SMA 3: PREDATORY, INTENT

118K 2.7K 222
                                    

SMA 3: PREDATORY, INTENT

*******

KIANNA SOFIA

-----

Matapos ang encouter namin sa mag-asawang Sandoval ay bumalik na kami sa opisina. Maraming bumati sa amin at ako lang ang bumabati sa kanila pabalik samantalang si Thunder ay dirediretso lang sa paglalakad. Nang bumukas ang elevator ay agad kaming sumakay.

"Don't greet them back." Madiing sabi ni Thunder. Ipinamulsa nito ang isang kamay sa bulsa ng suot niyang jeans.

Tumaas ang isang kilay ko. Para saan pa kung igagalang ko siya, e, kilala na niya kung sino ako. "Mas gaganda ang image kapag generous, no. Suplado ka kasi. Playboy ka naman. Ang complicated mo. Paano ka magkakaroon ng maraming kaibigan kung ganyan ka?"

"Hindi ko alam na bukod sa pagiging secretary, preacher ka rin pala. Just don't greet them back. Naiirita ako." He said frankly.

I rolled my eyes. "Control freak.”

Umatras kami kasi may pumasok na dalawang lalaki. Agad nilang in-acknowledge ang prescence mi Thunder.

"Good afternoon, Sir." Bati ng isa.

"Good afternoon." Wala. I want to piss him off.

"Tsk."

Ngumiti yung lalaki sa gilid ko. "Saang department ka, Miss? Ngayon lang kita nakita dito."

"Secretary ako ng playboy na 'to." Sabi ko habang tinuturo si Thunder. Nagsalubong ang kilay ni Thunder sa ginawa ko.

What a hottie.

Namutla ang lalaki. "Uhh. D-Dito na pala yung floor namin. Good day, Sir."

Muntik pang madapa yung kaibigan niya sa pagmamadali nitong lumabas ng elevator.

I tilted my head on the other side. "Problema n'un?"

Napatuwid ako ng tayo nang humarap sa akin si Thunder. Umatras ako ngunit humakbang ito hanggang sa ang maramdaman ko nalang ay ang malamig na bakal ng elevator. Ilang pulgada nalang ang layo namin. I tried to move pero hinarangan niya iyon ng kanyang braso. "Sinusubukan mo talaga ako, Kianna."

Nilabanan ko ang titig nito. "Hindi ko kasalanang generous ako. At kasalanan mo kung bakit playboy ka."

He smirked. I melted. "Ang playboy, kabi-kabila ang babae. Ako, I'll cut the strings first bago ako lumipat sa ibang babae. I'm a one-woman man."

We stared at each other for a long moment.

Ako ang hindi nakayanan ang intensidad ng titig nito. "I don't care."

His smile was all teeth. Predatory, intent.

Nahigit ko ang hininga ko. "Alam mo, Thunder. Kahit anong ngiti mo, hindi na ako, I mean, hinding-hindi na ako mai-inlove pa sayo."

He chuckled. He bit his lower lip. Oh! Please, bite mine instead! "Ngiti ko palang apektado ka na. Paano pa kaya kung hahalikan pa kita."

"Ehem! Ang init naman ng tagpo niyo." Napalayo sa akin si Thunder. Kanina pa pala bukas ang pinto ng elevator, napatingin ako sa lalaking nagsalita.

Unang lumabas si Thunder na parang walang nangyari. Pinamulsa muli nito ang kamay sa bulsa ng jeans niya. Tss.  Rude sexy bastard.

Thunder towered the boy. Mighty and expressionless. "What are you doing here, Rug rat?"

Ngayong nagkalapit sila, medyo magkahawig sila.

Who is he?

"Hihingi ng pera kay Tatay, Kuya. Nandyan ba siya? Kulang yung binigay saking allowance ni Nanay." Ma-awtoridad na sabi nito habang nginunguya ang bubblegum.

THUNDER SANDOVAL: The Sexiest Man Alive (UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon