Tinanggal ko ang salaming aking suot nang makalabas ako sa sasakyan. Sa wakas,andito na din ako sa bansang kinalakihan ko.
"Baby!"napangiti ako ng malawak nang salubungin ako ni Daddy.
"Dad."niyakap ko siya ng mahigpit.
"How's the flight?"tanong niya sa akin ng umalis ako sa pagkayakap sa kanya.
Napa-ingos ako,"Boring "
Tumawa siya ng malakas bago hinalikan ako sa noo,"We should go inside besides I have a surprise for you baby."
Mukhang pinaghandaan talaga ni Daddy ang pagdating ko. Pumasok na kami sa loob ng mansyon.
Sa pagpasok ko,bumungad sa akin ang isang may edad na babae,siguro ito ay nasa edad 30. Kahit ito ay medyo may edad na,makikita mo pa rin ang kagandahan nito.
"Baby,meet Susan,my fiance."pinagsiklop nito ang kamay nila ng babae.
Halos mapigil ko ang aking hininga dahil sa sinabi ni Daddy. Ito ba yung surprise na sinasabi niya?
At sa pagkita ko,mukhang mataray ito. May parte sa loob ko na hindi panatag sa babaeng ito.
"Dad,can we talk for a moment?"hindi kanais-nais ang mukha ng babaeng ito,alam kong pera lang ang habol nito kay Daddy.
"Sure baby. Excuse us for a while,my love."hinalikan niya ito sa labi at wala akong nagawa kundi ang itirik ang mga mata.
Ang napili kong lugar para pag-usapan namin ni Daddy ay ang kusina.
"Dad,ano yun?"punong kuryusidad na tanong ko sa kanya.
"Ang alin,baby?"pinag-krus ko ang aking mga braso sa aking dibdib.
"That woman. You said that she was your fiance?"kumuha si Daddy ng wine at sinalin ito sa baso.
"Do you have any problem with that baby?"nilapag ko ang aking hand bag sa ibabaw ng lamesa.
"Yes dad. Hindi naman po sa kumukontra ako sa relasyon nyo pero hindi niyo man lang po ba naisip si Mommy? Na isang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng libing niya,makikita niya po na may bago po kayo and fiance po talaga? Dad akala ko po ba hindi niyo ipagpapalit si Mommy?"lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Mau,kaya nga ako nagmahal muli para makalimutan ko yung sakit na nangyari sa mommy mo. Please baby,just accept Susan. I love her so much."inayos ko ang aking suot na damit bago sinalubong ng tingin si Daddy.
"Am I not enough Dad? Hindi pa ba ako sapat para makalimutan mo yung sakit?"he sighed.
"Baby,just understand me. Si Susan lang ang makakapagpasaya ulit ng damdamin ko."umalis ako sa pagkakahawak ni Daddy sa aking balikat.
"I love you Dad,gustuhin ko mang sumaya ka but I couldn't help it. I love Mom,and I won't let anyone replace her,even in this family. Excuse me,aakyat muna ako sa room,gusto kong magpahinga."mabilis kong kinuha ang aking hand bag at umalis na sa kusina.
Aakyat na sana ako sa hagdan nang marinig ko na nagsalita ang babae niya.
"Hindi mo mapipigilan ang pagmamahalan namin ng Daddy mo iha. Tandaan mo,balang araw kikilalanin mo rin akong ina at parte ng pamilyang ito."mataray nitong saad kaya tumayo ako ng tuwid.
"Ito din ang tandaan mo. Walang araw na kikilalanin kitang ina at parte ng pamilyang ito o buhay ko. Kasi kuntento na ako kung anong meron ngayon,hindi ko na kailangan ng bagong papakainin."sabi ko dito na hindi nililingon at padabog na umakyat sa taas.
I entered my room then lay on my bed. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang nakaraan. Ang nakaraang masaya pa kaming pamilya.
Nang dumilat ako saka naman nalaglag ang mga butil na luha galing sa aking mga mata. I miss Mom and her. Naupo ako sa hulihan ng kama at tinignan ang picture frames sa mesang nakadikit sa pader.
Mas lalong nanikip ang aking dibdib dahil sa litrato namin. Maxine Villamor,my twin sister. Magpi-7 taon ang nakalipas nang mawala siya sa amin. May mga bali-balita na patay na siya pero meron ding nagsasabi na nawawala lang o kinidnap. At kahit hanggang ngayon,wala pa rin kaming nakukuhang balita sa mga imbestigador.
Ika-3 ng Oktubre 2012
Nagkayayaan kaming mag-family reunion sa Hokaido,Japan. Kasama ko sina Mommy,Daddy,at ang aking kakambal na kapatid na si Max.Balak namin bisitahin ang sikat na Flower Field doon dahil balita ko ay maganda daw iyon pasyalan. Nung araw na nakadating na kami doon ay nakalimutan pala ni Max ang kanyang digital camera.
Sinabihan ko siya na hindi na niya kailangang balikan ito dahil pwede namang cellphone ang gamitin pero nag-pumilit siya. Mas maganda daw kasi ang kuha ng camera kesa sa cellphone.
Hinayaan namin siyang bumalik sa hotel kung saan kami naka-check in noon. Makalipas ang limang oras noon ay hindi na siya nakabalik kaya napag-desisyunan na lang namin na pumunta sa hotel.
Laking gulat namin ng malaman na hindi pala naka-punta doon si Max. Kinabahan kami sa oras na iyon dahil sa baka ano nang nangyari sa kanya. Kinontak namin ang Police station sa Japan at pinaalam ang nangyari.
Pagkaraan ng dalawang araw,ikaw-5 ng Oktubre 2012 ay wala pa ding balita ang mga pulis sa kakambal ko kaya nagpasya si Daddy na mag-stay muna kami si Japan within a week. Sa mga oras na iyon ay iyak ng iyak si Mommy dahil nag-aaalala siya kay Max.
Kahit ako ay napaiyak na din dahil sa nangyari.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga araw na iyon at ngayon. Hindi ko maisip na mawawala pala ang kakambal ko sa piling namin. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya o hindi.
"I miss you so much Max."sabi ki sabay yakap ng litrato niya.
_LLW_
BINABASA MO ANG
The Survivor's Story
Mistério / SuspenseEvery people in this world needed to be challenged. Kailangang masukat ang iba't ibang kakayahan ng tao kundi,walang halaga lang tayo dito sa mundo. Because,I,Maureen Villamor,has faced all of the challenges in my life. Kung magiging mahina ka na la...