1st Week

14 2 6
                                    

~Cerine~

"Keep all your notes in your bag and move your chairs one sit apart."-Sir Rio

"Oy! Cerine huwag ka masyadong lumayo magshare ka ng sagot."-Rain

"Rain at  Chance magpalit kayo ng upuan"-Sir Rio

"Sir naman eh! Bakit sa dulo at sa tabi pa talaga ni Rhea!"- Rain

"As if naman gusto rin kitang makatabi,noh"- Rhea

"Ano pang ginagawa ninyo magpalit na kayo ah para matapos na agad."-Sir Rio

"Ayiee!!!
Paniguradong mataas ang makukuha ni Cerine niyan!Magkatabi sila ni Chance  niya oh!
HAHAHA"
sabay tawanan ang lahat maging si Sir Rio nakikitawa maliban lang saakin at kay Chance na parang papatay na kung makatingin saakin.

"Class,Are you ready?"-Sir Rio
"Yes sir~"
"Class,are you ready!?-Sir Rio
"YES SIR!"
"Okay, then get one test paper and pass to the person next to you."-Sir Rio

Yan si sir Rio na teacher namin sa MAPEH.Napaka energetic niyang tao at talagang tuwing siya ang nagtuturo saamin nakikinig ang buong klase namin dahil ang ganda't galing niyang magturo.Iyon nga lang sa tuwing nagbibiro siya laging ako ang target niya.Pagtabihin daw ba naman kami ni Chance sa araw ng summative test namin.

Oo alam ng buong klase ay este ng buong school na patay na patay ako kay Chance pero as in literal naman na gustong gusto akong patayin ni Chance kaya nga ngayon eh halos mamatay na ako sa kaba dahil baka kung ano nanaman ang nakakamatay,nakakdurog,nakakasakit na mga salitang sasabihin niya saakin pagkatapos nito.Pag-abot pa nga lang ng test paper na hawak ko sa kanya kinakabahan na ako eh.

Haisst!Nakaka frustrate ka sir gusto kitang gawing punching bag alam mo ba 'yon!Bakit ba kasi naging teacher pa kita!?Hehe joke lang sir baka ibagsak mo pa ako labyuu sir Rio!

Magsimula na nga lang akong magsagot ng mga tanong.

After 30 minutes nag-exchange paper na kami para mag-check.

At oh my gosh totoo ba toh?
Hindi kaya nagkamali lang ako sa pagcheck ng paper niya?
I can't believe it ang talino kaya niya pero bakit 18 out of 30 lang score niya?

"Okay,pass the papers in front and I will announce your scores."-sir Rio

"Rain Valdera 25."
"Oh yes!Hahaha!"-tawa ni rain na parang nanalo ng malaking halaga sa lotto.

"Rhea Rivera 29 very good."
"Oh yes!" at parang aso't pusa nanaman silang nagtatalo ni Rain.
Hay naku 'di na sila nagsawang maglambingan araw-araw.

"Ylain Ancheta 30 Very good."-samantalang si Ylain na nakakuha ng perfect score walang reaction.

"Chance Bautista eighte--
Hala! Anong nangyari sayo Chance? Pinagtabi ko lang kayo ni Faith eh ang baba na ng score mo?
Ahmm! Chance ah masyado mong pinapahalatang apektado ka sa kanya."-Sir Mario

Yun na nga eh nagkatabi kasi kami ng upuan eh malamang badtrip nanaman siya kaya  'di nakapag concentrate at mas lalo pang badtrip yan panigurado dahil sa score niya.Ngayon pa nga lang eh sobrang nakakamatay yung pagtitig niya.Haist! Nakakakilabot parang kakainin niya ako ng buhay HAHAHA!
Syempre charr lang yun actually tahimik lang siyang nakatingin sa floor.

"Hala!Cerine ah ano kasing ginagawa mo sa kanya ah?"-Jane
"~Oyyy!!! Ayieee!!!~"sigawan ng buong klase.Napapatingin tuloy yung mga dumadaan sa hallway na palabas na para mag-lunch.

Isa pa itong Jane na toh eh.Minsan ang sarap mo rin na sabunutan eh, noh?

"Quite! Cerine Escakalusa 24.
Jane Ventusa 20"sir Rio

Yan nalaman niyo na ang score ko.
Sa totoo lang hindi talaga ako matalino average lang ang mga nagiging scores ko pero si Chance matalino talaga yan lalo na sa Mathematics kaya naman hindi ako makapaniwala sa naging result ng quiz niya.

~Lunch~

Nasa canteen kami ngayon at panay ang tukso saakin nina Rhea at Rain na mga baliw kong bestfriend.
Eh paano ba naman talagang napaka abno nila eh.
Kanina lang mukha silang mortal na magkaaway tapos ngayon kulang na lang langgamin sila sa kasweetan.

Samantalang si Ylaine tahimik lang na kumakain habang nanood sa cellphone niya.Kahit kailan talaga 'tong babaeng toh never pa atang nagsalita ng more than 50 words about sa insights niya tuwing magkakasama kami.Tapos kapag pinagrerecite o explain naman ng lesson eh ang dami niyang nasasabi na mapapa-wow kana lang talaga dahil sa linaw,ayos at dami ng sinabi niya.

Sila Chance at Kenzo maging ng mga tropa nila ay nasa dulo ng cafeteria.
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.Ano kayang pinag-uusapan nila?

Bakit pa ba kasi ako tumingin sa kinaroroonan nila?Haist!Yan tuloy nacucurious nanaman ako kung anomang mga pinagsasabi nila dun at mas napapamukha sakin' na 'di kami close ni Chance para malaman ko kung ano ang mga pinag-uusapan nila.

"Hoy!"-sabay na bulyaw sakin' ni Rain at Rhea

"Ay baklang diyosa!"- Cerine
"Anong baklang diyosa ang pinagsasabi mo?Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa tulala diyan"?-Rhea

"Hindi na kayo nasanay "Sino" ang tanong at hindi "ano".-Ylaine

"Hi, Ylaine nakikinig ka pala"-Rain

"Eh sa may tenga akong pandinig eh"-sabi niya habang sa cellphone pa rin nakatuon ang atensyon ng mga mata niya.

"Hahahaha"-tawa ng dalawang baliw kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ni Ylaine.
Nakalimutan ko nga palang sabihin na tahimik nga si Ylaine pero sa oras na nakipag-usap yan mas pipiliin mo na lang takpan yung bibig niya para wala siyang masabing kahit ano.

"Anyway sino na nga ulit yung iniisip mo Fa-"Rain

"Ang slow mo talaga Rain!Edi malamang si Chance!"- Rhea

"AHAHAHAHAHA! Alam ko na inaalala niya yung araw na naging Ms. Gay si Chance!HAHAHAHA hin-ding hi-ndi ko ma-hahaha kalimutan yung araw na'yun"-Rain

"Malamang dahil sobrang memorable talaga ng moment na 'yon para sa mga tao pano pa kaya kay Cerine na tagapagmahal ni Chance hahaha!"-Rhea

Ayan nagsimula nanaman silang mang-asar.Anyway program kasi noon 'yon sa baranggay namin opps 'di ko pa pala nasasabi sa inyo ang buong kuwento hihihi.

Ganete kese yen eh perehes keme ne Chence neng nelekheng leger et dehel se geste neng mge tae hihihi!
Haist!Ganito na nga lang anebey ang herap nemen kese ng puro 'e' eh hahaha!

Yun nga tapos para daw bago at mas nakakatawa instead na mga tunay na bading ang sumali sa Ms.Gay competition mga lalaki na lang daw.

Kaya ayon dahil sila-sila Chance,Ken,Kenzo(na kambal ni Ken) at Hendrix  ang napagtripang isabak sa competition ng halos lahat ng residente wala na silang nagawa.

At ahem ahem ako ang para operate ng music nila kaya naman hihihi malamang sa malamang eh malapit ako sa backstage kung saan kitang kita ko kung hihihi paano nila tanggalin ang bawat saplot ng kanilang katawan.
HAHAHA!HAHAHA!Anebey!Huwag kayong tumawa't mag-ingay beka marinig nila ey! Hihihi!Nakakahiya eh!

Atsaka hindi ko naman nakita lahat eh naka-boxer kasi sila eh.Sayang nga eh.
Umasa pa naman akong makakakita rin ako ng mga Ube halaya na sinasabi noon ni Toni Gonzaga sa Pilipinas Got Talent.HAHAHA!

Dibale na nakita ko naman yung v line ni Chance eh sayang nga lang 'di siya pumayag na magpicture kami noong naka-boxer siya.

Pumayag lang siya noong nag-gown na siya ng pagkahaba-haba.
At ang nakakainis pa dun naka poker face lang siya sa picture NAMING DALAWA samantalang sa iba at lalo na sa  mga friends  ko todo ang ngiti niya sa mga pics nila.

Ako lang talaga ang naiiba kaya naman ako nanaman ang naging tampulan ng tukso. Por que daw ay special ako kaya sa picture lang NAMIN siya nag poker face.

Hay tama na nga ang pag-iisip ko for today.Madami pa akong dapat gawin para naman hindi masayang ang mga nalalabing oras ko.

 Chance And MeWhere stories live. Discover now