ka susuko dahil may dadating siya para sayo

Kahit sa panginip ikaw yung inisip
Siguro hindi ka karapat dapat para sa akin
Sige puwede na ako umalis at lumayo sa iyo
Dahil handa na ako kalimutan ka at magbago

Salamat sa pag-hihirap sa akin
Sa pag hahanap ng tunay na pagmamahal
Hindi ko makakalimutan ang lahat
Basta sa susunod wag ka iiyak kasi ikaw ang nawalan

Wala magawa.Where stories live. Discover now