Kapitan

89 0 0
                                    

Mahirap maging isang barangay captain dahil kailangan mong

      pangalagaan ang iyong mga nasasakupan. Kaakibat nito ang

      maibigay ang lahat ng kailangan nila sa lahat ng aking

      makakaya at mapakinggan ang bawat problema at reklamo nila

      kahit gaano pa ito ka shit. 

    

      Isang araw Pumasok sa opisina ko si ferdy na galit na

      galit, dala dala ang isang inahing manok. "kap nawalan na

      naman ako ng manok at mukhang si mac mac ang kumuha! "

   

      "Bakit? Paano mo naman nasabing si mac mac ang kumuha?" 

   

      "kasi naman lagi ko siyang nakikitang masama ang tingin sa

      mga manok ko. Pagkakagising ko kasi makikita ko agad siya sa

      bintana ng bahay nila nakatingin sa mga manok ko. Tapos unang

      nawala si jewel at kinabukasan nakatingin parin siya at

      ngayon naman ay si angel naman ang nawawala! ".

   

      At may pangalan pa ang mga manok nitong si ferdy ah. Agad

      kong pinatawag si mac mac para makausap ang dalawa at para

      malaman ang tunay na nangyari. 

   

      "mac mac totoo ba na ikaw ang nagnakaw ng mga manok ni

      ferdy?" 

   

      "aba kapitan wala akong alam dyan At aanhin ko naman ang mga

      manok ni ferdy eh madami naman akong pera pangbili ng

      manok." 

   

      Mula sa cr naman ay biglang lumabas si ferdy suot suot ang

      amerikana at basketball shorts nito habang dala ang naka

      bikini niyang manok. Nakita niya si mac mac at sinugod ito,

      "tang ina mo mac mac eh ikaw ang kumukuha sa mga manok ko eh.

      Akala mo hindi ko alam na may pagnanasa ka sa mga manok

      ko!" 

   

      Agad kong inawat ang pasugod na si ferdy. "shit ferdy, ano ba

      naman yang suot mo? At dinamitan mo pa yang manok mo at wag

      mong sasabihing may pang pok pok Ding pangalan yan

      ha!" 

   

       Dali dali niyang tinakpan ang tenga ng manok, "tang ina

      mo kap baka marinig ka ni joy. Hindi mo ba alam na

      nakakabastos ang sinasabi niyo?" 

   

      Anak ng pukang ama itong si ferdy ah. Agad ko siyang pinaupo

      at muling binaling ang tingin kay mac mac upang tanungin kung

Isang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon