Paano kung isang araw asamin mo na itigil na Lang ang lahat at wakasan ang buhay mo para wala ka nang maramdamang sakit at paghihirap. Takasan at kalimutan ang mga bagay na nagpapaalala sayo ng mga masasakit na pangyayari. Mga pangyayari na paulit-ulit Lang tumatakbo sa isipan mo. Pagod na akong tumingin sa kawalan. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong umasa at mas lalong pagod na akong mabuhay.
Paano nga ba magiging masaya ulit?
Paano nga ba Mabuhay ulit?
Paano nga ba?
Yan ang mga Salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko. Paulit-ulit Lang akong bumabalik sa nakaraan. Pinipilit kong mabuhay sa pamamagitan mg masasayang alaala. Pero sa tuwing papalapit na ako sa reyalidad na isang alaala na lamang ang lahat. Paulit-ulit na bumabalik ang sakit ng kahapon. Isang alaalang pilt kong kinakalimutan at takasan.
Kung may anesthesia lang sana para sa puso. Di sana Nilagok ko na ng magnmanhid na lang ang pakiramdam ko at wag ng masaktan. Nasubukan ko ng iuntog ang ulo ko pero wala paring epekto. Andun parin ang sakit, ang masakit na alaala ng kahapon.
Bakit ba kasi kailangan mong masaktan eh nagmamahal ka lang naman.
Sana nagging computer na lang ako para pwede burahin ang data na nakasave at mag umpisa na lang ulit. Para na akong tanga wala ginawa kundi tumawa at umiyak.
Ako nga pala si Kiarra Montemayor Dedios you can call me Arra for short and 27 years ng nabubuhay dito sa mundong ibabaw. Ang senti ng intro ko diba? EH pano ba naman kasi itong little brain at heart ko eh nagtatalo nagmumukha na akong baliw dito sa office. Para akong brain dead sa totoo lang ayaw mag function ng brain ko. Tapos tong puso ko eh nagpapakalunod sa sakit sinasagip na nga ng utak ko ayaw padin papigil.
Minsan talaga dumadating tayo sa punto na kahit nasasaktan na tayo sa isang bagay eh sige parin tayo ng sige. Kahit wala ng patutunghan push padin ng push. Pero dadating ka din sa punto na ayaw mo na at gusto mo na Lang tumigil.
Yong pakiramdam na mahirap pero kinakaya.
YOU ARE READING
Slained Love
RomanceKiarra Montemayor is a Woman of Success, Beauty and Brain. Pero pagdating sa pag-ibig kaya' kaya nyang Mag succeed. Lahat kaya pwede nyang idaan sa Talino at ganda? O minsan kailangan mo din gumamit ng Puso para masabing nagmahal ka. Lahat ang tao...