Three years after season 81's championship

141 0 1
                                    

BEA's POV

(December 04, 2022)

Nasa isang lugar sila kung saan nakasanayan ni Bea na pumunta kasama ng kanyang mahal, ito ay isang maliit na burol sa Tagaytay.

"Ang saya mo tignan, Ate Bei. Nakatulala ka na naman sa wallpaper mo." sabi ni Deanna na nakaupo sa bench katabi si Bea. Nagulat naman ito sa biglang pagsalita ng kanyang katabi. Di umiimik si Bea at binalin ulit ang atensyon sa kanyang phone.

"Ate Bei, di ka pa ba napapagod? Three years na ang nakalipas nang nagkita kayo, siya pa rin pala talaga. Tama na ang kakatingin sa phone. Di na babalik yun. " Lumingon naman si Bea kay Deanna. Wala siyang imik na tumango at ngumiti. Bakas sa mga ngiti ni Bea na umaasa pa rin siya. Gustong sumagot ni Bea, pero wala siyang masabi. Ang tanging nagawa niya lang ay ang tignan ang araw na bumababa sa kanilang harapan. Sa isip niya'y napakaganda nito. Katulad ng mahal niya. "Miss na kita." wika ni Bea. "Aba syempre, miss ka rin naman nun, Ate. Wala lang siyang magawa kundi sumama dun sa mokong yun. Kala mo naman ang gwapo-gwapo. Ang itim mukhang uling na ewan, hays! Nakakainis. Buti nalang mahal ko si mommy. Kasi pag hinde, baka nasapak ko na yung lalakeng yun." Nagpatuloy lang sa pagrarant si Deanna pero di na ito pinansin ni Bea. Bumalik ulit ang kanyang atensyon sa araw.

Hays, the good old days.

Palubog na ang araw at dumidilim na kaya't napagdesisyunan na ni Deanna na umimik ulit.

"Ate Bei, let's go na. She's waiting for you."

"Huh? Ah, right. Sige, let's go." Wika ni Bea. Labag man sa kanyang kalooban, wala na siyang magawa kundi sumama kay Deanna. Habang papunta sila sa parking lot, may kung ano man ang nahulog sa bulsa ni Bea at di niya ito napansin. Kaya't patuloy na itong pumunta sa sasakyan ni Deanna at akmang sasakay na sana si Bea, ngunit pinagbuksan siya ni Deanna. Nagulat naman si Bea at bigla siyang nagsalita,

"Deanna, ano bang trip mo today? Sino ba nagutos sayo na pagbuksan ako? Itong batang to kala mo naman wala akong kamay." tumatawa tawa siya ng sinabi niya ito. "Wala lang Ate Bei, nagpapractice lang po." nahihiyang sabi ni Deanna at namumula-mula na ang kanyang mukha. Nagtitigan lang silang dalawa ngunit agad naman nagsalita si Bea sabay sabing "Hays, sige na nga lang. Huwag mo na munang sabihin sa akin. If you're ready, please tell me. I'm excited to meet who she/he is."  Tumango naman si Deanna at dali dali siyang pumunta sa driver's seat.

Habang tumatakbo ang kotse, napansin ni Bea na parang wala nang laman ang kanyang bulsa. Inihalungkat niya at napansin niyang may nawawala. Bigla naman niyang naalala na may nilagay pala siya sa pocket niya bago siya umalis ng bahay. Naghanap hanap muna siya sa seat, san may paanan niya, pero wala.

"Oh my God!" sigaw ni Bea na ikinagulat ni Deanna. Agad ipinara ni Deanna ang kanyang sasakyan sa may poste. "Ano yun Ate Bea? May masakit ba sayo? Ano yung nakita mo? May nakita ka bang multo? Ate ano! Ano?" Tuloy tuloy na sabi ni Deanna. "Ito naman ang OA!" Sabi ni Bea na natatawa. "Ano ba kasi yun Ate Bei? Ginulat mo kasi naman ako ulul!" Sabi naman ni Deanna na parang naiinis na ewan. "May nawawala Deanna, feel ko nahulog ko yung dala dala ko kanina. Baka nahulog dun sa may parking lot o baka dun sa bench na inuupuan natin." Sabi ni Bea na nagaalala at nagtataka kung paano nahulog yung kanyang dala. "Ano ba yung dala mo ate bei? Wala ka namang dala o hawak kanina ah." Sabi naman ni Deanna na nagtataka rin. "Ay, hayaan nalang natin baka nga naiwan ko lang sa bahay. Sige na, go na! Let's go, someone's waiting for me." Tumingin naman si Deanna kay Bea ng seryoso. Bumulong naman si Deanna ng "waiting-waiting. Edi maghintay siya!" at ang buong akala niya ay di ito narinig ng katabi niya. "Hey, Deanna! Don't play jokes on me. She needs me right now." Paawang sabi ni Bea kay Deanna. "You know ate Bei, I don't know kung bakit ka ba di nagsasawa dun sa babaeng yun, e halos pakulungin ka nalang nga nun." Galit at inis na sabi ni Deanna na nagpatahimik kay Bea. "Ewan ko na." Sabi ni Bea habang nakatingin siya sa bintana. Naging tahimik ang kanilang biyahe pauwi. Dumating na sila sa labas ng bahay ni Bea na around QC lang. Walang may gustong magsalita kaya naisipan na ni Bea tanggalin ang seatbelt niya. Bubuksan niya na sana ang pinto ng,

"Always know the difference between love and comfort, Ate Bea."

and that left Bea speechless.

————————————————————————Hello, my friends! Thank you for reading! This is just the beginning. Expect this story to be long po hehe. I would update this maybe once a week (or during weekends when I have time hehe)

Never shall we sink, Jhobea!
💛💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My hidden home (JhoBea) Where stories live. Discover now