1st Chapter

105 4 2
                                    


Chapter 1
[Biology Class/Table Together]

---

•Xylene's POV•

"What is Cohesion?" Tanong ng professor namin sa Biology.

Kasalukuyan kaming nagdidiscuss about sa properties of water. Hindi ko alam, pero inaantok talaga ako sa subject na 'to.

Pumangalumbaba lang ako at tumingin-tingin kung sino ang magtataas ng kamay. At meron nga-si Aeion!

Sinenyasan naman siya ni Professor na tumayo para sagutin ang question niya.

"Cohesion is the attraction between the two same substance, that creates a surface tension. This is why insects can walk in the surface of the water." Nakaka-nosebleed na sagot niya.

Napanga-nga nalang ako sagot niya. Ang galing niya talaga. Never papasok 'yun sa isip ko dahil puro hangin lang naman ang laman ng utak ko.

"Huy! Xylene, tumutulo na yung laway mo." Kalabit sakin ng katabi kong si Shaina.

"H-huh?" Tapos pinunasan ko yung bibig ko ng hawak kong panyo.

"Sineryoso mo naman! Masyado ka kasing titig na titig kay Aeion. Di ka pa nasanay sa mala-Albert Einstein na utak niyan." Sagot naman ng kakambal ni Shaina-si Shaira.

Binalik ko naman ulit yung tingin ko kay Aeion.

Totoo nga yung sinabi ni Shaira. Running for Magna Cum Laude 'yang si Aeion. Since First year highschool, magschoolmate na kami. At si Aeion na lagi ang Valedictorian namin. At hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako napapansin.. Ngayon nga lang kami naging magkaklase eh.

"Ms. Gonzales! Will you please stop staring at Mr. Castillo?" Sigaw sakin ni Mrs. Domingo.

"U-uh.. S-sorry po M-ma'am." Sabi ko habang nakayuko.

"Stand up." Utos sakin niya sakin.

Sinunod ko naman siya at saka tumayo ng tuwid.

"Can you repeat what did I say earlier about Cohesion?" Tanong niya habang nakataas yung kanang kilay niya.

Waaahh! >___< Narinig ko 'yun kanina eh. Ano nga ba ulit 'yun? A.. Attract.. Attraction? Oo tama..

"Cohesion is the attraction between.." Hindi ko na alam yung susunod na sasabihin ko >o

"Attraction between what?" Sabat naman niya.

Sandali lang po Ma'am! Huhu..

"Get out of my class!" Makabasag eardrums niyang sigaw.

"P-pero M-ma'am! Sorry po-!"

"I. SAID. GET. OUT!"

"OPO!!" Malakas kong sabi tsaka naglakad palabas. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng kaklase kong malapit sa pinto. Tumingin muna ako kay Aeion, at nakita kong nakatingin din siya sakin. EMEGESH!! >///

Hayy.. Saan ako didiretso ngayon? After 1 hour pa ang next subject ko sa may 3rd floor.

*Gggrrrkkk*

E-eh? Tumingin naman ako sa paligid, at mukhang wala namang nakarinig. Epal naman 'tong tyan na 'to. Makapunta nga sa cafeteria.

Pagkadating ko sa counter, um-order kagad ako ng blueberry cheesecake. And It's my favorite y'know. (Naks! Gumaganon.)

Pagkaabot sakin nung cake at ng sukli ko, dumiretso kagad ako sa dulo para hindi ako mapansin ng mga ibang estudyante.

Tinusok ko yung tinidor dun sa cheesecake at handa na sana akong kagatan yun ng malaking part pero..

She's Still Into Him [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon