chapter 1

9 1 0
                                    

Tyron's pov

Hi guys, ako si Tyron Kier Gellar, 20 years old at pangarap ko maging isang guro. Nagsusumikap akong maging matagumpay sa buhay para sa aking pamilya at sa pamilyang bubuuin ko---

"Aah!"

Nagulat ako ng may tumiling pambabae kaya tiningnan ko ito. Biglang tumigil ang puso ko...

...si Luna.

Ang highschool crush ko mula first year. 13years old lang ako ng makilala ko siya noon, 7years ago.

*Past*

"Oh my gosh, 'di ka ba marunong mag ingat Mr. Tall guy?" Tanong sakin ng isang babaeng morena, medyo di ko alam ang kulay ng kanyang labi dahil sa lipstick, wavy ang buhok pero nakaayos, mukhang mayaman.......... At............ Maganda.

Oo maganda siya pero may kasungitan, 'di ko alam kung bakit.

"Hey!" Sigaw niya sakin dahil nakatulala ako sa kanya. Nakakatulala naman kasi talaga ang kagandahan niya. Kaya.....

Kaya..............

Nung araw na makabangga ko siya ay nagka crush na'ko sa kanya.

"Hoy!" Pangalawang tawa niya sa akin at tinulak niya ako kaya napa upo ako sa harap hallway sa first floor, harap ng guidance.

Nataranta ako kaya nagsorry ako sa kanya. "Ah-ah sorry Miss, 'di kita nakita agad kasi----"

Pinutol ang pagsasalita ko.

"Stop! Look at my things on the floor! Give that to me since you didn't notice the beautiful and gorgeous girl in this planet!" Sabi niya sabay lahad ng palad sa akin.

"S-sorry talaga. Teka, kukunin ko." Sabi ko sabay dampot ng mga gamit niya.

"Make it fast! You idiot!" Sabi niya sabay padyak ng isang paa na tila naiinip sa ginagawa ko.

"Eto na, eto na." Ako naman si nagmamadali.

Matapos kong kunin ang mga gamit sa sa sahig ay inabot ko ito sa kanya.

"Eto oh."

Tinanggap niya ang mga gamit niya sabay walk out. Hindi siya nag thank you saken.

Hinayaan ko nalang na hindi siya nag thank you sa akin kaya ng hahakbang na'ko ay may umumbok sa paa ko ay pag tingin ko ay isang ID. Tinignan ko kung kanino ito at nakita kong may mukha ng isang magandang babae. Ang babaeng naka bangga ko.

Titignan ko sana ang name niya kaso mag tumawag saken. Yung classmate ko, sabi niya nasa room na daw ang ESP teacher namin kaya umakyat nako. Kailangan kong bilisan dahil terror ang teacher namin na iyon.

Tinago ko nalang ang ID nung babae sa bulsa ko at bumalik na sa room. Bibili sana ako ng tubig eh. Pero okay lang last subject na din naman namin ito at uuwi na kami.

Pag uwi ko sa bahay ay hinubad ko agad ang aking uniform para magpalit ng damit pang basketball. May nakapa ako sa aking bulsa, ang ID nung babae.

Naexcite akong tignan ang ID niya kaya minadali ko na.

'Abigail Luna Predis' yan ang pangalan niya. Ang ganda noh, kasing ganda niya. Bagay sa kanya.

Nilagay ko ang ID niya sa book shelf ko pagtapos itong tignan. Bukas ko nalang ito ibabalik sa kanya.

*End of past memory*

"Hoy Mr. Tall Guy, tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Kahapon nabangga moko tapos ngayon nabangga mo nanaman ako. Trip mo ba ako ha?" Si Luna.

Second name niya ang tawag ko sa kanya kasi pansin ko lahat ng taong kilala siya ay Abigail ang tawag sa kanya kaya naisipan kong tawagin siya sa second name niya pero hindi ko siya binabanggit si iba na gamit ang 'Luna' kasi baka gayahin nila. Ako lang dapat ang tatawag sa kanya ng Luna, hmp.

"Sorry Abigail di ko talaga sinasadya. Sa susunod titingnan ko na ang dinadaan ko lalo na pag nandyan ka."

Inirapan niya ako.

"Mr. Tall Guy, sinabi mo na din yan saken kahapon kaya wag mo ng ulitin yan nakakasawa noh!" Sabi niya sabay walk out, yung palagi niyang ginagawa sakin mula noon.

Napapangiti nalang ako kasi kahit papaano ay napapansin niya ako pero lagi siyang galit sakin. Lagi ko ba naman nababangga eh. Pero ang hindi niya alam ay madalas kaming magkabanggan, hindi niya iyon napapansin dahil sa araw araw kong pagsunod at pagbantay sa kanya ay nalaman kong mahina ang memorya niya. Kaya niya lang matandaan ang kahapon pero hindi ang naganap noong isang araw, lalo na kung ang nakaraang taon. Kaya feeling ko ay safe ako sa kanya dahil hindi niya napapansin na palagi kaming nagkaka bangga. Di ko naman sinasadya na mabangga siya. Sadyang hanggang baba (chin) ko lang ang height niya.

Madami na akong napansin sa kanya. Mga kinagawian niya, mga loyal at plastic friends niya, maging ang kanyang mga ex boyfriends na lahat ay iniyakan niya. Halos buwan buwan ata siyang may bagong boyfriend tapos sasabihin niya sa lahat na mahal niya na daw ito at ang lalaking iyon na daw ang papakasalan niya at hinalikan niya pa ito sa harap ng maraming estudyante sa loob ng malaki at malawak na field namin. Nang ginawa niya iyon sa harap ng maraming estudyante ay halos walang nakapansin sa principal namin na nandoon. Malapit lang ako kay Luna at tanaw ko ang principal namin. Dali daling hinila ko siya noon paalis sa mga estudyante para hindi siya kagalitan at dinala ko siya sa lugar sa school na walang cctv, sa secret garden ng school. Kaunting estudyante lang ang nakaka punta doon dahil ipinagbabawal na pumunta at mag ingay sa loob. Nalaman ko ang tungkol dito dahil sa minsang pagsunod ko sa kanya at dito siya pumunta. Pumunta siya dito noong umiyak siya sa pang pitong boyfriend niya last 2months at pumunta ulit sila dito ng bago niya at nag make out dahil noong ganoong mga araw na iyon ay hindi naglilinis ang janitor pero hindi natuloy dahil nag-ala janitor ako noon at sumisipol sipol pa.

Sa pagkakataong ito, ako naman ang kasama niyang magtago dito hindi dahil para mag make out kundi para magtago dahil tiyak na lagot ang babaeng mahal ko na Luna si principal naming bading. May mga kaibigan akong lalake na maaari akong tulungan para hindi malaman ng principal namin na si Luna ang may gawa ng kaingayang iyong sa field.

*End of chapter 1*








Thanks for reading guys!!!

Please vote...

Thankiee...

Next chapter...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKO'Y TINAMAAN SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon