*Prologue*

5 0 0
                                    

Minsan hinihiling ko na sana ay ipinanganak nalang akong nag iisa. O kaya ay sana mahirap nalang ang mga magulang ko.

Minsan nagsasawa din ako sa ganitong buhay. Isang anak na sinanay na may gintong kubyertos sa labi.

Kung para sa iba ay inaakalang masarap maging mayaman lalo na kapag ang mga magulang mo'y kilala sa business

world, sino ba ang hindi matutuwa?

Pero para sakin mas gugustohin ko pang mamuhay ng simple lang.Yung walang press na sunod ng sunod sayo na sinusubaybayan ang bawat kilos mo. Yung hindi mo kailangang magpanggap sa harap ng kamera.

Nakakasawa din maging mayaman at maging anak nila mommy at daddy.Lalo na kung second choice ka lang sa pamilya.

Jasmine Kelsey Fortejo ang pangalan ko. Ang gandang pangalan. Kapangalan ko pa nga si princess Jasmine na girlfriend ni Aladdin e. Pero sad to say hindi mala prinsesa ang buhay ko.

Kung si princess Jasmine ang nag-iisang prinsesa sa kanilang kaharian, ako naman ang pangalawa. Kung si princess Jasmine may Aladdin, ako? wala! dahil may iba na syang prinsesa. Kung si princess Jasmine ay mahal na mahal ng lahat, ako naman ay hindi. Dahil sa lahat ng bagay ay mayroon akong kahati.Ang kapatid ko, at ang masaklap? Kakambal ko pa.

Jazmin Kelly. Ang kakambal ko. Ang pinaka mamahal ng lahat at ang tunay na prinsesa.

Sweet, caring,loveable, stunning, gorgeous, sexy, brainy, angel face, and a perfect daughter. An ideal girl. Bagay na bagay nga sa kanya yung kantang  Nasa'yo na ang lahat ni Daniel Padilla e.

Isang katulad nya na mahirap higitan ng isang tulad ko. Ano ba naman ako kumpara sa kanya? Isang happy go lucky na kalahi ni Dora the explorer. Isang brat na dinaig pa ang lalaki kung makipagsapakan. Isang anak na laging napapagalitan dahil sa kapasawayan. Isang kapatid na dinaig pa ang toddler sa kakulitan. Isang estudyante na laging natutulog sa klase. Isang mamayan na tinaguriang prinsesa ng kanto. Yan ako, at ibang iba sa kakambal ko.


Dati hindi naman ako ganyan. Dati halos magkapareho kami ng kambal ko. Pero nagbago lang lahat nung  nagsawa na ako sa pagiging anino nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She'd Never Be A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon