Una: Dyaryo

34 2 0
                                    

Dinig na dinig ko ang hagalpak ng demonyo. May sinasabi ito ngunit di ko maintindihan. Hindi ako mkagalaw. Tila ako'y paralisado sa mga ritwal na ginawa nito sa akin. Ano ba ang nagawa ko? Ba't pinaparusahan na ako ng langit at pinadala na naman ako dito sa impyerno para magdusa?

Nakatali ang aking mga kamay na mukhang isang baboy na handa nang katayin. Diyos ko, Ano bang kasalan ko?

Lumapit ang demonyo. May dala itong itak! Ako ay nagpumiglas. Tinangka kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas. Sinaksak ako ng demonyo. Panay saksak at hugot ang ginagawa nito sa loob ko. Nararamdaman ko ang hapdi at sakit ng mga saksak nito sa akin.

Wala akong maalala. Wala akong magawa. May anghel na nakatingin sa akin habang pinaglalaruan ako. Hindi ko maintindihan! Panay tingin lang at walang ginagawa ang anghel! Tulungan mo ako. Anghel! Tulungan mo ako! Hindi niya ako pinakikinggan. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal na sana'y tulungan ako ng Diyos.

Sa haba ng aking dasal, na aninag ko ang sikat ng araw. Nadinig nga ang aking panalangin. Tumayo ako sa kinahihigaan ko, nasa langit na ba ako?

Sa paligid ay nakikita ko ang kintab ng sapa. Naririnig ko ang huni ng mga ibon. Tiningala ko ang haring araw at ang mga ulap na nasa paligid nito. Napakaganda.

Ngunit... Ano 'yon? Nakita ko ang isang bangkay na nakahandusay sa damo. May takip na dyaryo. Nang nilapitan ko ito, napansin kong ito ay isang babaeng kasing edad ko. Hubo't hubad at duguan. Sinuri ko ang bangkay. Tadtad ito ng saksak sa leeg at may bracelet siyang katulad ng sakin. Hindi ko nakita ang kanyang mukha sapagkat natatakpan ito ng dyaryo at bilang respeto ay hindi ko na ito ginalaw pa.

Nakakalungkot. Nakakaawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si AbbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon