TFTL 1 ♥

40 1 0
                                    

A/N

Sorry for wrong grammar or spelling. Enjoy this chapter. Happy reading! :*

Chrystelle's POV

Saturday Afternoon, February 8, 20xx

"Hay naku, nakakainip makapag Wattpad nga muna." Binuksan ko ang Wattpad sa cellphone ko para magbasa.

Napabangon ako mula sa kama ko nung meron akong narinig na doorbell mula sa ibaba.

Dumerecho ako sa ibaba para tingnan kung sino ang nag doorbell tapos nakita ko sina Gracie, Yuki at Julia na nasa tapat ng gate.

"Napapunta kayo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Hello! Nabobore kasi kami sa bahay eh tapos naisipan naming maglaro tayo ng volleyball sa court." Sigaw ni Yuki. Ah kaya pala pumunta sila dito. "Pasok muna kayo. Magpapalit lang ako."

"Sige Chrys."Pumasok na sila sa bahay tapos ako naman dumerecho sa kwarto para magpalit ng pang volleyball.

Hindi pa nga pala ako nakapagpakilala. Hello! I am Chrystelle Ciesla. 16 years old. Nag-aaral ako sa Hanver University. May tatlo akong bestfriends, sila Gracie, Yuki at Julia. Pare-pareho kaming nasa Grade 10. Kami ay magkakaibigan na since elementary dahil ang mga mommy namin ay mag bestfriends din.

Pumunta na kami sa court at naglaro na. Umuwi na rin kami kagad nung napagod na kami.

"Sige Chrystelle uuwi na kami ha." Sabi ni Julia

"Sige kita-kita nalang tayo bukas."

Kinabukasan

"Chrystelle, kilala mo na ba yung new transferee?" Tanong ni Gracie sa akin.

"Ah eh wala pa man akong nababalitaan about that eh. Sino ba sya?" tanong ko.

"Di ko din alam eh, pero narinig ko kaklase daw natin sya." Sagot ni Gracie sa akin

"Ah sige. Makikita rin naman natin siya eh." Sabi ko sa kanya.

"Oh sige. Tara punta na tayo sa room baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am sungit este Cha. Hehehe." Aya niya sa akin.

"Ikaw talaga. Sige let's go." Sabi ko kay Gracie.

Sa Classroom

"Class may bago kayong kaklase." Sabi ni Ma'am Cha. "Mr. Maurer,Please introduce yourself in front." sabi ni Ma'am Cha.

Tumayo na siya at pumunta sa harap. "Hi everyone. I'm Kurt Maurer." Matipid niyang pagpapakilala sa amin.

Umupo na siya malapit sa amin at pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng konting discussion at lectures.

*Krrrriiiinnnngggggg*

Nagring na yung bell, sign na lunch time na. Pumunta na kami sa canteen.

Canteen

Papunta kami sa canteen ngayon nina Gracie, Yuki at Julia. Habang lumalakad kami, biglang may bumunggo sa akin, Si Kurt pala. "Next time tumingin ka sa dinadaanan mo!" Naiinis na sigaw ko sa kanya

"Bakit sino ka ba ha? Akala mo naman kung sino ka, Eh isa ka lang namang flat na pangit." Pa-cool na sabi nya. Aba sinabihan pa niya ako na isa raw akong "Flat na Pangit". "Hoy YABANG!FYI di ako flat na pangit no! Baka ikaw yun! Tsaka bakit ako pa sinisi mo eh ikaw nga tong bumunggo sa akin eh." Galit na sabi ko sa kanya, Akala ko naman mabait sya napakayabang pala. Pogi pa naman sya. Aish! Ano ba tong pinagsasasabi ko.

Umalis na lang kami sa canteen at pumunta na kami sa second subject namin.

Sabi ni ma'am Cha magkakaroon daw kami ng JS Prom sa Friday. Kailangan daw na suotin namin ang pinakamagandang gown namin for girls at suit naman for boys dahil meron daw prom king and queen sa araw na yun.

Excited na yung tatlong best friends ko pero ako hindi naman ako excited dahil hindi naman ako mahilig magsuot ng mga gown or dresses. At saka wala naman akong pake sa mga party party na mga yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Friend True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon