Kabanata 02: Awkward Encounter

417 12 7
                                    

Mabilis na tumakbo ang oras at uwian na din sa wakas. Hindi kami magkasabay umuwi ni bessy ngayon dahil may club practice pa siya. She was a member of the choir at may practice sila para sa school competition.

Pagkatapos magpaalam ni bessy, umuwi na ako sa bahay. Eighteen years old palang ako kaya ang gusto nila mama at papa na may chauffeur ako na hindi ko nagustuhan kaya palagi akong tumatakas.

Habang wala pa ang sundo ko, nagsimula na akong maglakad, pero bago umuwi, dumaan na muna ako sa paborito kong kwek-kwekan kay ate Lorna.

The best ang kwek-kwek nila doon kaya binabalik-balikan ko. Marami siyang customers at nagkakaubusan kaya dapat, mabilis ako na makarating doon.

Nang nakarating ako sa kwek-kwekan ni ate Lorna, agad-agad akong kumuha ng stick pantuhog at nagtuhog ng sampung kwek-kwek na bagong luto. Bumili na din ako ng samalamig na sakto lang ang tamis.

“Ate Lorna, the best talaga ang kwek-kwek mo at ang gulaman. Pa-order pa ng sampung quail eggs. Iuuwi ko sa bahay para may merienda ako.”

“Nako, masaya ako at nagustuhan mo ang luto ko.”

Isusubo ko na sana 'yung ikaapat kong kwek-kwek nang biglang may nagsalita sa likuran ko na ikinagulat ko at dahil sa gulat, nalaglag ko ang isang kwek-kwek ko.

What a waste!

“Akalain mo 'yun, kumakain ka pala ng street food? Hindi halata.”

I looked over my shoulder to see Brandon Orland.

“Tignan mo ang ginawa mo! Ginulat mo ako kaya nahulog ko ang kwek-kwek ko!”

“Para kang bata, ang cute mo.”

“Don't treat me like a kid. I'm not a kid,” sabi ko ng mariin saka siya sinamaan ng tingin. “Ngayon lang kita nakita na nagpunta dito. Sinusundan mo ba ako?!”

“Bakit naman kita susundan? Coincidence lang na nagpunta din ako dito kasi bigla akong nagcrave sa kwek-kwek at gulaman. 'Wag kang feelingera.”

“Coincidence man o hindi, wala na akong pake.”

Nagbuntong-hinga ako sa inis, pero hinayaan ko nalang siya. Umorder nalang ako ng isa pa at nagsimula ulit kumain ng hindi siya pinapansin. I treated him like he's invisible and didn't exist.

“So, kumusta na kayo ni Carl?” Tanong niya habang tumutuhog ng bola ng kwek-kwek. Bigla akong nabulunan at napa-ubo.

“Excuse me?”

“Sabi ko, kamusta na kayo ni –”

“I heard what you just said. Hindi ako bingi.”

“Ayun naman pala eh,” sagot niya saka tumingin sa'kin. “Hindi ba, nililigawan ka niya? Two years na.”

Hindi na ako nagtaka na alam niya na nililigawan ako ni Carl dahil kalat na kalat ang balita na 'yon sa eskuwelahan. I was just surprised that this loser suddenly brought up this topic. Hindi naman kami close.

“Mind your own business.”

I hurried and finished my food and turned my back on him. I was about to walk away when I accidentally tripped and fell on the hard, hot ground.

“Ouch!” Reaksyon ko.

Agad-agad ako nilapitan ni loser at sinubukan na tulungan tumayo. He held my hand but I swatted it away, thinking that I could stand on my own.

But to my dismay, my ankle hurt when I tried to move it.

“Gosh, I think I'm gonna die!” Sabi ko. “Dalhin niyo ako sa ospital!” Pagpapanic ko.

The loser crouched next to me to reach my level. Sinubukan niyang galawin ang twisted ankle ko pero kumirot ito.

“Don't touch me! Masakit!” Reaksyon ko saka hinampas ang kamay niya palayo.

“Kumalma ka. Natisod ka lang, hindi ka nalalaglag sa bangin. Hindi ka mamamatay.”

“You don't know that!” Sabi ko. “Paano kung posible na mamatay ako dahil dito?!”

Natawa siya. “Ang O.A mo! Ito lang ang kailangan diyan...” Bigla niyang hinalikan ang kamay niya pagkatapos ay inilapat sa ankle ko.

I screamed, making everyone surprised. “Ew! Gross! Can you not add bacteria sa paa ko?!”

Natawa lang siya. Ano bang nakakatawa? Bakit siya tawa ng tawa? Hindi ako natutuwa sa kanya. He just made me even more mad.

“Ikaw na talaga ang pinaka-O.A na babae na nakilala ko.” Sabi niya.

Suddenly, he grabbed my backpack and carried it on his back. Then he slipped his arms under my legs, his arms on my back. I flinched a little in surprise.

“Hey! What are you doing?!”

“Nirerescue ka.” Sagot niya habang tumatayo.

He's carrying me in a bridal style. Nakakahiya, pinagtitinginan kami ng mga tao. I wrapped my arms around his neck and buried my face on his hard-rock, good-smelling chest, hoping no one recognized me.

I could feel his heart pounding loudly against his chest for some reason that I was not interested to know.

“Walking distance lang ang apartment ko dito,” sabi niya. “Doon muna kita dadalhin para magamot natin 'yang paa mo. Kailangan nating ipahinga at i-cold compress 'yan.”

I pulled away and looked at him while he continued walking with me in his arms.

“Excuse me? Dadalhin mo ako sa apartment mo?”

“Yes. Magpahinga ka na muna doon at doon ka na din magpasundo.”

“Tayong dalawa lang?” Sabi ko.

“Gusto mo ba?” Sagot niya saka ngumisi sa'kin.

“Hell, no! Ibaba mo nalang ako kaysa mag-solo tayo don!”

Tumawa nanaman siya. “Binibiro lang kita. Nandoon ang kapatid ko, si Bryce.”

Lalo akong nawindang.

“Dalawang lalaki ang makakasama ko?!”

Nagsimula na akong magpanic at kabahan sa mga naririnig ko. I mean, paano kapag parehas silang ma-attract sa'kin. They are brothers and I don't want them to fight because of a gorgeous lady — me, myself and I.

“Chill, 8 years old pa lang si Bryce. Ano ba ine-expect mo't ganyan ka makareact?” He chuckled.

Napahiya naman ako doon pero hindi ko ipinakita.

“Shut up.” Tapos napansin ko na wala ang bag niya. “Where's your bag?”

“Nasa bahay na, kanina pa,” sagot niya. “Nakauwi na kasi ako kanina kaso, bigla akong nag crave ng kuwek-kuwek kaya ako nagpunta sa kuwek-kuwekan ni ate Lorna.”

“Eh bakit hindi ka nagpalit ng damit? Naka-school uniform ka pa.”

“Nakakatamad magbihis e.”

“Pero hindi ka tinamad na maglakad at bumili ng kuwek-kuwek?”

“Yep,” sagot niya. “Sulit naman ang pagpunta ko kasi, nakita kita doon.”

He continued walking with me in his arms in silence. Unexpectedly, we bumped into the last person I wanted to see — Carl.

***

Chasing Her Fire (Vol 01-03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon