PAUNANG SALITA

9 0 0
                                    

Nakaka-ilang lunok na ang nagawa ko. Nababalutan na din ng pawis ang aking mukha. Pabaling-baling ang aking mata kahit alam kong naka-blindfold ako.

Haharapin ko na naman ang namimilipit na araw na ito. Halos araw-araw ay palagi na lang ako umiiyak dahil sa mga nangyayari.

Kasabay ng pawis ay luhang pumatak mula sa aking mata. Bakit ba ito nangyayari? Ano ba ang aking pagkakamali?

Yapak ng mga paa ang sunud-sunod kong naririnig. Ramdam ko ang pagtitig nila sa akin na may halong pilyong ngiti.

"Remove her blindfold."rinig ko ulit ng kanyang pamilyar na boses.

Tinanggal naman kaagad ang telang naka-takip sa aking mata. Napakurap-kurap ako.

"Good Hell,Maureen."pagbati nito sa akin sabayan ng mala-demonyong tawa nito.

Hindi na ako nagulat nang ilagay ng mga ito ang aking kamay sa Lie Detector.

"Hindi ka ba talaga nakokonsensya sa mga pinanggagawa mo ha? Demonyo ka."matigas kong sabi dito na siya namang nagpalakas ng tawa nito.

"Ohh,pity of you. Siguro kung nakikita mo lang ngayon ang iyong reaksyon,sigurado akong tatawanan mo din ang sarili mo."pinaningkitan ko ito.

"Sa palagay mo,magandang paraan ito para makuha mo ang gusto mo? Nagkakamali ka,hindi lahat ng bagay makukuha mo. Tandaan mo yan,Maxine."hindi ko halos maisip na tatraydorin pala ako ng aking sariling kakambal.

"Of course I can Sis! Ano ako tanga katulad mo? Lahat ng kailangan ko ay andito na sa akin kaya bakit pa ako kukulangin diba?"hindi siya ang kakambal ko na kilala ko dati. Hindi siya ito.

"Hindi ka ba kuntento kung sa anong meron ka? Andito naman ako ah? Andito naman kami ni Daddy! Were here behind you--!"

"SHUT THE HELL UP MAU!!"nagulat ako sa pagtaas ng boses nito.

"Kahit kelan,hindi ko kayo kailangan ni Daddy. Bakit? Nung panahon ba na kailangan ko kayo,andyan ba kayo ha? Diba wala naman? Ni di niyo ako binigyan ng araw kahit makasama lang kayo kasi puro na lang kayo! Kayo! Kayo! Alam ko naman eh,alam ko naman na ikaw yung pinaka-paborito ni Daddy kasi matalino ka at may utak! Ako? I'm just a piece of a shit! Wala akong halaga kaya hindi niyo ako mapapakinabangan. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin na wala akong kwenta kasi sa loob-loob ako,inaako ko naman yun. Di mo na kailangang mag-marunong Sis."rumaragasa ang luha nito.

After hearing those words from my twin sister,inaamin ko na nag-kulang kami ni Daddy sa kanya. Totoo na hindi na namin siya nabibigyan ng oras dahil medyo abala na kami ni Daddy sa pagpa-patakbo ng negosyo.

"Max,bakit di mo sinabi na ganyan na pala ang nararamdaman mo?"napayuko ito.

"Was it needed to tell you what I feel?Because for me,it wasn't."narealize ko na hindi ko nagampanan ang aking tungkulin bilang kapatid niya. It was all my fault,right?

"We were so sorry Max. Hindi namin alam ang nararamdaman mo. Max...please,just stop this. Umuwi na tayo,kalimutan na lang natin ang pangyayaring ito. Umalis na tayo dito."pagmamakaawa ko sa kanya.

Her sobs disappeared then it turned again into a loud-demonic laugh.

"Are you fooling me Sis? Hinding-hindi mo ako mauuto sa mga pagmamakaawa mong iyan. Kung ano ako ngayon,yun ang harapin mo."wala na akong magagawa pa. Kung iyan din lang naman ang sistema,kailangan kong kalabanin din siya pabalik.

Kapatid ko siya,Mahal ko siya pero...kailangan ko ng hustisya sa lahat ng taong pininsala niya.

"Anyways,may sorpresa pala ako sayo Sis. Henry,tanggalin mo na yang kurtina."utos nito.

Kaagad ding binuksan ni Henry ang kurtina na nakatakip sa isang salaming kwarto na kaharap ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang taong nasa loob noon.

Nakagapos ito at may busal ang bibig. Hindi ito maaari. Ang CEO ng YUCann Company ay hawak niya.

"Surprise?"may pilyong ngiti ang mga labi nito.

YUCann Company ang nagmimistulang matalik na partner ng kompanya namin. At ang taong nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi si Tito Ryan Yu,ama ni Kaitlyn Yu,ang bestfriend ko.

"Alam mo naman siguro ang instruction diba? Nakalagay sa lie detector ang kamay mo. May ibibigay akong mga tanong sayo at kailangan mo itong masagutan within 5 seconds. Kapag hindi mo ito nasagutan sa nagdaang 5 segundo,unti-unting mamamatay iyang tao sa harapan mo."pagtutukoy niya kay Tito Ryan.

Ayoko nang may masayang na buhay dahil lang sa kapalpakan ko. Oo matalino ako pero,minsan ang mga matatalino,nagiging tanga din.

"So..shall we start?"

Oh God,please help me now....


_LLW_

The Survivor's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon