@Aphrothena Writes
⚠️typographical errors and grammatical errors ahead
⚠️ninakaw ko lang 'to sa dati kong account
-Princess's P.O.V-
Andito ako ngayon sa aking kwarto, nagbabasa ng libro habang nagpapatugtug ng paboritong kong kanta na Kisapmata by Rivermaya.Habang nagbabasa ako, may narinig akong nagpapatugtug ng paborito kong kanta. Alam kong hindi sa akin galing ang tunog dahil nasa chorus na banda ang akin. Ngunit ang naririnig ko ay kakasimula palang.
Pinatay ko muna ang aking speaker at pinakinggan kung saan galing 'yon. Pumunta ako ng terrace para mapakinggan ang kanta at napagtanto kong galing 'yon sa kapitbahay naming kakalipat lang.
Tumingin ako sa bahay ng aming kapitbahay dahil baka may lumabas sa terrace kaso wala eh. Papasok na sana ako pero nakita ko sa peripheral vision ko ang paglabas ng isang lalaki, kaya lumingon ulit ako.
Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki dahil parang kilala ko siya. Nakatagilid kasi eh, kainis. Nagulat ako n'ong napalingon siya sa akin at ohmy si Clark!
"C-clar-rk?" Utal kong tanong.
"Princess?" Sabi niya.
"Ahhh HAHAHA kayo pala 'yong bagong lipat." Sabi ko. Takte nakakailang.
"Ah oo, kayo pala 'yong kapitbahay namin. Ikaw ba 'yong nagpapatugtug ng Kisapmata kanina?" Tanong niya.
"Oo, bakit?" Taas kilay kong tanong.
"Ahm sorry naistorbo ko ata 'yong pagpapatugtug mo." Sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Ah oks lang 'yon lang naman eh." Sabi ko. Tangina kung hindi ko lang siya crush baka nasigawan ko na siya.
"Ah sige, pasok na ako." Sabi niya.
"Ah okay, ako din." Sabi ko nalang. Sabay takbo sa kwarto. Pisteeee ang gwapo niya 'te!Lumabas nalang ako ng bahay at nagikot-ikot sa village. Tss, kainis! Ako lang dapat 'yong nagpapatugtug n'on sa street namin, arrrrghhhh!
Sa paglalakad ko, hindi ko namalayan na andito na ako sa pinakadulo ng village. Jusmeyo marimar, ang dilim dito. Makabalik na nga lang.
-----
Pagkauwi ko sa bahay, kumain na agad ako at dumiretso na sa kwarto para matulog na. May pasok na naman bukas at syempre practice na naman sa music club.
-KINABUKASAN-
Bumangon, naligo, nagayos, at kumain. Charaannn! I'm ready to school!Pagkarating ko sa school, nakita ko ang aking kaibigan na si Jamie kaya tinawag ko siya.
"Hoy, Jaime." Tawag ko at lumingon naman siya. Pagkakita niya sa akin ay ngumiti siya at lumapit sa akin.
"Princess ikaw pala. Balita ko simula na naman daw ang practice niyo sa music club?" Tanong niya.
"Ah oo, tinatamad pa nga ako eh." Naiirita kong sagot.
"Tss, okay lang 'yon 'no. It's for your scholarship naman eh." Sabi niya.
"Sabagay tama ka. Tara, pasok na tayo." Yaya ko sabay hila sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Wala daw tayong pasok ngayon eh, kakaannounce lang kanina." Sabi niya.
"Huh? Bakit naman?" Taka kong tanong.
"Lahat daw ng wala pang club magpalista na sa field at 'yong mga Juniors magensayo na daw buong maghapon. At sa mga seniors pa pala ng club, iassist daw 'yong mga bago." Mahaba niyang sabi.
"Ang daming alam, Jaime. Paano malalaman kung sino ang mga Seniors and Juniors? Syempre may bago 'yan, tama ba?" Tanong ko.
"Oo, may bago. Tara, tingnan natin sa bulletin board." Sabi niya sabay hila sa akin.Andito na kami sa tapat ng bulletin board at hinahanap kung saan nakalagay ang Music Club at Dance Club. Music Club ako at si Jaime Dance Club. Pagkakita ko sa may Music Club, hinanap ko kaagad ang pangalan ko.
"SULIT, PRINCESS RAMOS - SENIOR"
"Halaaa, potangina! Jaime, nasa senior na ako!" Gulat kong sabi.
"Ha? Talaga? Congrats, cess." Masayang sabi niya.
"Eh ikaw? Ano?" Tanong ko.
"Senior na din! Yeheyyyy!" Sabi niya sabay yakap sakin.Dumiretso na agad ako sa Music Club at pagkarating ko dito wala pang tao. Makapagkanta nga muna. Kinuha ko ang gitara at nagsimula nang kumanta.
-Clark's P.O.V-
Naglalakad ako ngayon dito sa building ng mga club rooms. Napahinto ako sa tapat ng music club dahil may kumakanta ng aking paboritong kanta.Binuksan ko ng konti ang pinto ng music club, malaki din pa dito parang whole court. Ang ganda ng boses niya at marunong din siya maggitara. Sinabayan ko ang pagkanta niya n'ong nasa chorus na.
"O, kay bilis namang maglaho ng
Pagibig mo sinta
Daig mo pa ang isang Kisapmata.
Kanina'y naryan lang o ba't
Bigla namang nawala
Daig mo pa ang isang Kisapmata.""Excuse me, Kuya." Nagulat ako n'ong may nagsalita sa likod ko.
"Ah, sorry." Sabi ko nalang.
"Ang ganda po ng boses niya, 'no? Isa po siya sa seniors ng Music Club eh. Gusto niyo po bang malaman ang pangalan niya?" Tanong niya.
"Ah wag na, salamat nalang." Sabi ko.
"Ang dami po kayang nagkakagusto sa kanya dahil sa boses niya. Hehe, ang dami pong nagcoconfess sa kanya sa page ng school confession eh. Kaso hindi niya nakikita 'yon dahil hindi niya nila-like 'yong page haha." Sabi pa niya.
"Ah gan'on ba? Gusto ko na ata siya pero ayoko malaman ang kaniyang pangalan dahil baka lalo ko siyang magustuhan sa personality niya. May nagugustuhan na kasi akong babae at gusto kong siya lang ang mamahalin ko. Korni ko, 'no?" Sabi ko.
"Ang sweet niyo naman po. Sige pasok na po ako." Paalam niya.Nagustuhan ko siya dahil sa kanyang boses, ano kayang pangalan niya? Gusto ko na tuloy laging marinig ang boses niya. Ang ganda kasi, parang anghel ang kumakanta. I like her, no mali. I love her, oo mahal ko na siya dahil sa boses niya. But paano na ang pinakagusto kong babae sa school? Si Princess Sulit. Parehas sila ng club, Music Club din si Princess pero sa pagkakaalam ko junior palang siya.
Naglakad na ulit ako para makapunta sa Photography Club. Syempre walang bago, ang dami pading kinikilig kapag nakikita ako. HAHAHA! Sorry girls but i love someone.
p.s. may part 2 'to.♡♡♡♡♡
Entitled by:Princess Sulit
YOU ARE READING
Collections(one shot stories)
RomanceThis is all about love. One shot stories lang ito. And also don't mind the book cover, naisipan lang n'ong gumawa na BTS ang gamitin. HAHAHAA i purple you all💜