THE CALL

19 3 0
                                    

Gabi-10:30PM
Sa isang bahay
May tinatawagan sa isang telepono ang isang babae.

Remy:Pasensiya na kayo! Alam Kong napaasa ko kayo...pero, gosh, sobrang nakaka-stress lang talaga tapusin ang chapter2 sa thesis natin. Marami pa akong resources na bubuksan na site sa internet.

Boses ng babae sa telepono:Talaga bang ayos lang sa iyo na ipaubaya muna namin ni Sophie sa iyo ang chapter2 sa thesis natin?

Remy:Oo! Ayos lang.

Boses ng babae sa telepono:Talaga ba? Kaya nga kaibigan ka namin!hehehe... Di bale, makakaganti din kami sa iyo ni Sophie.

Remy:Aasahan ko iyan! Dahil sa panahon ngayon wala ng libre! Lahat na ng bagay na ginagawa ay may kabayaran.(ngumiti)

Biglang may nabasag na mga pinggan sa kitchen area. Nagulat si Remy.

Babae:Ano ang tunog na iyon?

Remy:Ahh... Wala! May dumaan lang sigurong daga sa kusina at aksidenteng nahulog ang mga pinggan sa semento.

Babae:OK,sige! Mag-iingat ka huh? Alam Kong mag-isa ka lang diyan.

Biglang umihip ang malamig na hangin. Nakaramdam naman ng Hindi maipaliwanag na pakiramdam si Remy habang pinagmamasdan ang sumasayaw na kurtina sa bintana.

Babae:Why not kung bukas nalang kaya natin ipagpatuloy iyan? Dumalo ka nalang kaya dito sa birthday party ng kapatid ko?

Remy:Hindi nga puwede,Lena! Dapat kahapon pa natin natapos ito kung Hindi lang dahil sa madami pa tayong Mali sa chapter2. Dapat ngayon natapos na dapat natin ang chapter3 kasi isang araw nalang defense na natin.

Babae:Okay! Sinabi mo,eh! Tama nga naman. Basta galingan natin sa araw ng defense,huh? Ipapadala ko nalang itong strawberry-cake na ginawa ko Kay Sophie para sa iyo.

Remy:Okay! At tsaka litson narin.

Babae:Okay! Basta ha, mag-iingat ka. Always close the door. Shut the window. And pray. Hehehe...

Remy:Okay na. Kanina ko pa ginawa. Mag-iingat Karin diyan huwag kang masyadong magpakalasing. Bye!(nakangiti)

Naputol na ang tawag. Napalitan ng kaba ang ekspresyon ni Remy at napalingon sa direksiyon ng kusina.
Dahan-dahan siyang lumakad papunta ng kusina. At sa pagpunta niya kaagad bumungad sa kanya ang mga Plato na nabasag dahil sa pagkakahulog sa semento.
Nakita niyang nakabukas ang bintana ng kusina. Agad naman niya itong sinirado at sinirahan ng kurtina.
Kumuha siya ng walis at niligpit ang nagkakalat na mga pinggan at tinapon sa basurahan.
Lumabas naman siya ng kusina at napalingon sa orasan.

Remy:Pasado alas onse na. Ngunit Hindi pa ako nakakalahati sa Chapter2.

Tumungo siya sa hagdan patungo sa itaas at pumasok sa kuwarto niya.
Bumalik siya sa mesa upang tapusin ang kanyang ginagawa ng biglang...

Telepono:Ringgg....

Tumunog ang telepono sa ibaba.

Remy:Buwiset! Naiintindihan nga ba Talaga ni Lena ang sitwasyon namin ngayon sa thesis namin?(napabuntong-hininga)

Dali-dali siyang tumungo sa baba upang sagutin ang tawag.

Remy:Hello?

Babae:Tulungan mo ako! Huhuhu...

Nagulat siya sa Boses na kanyang narinig.

Remy:Hindi maaari...

Babae:Pakiusap Remy, tumawag ka ng pulis! Tulungan niyo ako! Nagmamakaawa ako sa inyo! Huhuhu...

Sumimangot siya.

Remy:S-sino ka?

Boses ng lalake:Hahaha...remember it,Remy?hahaha...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE CALL PART1 (BEGINNING)Where stories live. Discover now