First time ko sa Wattpad at ito, first story din. Take note: Taglish po ito.
Sa Sta. Rosa
"Ate! Ate! Ate! Gising ka na... please..."
Parang alarm lang eh. Nakakainis. Ako nga pala si Den-Den, Den for short. Kapatid ko 'yun. Makulit siya ngayon kasi excited siya. Masyadong excited kasi susunduin namin si Mama at Papa sa paliparan. OFW's sila, at ito, nandito kaming dalawa sa Pinas. Doctor si Papa, at isa namang nars si Mama. Hindi ko alam kung bakit iniwan nila kami rito, pero tinanggap ko na lang.
"Ate. Ate. Ate. Maligo ka na!!! Ate, malalate tayo. Gusto kong ilibre na tayo nina Mama at Papa sa Maynila. Alam mo namang bihi-bihira na natin silang nakikita. Ate naman eh... Ate!"
Gumising na ako at naligo. Bumaba ako kasama si Cassie (pangalan ng younger sister ko), at lumabas. Dumiretso kami sa terminal ng mga bus na naglalakad dahil malapit lang naman at iyon, pumasok sa bus na patungong Cubao. Ewan ko ba, masyado yata kaming independent ni Cassie kaya sanay na kami mag-commute papunta sa mga malalayong lugar.
Makalipas nang isang oras, bumaba na kami at doon ko siya nasulyapan. Ang magiging forever ko.
To be continued?