Chapter Four

249 16 9
                                    

"Mom, where are we going today?" Napalingon ako kay baby Dagger. It was one day ago noong nag tagpo kami ng landas ni Kit and after nun, hindi naman namin na siya nakita... which is good kasi ayaw ko talaga malaman ni Damien at ayaw kong nilalapit lapitan niya ako lalo na ang mga anak ko.

Today is Sunday... which is our family day! Last Sunday, nanggaling kami sa favorite Park ko na lagi kong pinupuntahan when I was in High School. Ngayon, napag isipan kong mag ma-mall kami, para na rin makabili ako ng materials na gagamitin ko sa pag tuturo.

"We're going to the mall, boys. So you better change your clothes now." Hindi na sila nakipag kulitan pa at agad naman silang pumunta sa kanilang kwarto para mag palit ng damit katulad ng sinabi ko.

Hay, pano na lang kung mag binata na ang mga 'yon... baka habulin ng mga babae. Nako!

Napangiti't napailing na lang ako sa aking naisip. Totoo namang gwapo ang mga anak ko, dahil tumatalaytay ang dugo ni Damien sa kanila which is... nakakadiri para sa akin. Oo, aaminin ko. Sobrang gwapo ni Damien, para siyang isang Diyos na galing sa taas... pero kabaliktaran naman sa ugali niya! Tsk.

Naputol ang aking pagiisip noong may narinig akong nag businang kotse sa labas. Paniguradong siya na 'to!

Dali dali akong lumapit sa gate namin at binuksan ito. Sumalubong sa akin ang matinis na sigaw at yakap ni Uno.

Oo, si Uno—correction, Ona. Ang beki kong kaibigan back in College. If you're going to ask, siya ang tumulong sa akin noong pinag bubuntis ko ang tatlo. Naging mahirap sa parte ko kaya laking pasalamat ko sa kanya kasi siya ang nasa tabi ko noon... kahit gaga siya.

"Hoy, Ona! Umayos ka nga! Papatayin mo ba ako?!" Humiwalay naman siya agad and her hands landed on her hips. Tinaasan ko siya ng kilay, pustahan may masasabi na naman 'yan!

"Ano ka ba, gurl! Syempre, miss ko lang ang ma-attitude kong devil friend. Ayaw mo nun, may nakakamiss din sa 'yo kahit losyang losyang ka na?" Inirapan niya ako. Tamo na? Ganyan talaga 'yan. Nako, kung 'di ko lang 'yan kaibigan eh!

"Alam mo, ang ganda na sana ng sinabi mo kaso dinagdagan mo pa ng losyang eh! Sa ganda kong 'to?" Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Tignan mo 'tong babaitang 'to! Bahala nga siya diyan.

"Whatever! Asan pala mga gwapings kong inaanak?" Tuluyan na kaming pumasok at umupo sa sofa. Tamad na tinuro ko ang pintuan ng kanilang kwarto at nasakto namang lumabas doon si Jagger at Dagger. Si Gunner, baka nag papalit pa lang siguro. Hmmm, pero mabagal talaga kumilos si Gunner kaya laging nahuhuli.

"Aunt Onaaa!"

"Ninang Nanaaa!"

Jagger and Dagger said in unison. Paniguradong miss na miss ng mga 'to si Bakla. Sa tagal ba naman ni Bakla sa US?

"OMG! Baby boys! Ang lalaki niyo na!" Dinamba nila ng ng yakap si Ona at tuwang tuwa naman sila. Napangiti lang ako sa tabi.

"Kayo ha, ang laki laki niyo na! Parang kailan lang nung baby pa kayo, 'di ko man lang kayo na-breastfeed..." Malungkot niyang sambit. Naibato ko sa kanya ang lipstick na hawak hawak ko kanina pa.

"Hoy, Ona umayos ka ha. 'Wag ilusyonada, wala ka non!" Inirapan niya lang ako at tinuon ulit ang pansin sa dalawa.

"Bogssss!" Napatingin kaming lahat kay Gunner na kakalabas lang. Patakbo siyang lumapit kay Ona at katulad sa dalawa, yinakap niya rin ito. May papikit pikit pa. Sus!

"Utol!" Nag usap usap silang apat mukha namang hindi nila ako papansin kaya naman pumasok muna ako sa kwarto ko at pinag patuloy ang pag aayos sa sarili ko.

"So mare, anong plano mo?" Napatingin ako kay Ona, na ngayo'y nag dra-drive. Sasama raw siya sa amin kaya naman yung kotse na niya ang ginamit namin.

"Plano saan?"

"Eh ano pa ba? E 'di sa diyan tatlong bubwit..." Sinilip ko sa rear mirror ang tatlo at busy silang nag lalaro sa kanilang gadgets na bigay ni Ona. Nung una, nagalit pa ako kasi hindi naman siya yung ina eh inispoil niya masyado ang mga anak ko!

"Bakit kailangan ko ng plano? Maayos naman buhay namin ah!" Nabatukan niya ako ng wala sa oras. Nanlaki naman ang mata ko dahil wala sa daan ang kanyang paningin! 'Di pwedeng mamatay kami 'no! Mauuna muna siya...

Syempre charot lang!

"Gaga, kailan mo plaplanuhing sabihin kay Damien na may chanaks kayo!" Napatigil ako sandali dahil hindi ako nakarecover sa sinabi niya.

Sabihin kay Damien?

The hell?

"Ano? Hinding hindi ko sasabihin sa kanya, Ona. Simula't sapul hindi niya anak ang tatlo. Oo, nabuntis niya ako pero siya na mismo ang nag tanggal sa sarili niya sa pagiging ama sa mga bata." Napabuntong hininga siya bilang pag susuko niya. Pero akala ko naman titigil na siya, may isusunod pa pala siya! Naman eh!

"Saiorse, bali-baliktarin mo man ang mundo, si Damien pa rin ang ama nila. Siya pa rin. Walang iba. At balang araw, mag hahanap din ng ama ang mga bata. Pano mo sasabihin 'yang desisyon mo sa mga bata pag dumating kayo sa puntong 'yon?" Muli akong napatahimik dahil doon. Parang tuloy pasan ko ang mundo, hindi ako makapag isip ng maayos. Dahil totoo nga namang mag hahanap ang mga bata.

Sa totoo lang, noong isang araw, nag tanong sa akin si Jagger...

         


 "Mom? Bakit yung ibang bata may daddy? Bakit kami wala?" Kasalukuyan akong nag aayos ng aming pinag kainan at biglang sumulpot si Jagger.

Biglang bumundol ang kaba sa aking dibdiban. Saan niya nakuha ang ideyang 'yon?

"Uhm... honey. Kasi ano..." Tinignan ko ng maiigi ang kanyang mukha, nakatingin din siya sa akin ng inosente at nag hihintay siya ng maisasagot ko.

"Y-your Dad... ay..."

"Jagger, the movie already started! Come on!" Hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil biglang tinawag ni Gunner si Jagger. Nakahinga ako ng maluwag at pinag patuloy ko na lang ang ginagawa ko...



"Ano? Wala ka nang masabi? Yun na lang kasi ang tanging option mo, sis..." Napabuntonghininga ako.

Tama siya, I'm so afraid that it would be my last resort... ang ipakilala ang triplets sa kanya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dangerous BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon