ZHIARA CLAYN
Nandito na ako ngayon sa classroom namin. Binabasa ko ngayon yung libro ko at malapit na ako sa part na napunit. Hala! Nakalimutan kong kunin yung part ng libro ko!
"ARA!!!!!!!!!!" Sigaw ng kaibigan ko.
"Jhelian! Akala ko ba di ka papasok?"
Sabi kasi nya kanina babantayan pa nya yung mommy nya dahil may sakit ito."Dumating kasi kanina si daddy! Kaya sya nalang nagbantay kay mommy! Anong binabasa mo------Oh my gosh!!! Bestie saan ka bumuli nito?!!!! Hindi ko pa nababasa this! AY?! Bakit may punit?"
Napatingin naman ako sa libro ko.
"Binili ko yan sa bookstore kahapon. Ang tagal kong hinanap sa States yan pero out of stock. At saka yan," sabay turo sa napunit.
"Nabunggo ako kanina ng tumatakbong lalaki kaya napunit."
Sagot ko.
"Eh nasan yung napunit na part?"
Naalala ko na naman yung kanina kaya napasimangot ako.
"Nasabit sa may puno kaya lang h-hindi ko na nakuha." Hindi mapakaling sabi ko.
Kasi naman eeh!! Yung first kiss ko! Naalala ko na naman yung bastos na lalaking yon!
"Eh gwapo ba sya?" Sabi nya ng nakangiti.
ALAM NYA??!!!!
"Sino naman?" Pagmamaang maangan ko. Paano nya nalaman?!
"Yung nakabunggo sayo." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Akala ko yung ano...yung ano--BASTA! Bakit ko ba iniisip iyon?!!
"Ewan" hindi ko kasi nakita yung mukha ng nakabunggo ko. Pero yung nakahalik-----ERASE!ERASE! Zhiara wag mo na nga lang isipin iyon!"Sayang naman di mo nakita" nakangusong sabi nya. Ayan na naman po sya. Magkasundo kami sa lahat ng bagay kaya naging matalik na magkaibigan kami pero may dalawang bagay na magkasalungat kami. Sya mahilig sa mga lalaki samantalng ako, Meh! Sa libro lang ako mahilig. At sya ay masiyahin, madaldal at makulit tapos ako naman tahimik at masungit(DAW).
Hindi na kami nakapag usap pa dahil dumating na yung advicer namin. Grade 10 na pala kami. At kabilang kami sa pinakamataas na section. Yeah~ sa SSC po kami.
Nabaling ulit ang tingin ko sa libro ko at napasimangot muli ng maalala ang nangyari kanina.
"Class this is your new classmate. Introduce yourself mister." Wika ng advicer namin.
"I'm Jeremy Clein. 15." At nagtilian naman yung mga babaeng kaklase ko. Kala mo naman nakakita ng multo kung makatili sila. Tsk tsk. Naramdaman kong may umupo sa kaliwa ko.
"OMG! Bestie! Tumabi sya sayo!"
Sabi ni Lian habang niyuyugyog ako."Ano ba Lian! Malamang sa tabi ko lang ang bakante! Bitaw nga!" Singhal ko kaya tinigil na nya ang pag yugyog sa akin. Tsk.
"Sungit!" Pasinghal na bulong nito na dinig na dinig ko naman!
"May sinasabi ka?!" Sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Tsk eh di ako na masungit!
"Ah-eh---h-hehe wala naman" sagot nito habang naka peace sign. Kaya binalik ko na ang tingin ko sa binabasa ko.
"Eeh!! Bestie! Tumitingin sya sayo!!!! Ang gwapo nya talaga!!!" Paimpit na sigaw nya habang niyuyugyog na naman nya ang braso ko.
Binigyan ko lang sya ng masamang tingin kaya tinigil na nya ang ginagawa nya.
"Sabi ko nga titigil na. Hehe"
Yeah she's right. Nararamdaman kong nakatingin nga sa akin tong new seatmate ko pero hindi ako nag abalang tignan sya.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng magsalita ito.
"Hey miss. Sayo yata ito."
Ako ba kausap nito? Malamang! Ako lang naman katabi nya. Tsk.
Tinignan ko yung hawak nya at nanlaki ang mata ko dahil iyon yung part ng libro kong napunit at tinangay ng hangin.
BINABASA MO ANG
The End Of Her Story
FantasyKwento ng isang babae na naging misteryoso ang buhay mag mula noong mapasakanya ang mahiwagang libro. Sa librong ito ay nababasa ang mangyayari sa kanya sa susunod na araw o ng kaniyang hinaharap. Pero....nasaan ang pang wakas na bahagi ng kwento...