1

348 26 5
                                    

"Dawn, bilisan mo! Malelate na 'ko!" Sigaw ng aking magaling na kapatid. "'Di pa 'ko tapos mag-ayos!" Sigaw ko pabalik. "Sa kotse ka na mag-ayos!" Bakit ba madaling madali siya, eh lagi naman kaming late?

Bumaba na ako at nakita ang nakabusangot na mukha ni Kuya.

"Parang 'di ka pa nasanay, lagi naman tayong late." Reklamo ko.

"May naghihintay sa'kin." Inirapan niya ko. I scoffed, kailan pa natutong umirap 'to? Attitude, ah!

"Sus, may kikitain ka lang na babae, eh." Banat ko naman. Pinakyu niya lang ako pero agad din niyang binaba dahil palapit na sa'min si Mommy. 


"Ako na maghahatid sainyo, ayaw nang Daddy niyo maghatid." Patago akong napairap. Lagi naman siyang ganyan, hindi nag-eeffort para sa'min.

"Oh, ano na Kuya, sino kikitain mo?" Pang-aasar ko sakanya. Sinasamahan ko siya sa may gate ng school habang hinahanap niya yung 'naghihintay' sakanya. Titignan ko lang naman itsura ng bago niyang babae.

"Ayun oh!" Nginuso niya ang isang lalaking mukhang naiirita na. Natagalan ata maghintay kay Kuya.

"Oh." Akala ko babae kikitain niya.

"Mercado! Dito!" Ang kapal ng Kuya ko. Siya na nga hinintay, siya pa magpapapunta. Nakakahiya siya. Nang makarating yung lalaki ay tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. I pursed my lips, hindi ko rin naman maaalala itsura niya mamaya pero hayaan mo na.

He looks decent but he's not my type. I don't like Kuya's friends, they're either fuck boys or hard-to-reach boys. I patted Kuya's shoulder telling him that I'll go and walked away.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo kayla Kuya ay may tumawag agad sa'kin.

"Dawn!" Lumingon ako at nakita ko sila Yashie. Kasama niya sila Vearne, Audrey, Ash pati si April.

"Sino 'yung kausap ng kuya mo?" Nangungunang tanong ni April.

"Harot mo, April." Kumento ni Vearne. "Pero sino nga yung kausap ng kuya mo?" Dugtong ni Vearne sa kalandian ni April. Pabiro ko silang inirapan.  

"I heard Kuya call him Mercado. Kayo na bahalang maghanap." Hindi interesadong sabi ko. I barely remember his face now.

"He's Caleb Mercado. 19. He's a basketball player. Senior High student at kaibigan ni Adam." Nagulat ako nang si Audrey ang narinig kong naglabas ng impormasyon tungkol sa lalaki.

She's quiet and not that quite interested in boys, or so I thought?

"Huh? Audrey, ikaw ba yan?" Namamanghang tanong ni Ash.

"Katanggap tanggap pa kung si Vearne o si April ang nakakaalam ng mga yan eh, pero si Audrey? That's a first." Katulad namin ni Ash, namamangha rin si Yashie.

"How'd you know all that?" I asked Audrey. Napakunot noo ko nang makita ko siyang natigilan at bahagyang napa-kagat sa labi.

Parang may umilaw na light bulb sa ulo ko at may nabuong idea sa utak ko. Matagal na 'kong nagtataka bakit naka first name basis sila ni kuya. Nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Bakit?" May halong kaba at inis na tanong ni Audrey. Umiwas siya ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri niya. Ganyan na ganyan siya kapag nahuhuling gumawa ng kalokohan.

"Huli." Tawa ni Vearne. Lalong namula si Audrey at nauna nang maglakad.

"'Di na nagkwekwento 'yun ah!" Natatawang reklamo ni Ash.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon