Prologue

3 1 0
                                    


THE END OF HER STORY
Written By: MiaochiiKitty
Genre: Fantasy
Date Published: November 12, 2019

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*****

"Nagsimula na ang misteryo ng buhay mo.
Ang kuwento ko ang magiging takbo ng iyong kapalaran. At nakasalalay sa mga kamay mo ang pagpili at pagdesisyon sa katapusang nais na hindi ko natamasa."

*****

ZHIARA CLAYN

Simple lang ang buhay ko.
At buong buhay ko wala na akong ginawa kundi ang magbasa ng mga libro.

Ngunit isang araw, napukaw ang atensyon ko sa isang kakaibang libro.

Napaka misteryoso ng librong ito.
Dahil kung ano ang nababasa ko dito yun ang mangyayari sa hinaharap.

Ini-Spoil ako ng librong to kung anong mangyayari sa future ko eh!!!

Ngunit may isang tanong na bumabagabag sa isipan ko.

NASAAN ANG PANGWAKAS NA PAHINA NG ISTORYA KO???!!!!!

*****


Galing ako ngayon sa Book store.
Natapos ko na kasing basahin lahat ng libro ko. Hindi ko na inabala pa yung driver namin kaya heto, naghihintay ng taxi.

Napadako ang tingin ko sa isang lola.
Napaka dami nyang bitbit na bayong. Lumapit ako sa kanya upang tulungan sya.

"Lola."

"..."

"Lola yuhoo!"

"..."

Hindi naman yata ako naririnig ni lola.

"Lola tulungan ko na po kayo!" Nakangiting sambit ko.

Pero nakapagtataka.....deretso lang ang tingin nya.

Kinalabit ko sya kaya bigla syang tumingin sa akin.

Ang creepy po nya.

Inabot nya sa akin yung isa nyang bayong kaya dahan dahan ko itong kinuha.
Ang wierd talaga ni lola!!

Naglalakad lang sya habang nakabuntot ako sa kanya.

Mahigit sampung minuto din kaming naglalakad ng tumigil sya sa tapat ng malaking bahay. May kalumaan na ito pero maganda paring tignan. Medyo creepy lang tapos may lawa pa sa mas gilid nito.

"Dito nalang ako iha salamat sa paghatid.."

"Sige po lola. Alis na po ako..."
Inabot ko na sakanya yung bayong nya at tatalikod na sana ng pigilan nya ako.

"Sandali lang iha!!"

"A-ano po i-iyon?" Kinakabahan kong tanong.

"Kunin mo ang librong ito bilang pasasalamat ko"
At inabot nya sa akin ang isang lumang libro.

Tinitigan ko ito. Hmmm..mukhang may babasahin na naman ako. Ano kayang kwento ito?

"Nagsimula na ang misteryo ng buhay mo.
Ang kuwento ko ang magiging takbo ng iyong kapalaran. At nakasalalay sa mga kamay mo ang pagpili at pagdesisyon sa katapusang nais na hindi ko natamasa."

Muling sambit nito. Ng lingunin ko sya ay wala na sya sa harap ko.
N-nasaan na sya??!!
At hanudaw?
"Anong ibig sabihin ng sinabi nya??"

*****

The End Of Her StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon