Tatlo - 3 - I won't give up

154 5 0
                                    

 ALEXSANDRA’s POV

 

Hindi ko alam kung bakit .. Pero nanginginig ang buong katawan ko .. Gosh ! .. I’m only 19 and yet magkaka-asawa na agad ako .. Ayoko nito ..

Ayoko ng bumaba pero alam kong lagot ako kay papa kapag hindi ako bumababa .. At gusto ko rin naman siyang pigilan ..

Masyadong conservative sila Papa at siguradong masyado silang naiskandalo sa mga nakita nila . Kung ako nga walang maalala kung paano nangyari un . At ewan ko pero pag-gising ko kanina ay wala naman akong naramdamang masakit . Except sa ulo ko . Epekto siguro ng alak .

Humakbang ako pababa sa may hagdanan . Actually pinipilit ko lang bumaba kasi nanginginig ung tuhod ko sa sobrang kaba .

Sa akin nakatutok ang atensyon nila habang pababa ako .

Nasa may lamesa na sila at kumakain na ng breakfast .

Umuwi na si Zeb at babalik dito bukas kasama ang mga magulang niya .

Damn it ! . Alam na siguro ni Kyle ang mga nangyari .

Tahimik akong lumapit sa may mesa at umupo .. May kutob akong pag-uusapan namin ung mga nangyari ..

Hindi ko ginagalaw ung pagkain ko . Wala akong gana .

“ Alexsandra “ , tawag ni Papa sa akin . Kalmado na siya hindi katulad kanina na galit na galit

Hindi ako sumagot .

“ Pagkatapos , mamanhikan ng mga magulang ni Zeb . Sasamahan ka niya para sa ibang detalye ng kasal niyo --------- “

“ Papa , walang kasalang magaganap “ malamig kong sabi

Bumalik ung bagsik sa mukha ni Papa at alam kong anumang sandali ay sisigawan na niya ako .

“ Mamili ka Alexsandra “ matigas na sabi nito

“ Magpapakasal ka kay Zeb o itatakwil kita bilang isang anak at tatanggalan kita ng pangalan .. Papalayasin rin kita sa aking pamamahay at hindi ka na makakatungtong sa sahig ng bahay na ito .. Ipapatapon kita sa malayong lugar at kakalimutan mong may tatay at nanay ka “ pagpapatuloy nito

Hindi ako makasagot kasi hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Papa ang mga pinagsasabi niya

“ A-Alexis .. “ sabi ni Mama na mukhang nabigla rin sa mga sinabi ni Papa

“ I’m so disappointed to you Alexsandra , Akala ko hindi mo magagawa iyon . Pinagkatiwalaan kita pero sinira mo ung tiwala ko “ nagsisising sabi ni Papa

“ Walang nangyari sa amin Papa ! “ sabi ko pero I doubt .. Hindi ako sure

I'm Getting MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon