AJ's POV
Pagkatapos kong maligo ay nagkulong muna ako sa kwarto para mag cellphone, habang pinapatuyo ko ang aking buhok. Nahinto ako sa pag pindot ng sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.
"I still love you Andromeda"
"Hay!!" Inis Kong usal at ginulo-gulo ko ang buhok ko na parang nasisiraan ng bait. "Diba dapat nagagalit ako sayo!? Bat hindi ko kayang magalit!? Sarap mo sapakin!, Bat mo yan sinasabi sakin!? Umalis ka ng walang paalam sakin tapos kung mag inarte ka ngayon parang walang nangyari!? Bwiset!"
~Tok! Tok!~
Pumunta ako sa pintuan ng biglang may kumatok at pinagbuksan ko Ito.
"Aj, Lunch na Tayo?" si venus
"Sige, sunod ako" sagot ko naman saka siya umalis
"Andiyan si aj?" Rinig kong Sabi ni Mari
"Oo nandun, bakit?" Sagot naman ni Venus kaya lumabas ako ng kwarto.
"Bakit Mari?" Tanong ko
"Girl! Yung boyfriend ko nasa baba na! Halika na!" Kinikilig nitong Sabi saka niya ako hinila
"Akala ko naman Kung ano!" Inis Kong sagot
Pagbaba namin ay nakita ko nga ang boyfriend ni Mari, Moreno Ito at muka rin namang bigtime.
"Justin! Meet my best friend, Aj" pagpapakilala ni Mari sakin
"Oh.. hi Aj I'm Justin, nice to meet you" nakangiting sabi nito at nakipagkamayan ako sakanya
"Aj" tipid Kong sagot, pilit kong kinalas ang kamay ko sakanya ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya, natama ko ang Mata ko kay Viniel na nakaupo sa tapat namin, salubong ang kilay nitong nakatingin sa kamay namin, bigla itong tumayo.
"Excuse me, I'm Viniel" usal nito at inilahad ang kanyang kamay, Kaya inalis ni Justin ang kamay niya sa pagkakahawak sakin, at nakipag kamayan siya kay Viniel.
"I'm Justin, nice meeting you men" sagot nito at natapos agad ang shake hands nila.
"Gano katagal na kayo ni Mari?"tanong ko
"2 months"sagot nito at biglang tumabi sakanya si mari
"And still counting!" Dagdag ni Mari
"Hindi mo Naman sinabi sakin may maganda ka palang kaibigan" nakangiting Sabi nito kay Mari habang nakatingin sakin.
"Pero mas maganda ako" sagot ni Mari
"Oo Naman" sagot nito habang nakatingin sakin, iniwasan ko siya ng tingin at umalis sa harap nila, parang nababastusan ako eh!.
Nang makaupo ay napansin ko si Viniel na umiinom habang salubong ang kilay na nakatingin kay Justin.
"Seryoso ba Yan sa kaibigan mo?" Bulong sakin ni Martina "Alam mo bang ang yabang niyan kanina?"
"Bakit?"
"Kararating palang nagmayabang na, look at Viniel kaya ganyan Yan, Kasi niyabangan siya"
"Anong klaseng yabang?"
"Minaliit siya, pinagkamalan ba Naman niyang Call center boy si Viniel"
(A/N: Ops! Hindi ko po minamaliit ang call center agents ah! Story lang po Yan, wag seryosohin, k)
"Eh anong ginawa ni Viniel" tanong ko
"Hindi nalang sumagot"
"Hindi niya di-nefend sarili niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko
![](https://img.wattpad.com/cover/186598358-288-k946812.jpg)
YOU ARE READING
I FINALLY MET MY MATCH (Part 2/On Going)
FanfictionAndromeda jae Solares Viniel Im Montenegro Miguel Aruego Jose Morales Cora corpuz Vincent Santiago Venus Garcia Carlo Santos Mari Ocampo