Kurt

1 0 0
                                    

"ang cute niyong dalawa! para kayong KathNiel!", biro ni ate Camille.

"naku, mare. Pag siya ang nanligaw sa anak ko, di na ako magdududa.", tugon ni mama kay tita.

tumawa rin siya. "oo nga, walang katatakutan mula kay papa, diba aprubado rin?", tanong ni tita.

tumango rin si papa na nakangiti at nagpatuloy ang kuwentuhan.

--

nanatili kaming naka upo, nakikisabay na rin. malakas na tumangi si Kurt sa asar nila nang tumatawa pa rin.

ako naman na hindi komportable, pinilit nalang na ngumiti at manahimik na rin.

--

"Tumayo kayong dalawa diyan! Kukunan ko lang kayo ng litrato.", utos ni mama. Nagreklamo pa ako ng konti, pero bumigay rin naman.

Ngumiti kaming dalawa sa harap ng camera at bumalik sa paglalakad.

--

hindi ako makapaniwalang aalis na siya.

"ingat ka papuntang Japan ha?", hikbi ko.

"eihh, umiiyak nanaman siya. hindi ako mawawala habang buhay 'no. babalik ako dito."

hindi. 'wag kang umalis. walang mangungulit sakin. wala nang aasar sakin. wala ka na sa tabi ko.

patuloy paring pumapatak ang mga luha mula saking mga mata.

yumuko siya upang matama ang aking maliit na katawan. "anong pens ba yung gusto mo? padadalhan kita dito. pink ba?", sabi niya.

hinawakan niya ang aking pulso at mahinang hinatak palapit sa upuan kung saan nandoon ang kanyang bag. may inilabas siyang maliit na pakete na punong puno ng ballpen at gamit pangguhit. may kakaunting tsokolate na naka kalat sa lalagyanan at makikita sa loob ang isang tala at nakasulat dito, 'I love you and i will miss you Aira! -Kurt.'

Lumala na lamang ang aking paghahagulhol na tinakpan ng kaniyang mahigpit na yakap.

"Eto talaga oh, iyakin. eew", sinabi niya habang pinupwesto ang kaniyang baba sa aking ulo. Tinapik niya ang aking likod at nagpatuloy sa pagtatahan sakin.

Bumitaw ako sa yakap at hinarap siya. "Wag kang maghanap ng girlfriend dun ha, mag paalam ka muna sakin. Iimbistegahin ko muna."

Tumango siyang pinapakita ang kaniyang pilit na ngiti.

"magtatampo ako pag hindi ka nag chat, at nagpapabaya sa school.", paalala ko. "yes ma'am, masusunod."

Niyakap ko nalang siya muli at pinunasan ang aking mga luha. Hinawakan niya ang aking mukha at gamit ang kaniyang hinlalaki ay sinabayan akong pinunasan ito.

"I love you too, Kurt."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

boy best friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon