End of 2nd Week

7 2 0
                                        

Saturday
October 19,2019

My gosh saturday na.
Kanina pa ako nandito sa kuwarto ko at kinakabahan ako. Dahil ipang minuto na lang baka dumating na si Chance para sunduin ako.

Kabilin bilinan kasi ni Ms. Shena na hanggat maaari eh susunduin namin yung kanya kanya naming partner.

Dahil sa mas malapit ang bahay namin sa school at dinadaanan lang naman ni Chance yung bahay namin tuwing papunta siya ng school kaya siya nalang ang pupunta sa bahay namin in short.

"CERINE!"

"Ay palaka!"- Hanubayan! Nakakagulat naman si mama kung makasigaw.

"Cerine! Baba ka na riyan at andito na ang sundo mo!".

Hala! Meron na siya. Parang napaaga naman ata siya may 20 minutes pa bago yung oras na sinabi ko kagabi noong chinat niya ako.
At ito pa ha. Gusto ko lang naman i-share. First time kaming mag-usap sa chat kagabi sa loob ng apat na taon na magkaklase kami. At alam niyo ba kung anong naging usapan namin?
Ito lang naman....

Chance: Anong oras kita pupuntahan?

Me: Kahit 7:30 am na lang. 10 minutes lng namn ang layo dto sa bahay namin papuntang school. Kaya atleast 20 minutes bago tayo umalis papunta sa field trip nakarating na tayo sa school.

Chance: K


Sa haba ng sinabi ko letrang capital 'K' lang talaga ang nireply niya. Atleast man lang sana may tuldok sa huli. Masyado niyang pinapahalata na wala akong kwentang kausap--

"Holy--mother!"- napasigaw kong sabi dahil sa gulat ko nang biglang bumukas yung pintuan.

"Anong holy mother ka diyan? Kanina pa kita tinatawag sa baba ang tagal mo.
Kanina pa naghihintay yung crus--ay este classmate mo!"-nakakunot na sabi ni mama with pose pang nalalaman.

"Hehe,sorry naman Ma. Sabi ko nga po eh heto na't pababa na ako."-sabi ko nang may pag-aalinlangan. Ang awkward lang kasi ay ng naiisip ko.
Makakasama ko si Chance sa iisang sasakyan por the bery peyrst time.

Ayan na malapit na ako sa kina-uupuan niya. Ah,basta mag hi-hi na lang ako sa kanya.

"Hi--"-amputcha naputol yung sasabihin ko sana. Dahil si Mr. asungot na mukhang may PMS kung makatingin ng matalim. Umamin ka nga bakla ka ba? Kahit sabihin na natin na ay este wala palang natin.Pasensya na uulitin ko na lang.

Kahit sabihin kong mahal ko siya pero grabe teh! Daig pa niya ang babae kung magtantrums.

"Baba ka na nga lang ang tagal mo pa."-sabi niya sa tonong mababa lang at parang inis na inis talaga siya.

"Cerine, anak dalhin mo 'to. Sa lahat ba naman ng bagay na iiwan mo iyan pa talaga? Naku! Talaga kang bata ka."-sabi ni mama sabay kurot sa tagiliran ko ng palihim.
Aray ko ang sakit pero ngumiti na
lang ako.

"Iho, paki-bantay bantayan mo na lang itong anak ko,ha? Ito ang number ko tawagan mo ako agad kapag may umaaligid aligid sa anak ko,okay?"- sani ni mama sa malambing na tono kay Chance sabay bigay ng business card niya with chancing pa talaga.
Akala mo ma ah. I can see you.

"Opo, tita."- sagot naman ni Chance na may pangiti ngiti pa. Aba aba. Huh! So means kapag si mama kausap niya nagiging mala-anghel ang ugali niya.

"Ingat kayo,ha?"-dugtong pa ni mama.

"Opo. Sige po, tita alis na po kami. Ingat din po kayo papunta sa office ninyo."-sagot ni Chance sabay hawak sa maleta ko at pulupot ng kanan niyang kamay sa waist ko.

What the--am I dreaming right now? Why is he so sweet suddenly? Naki-ride nalang ako sa trip niya at naglakad na din ako still nasa waist ko yung kamay niya hanggang nasa harapan na kami ng sasakyan niya ata.

"Bye mga anak!"-sigaw ni mama at pakaway kaway pa. Nakngiti namang humarap si Chance at hinarap niya din ako.Ngumiti nalang din ako. Pero pagkasaradong pagkasarado ni mama ng pintuan. Kasabay din noon ang pagbagsak ng mga kamay niya at simangot sabay tingin saakin nang naka-poker face lang.

Wow! What a pretender! Grabe ang sweet lang kanina tapos ngayon mukha nanamang demonyo na ewan. Hay! Ang gulo mo eh,noh? Pinaglalaroan ba ako nito?

"Hindi ka sasakay?"- tanong niya with matching taas ng dalawang kilay at kunot na noo. Sa wakas kahit papaano may expression na ang gwapey niyang face at hindi na nakakatakot.

"Ah..eh syem--"- pero hayun iyong pag-uugali panghinayupak pa rin talaga. Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko eh.

"Pwede rin namang maglakad ka habang nag a-a-e-i-o-u sa daanan. Mas magandang ideya, diba? Kaysa sasabay ka saakin ng napipilitan."-sabi niya sa nakakairitang tono.

Hay! Naku hindi pa kami nakakasakay sa sasakyan naghi-hi-blood na ako. Paano pa kaya kapag nasa sasakyan na kami? Kahit isang segundo lang baka hindi ko matiis na kasama siya! Hayst! Kainis kang bakla ka! Ay! Ayan tuloy napagkakamalan na kitang bakla sa sobrang sungit mo. Pero mas masungit ka pa ata sa bakla.

Sumakay nalang ako kaysa sumagot.Mapapahaba lang ang sagutan namin.

"Teka lang saglit. Don't drive."-ako

"At bakit naman?"-nakakunot na tanong niya.

"Are you seriously going to drive us?"-tanong ko.

"Yes, bakit gusto mo ikaw?"-tanong niya pabalik na parang nang-aasar pa talaga.

"No.That's not what I mean. May driver's license ka na ba?"-tanong ko ng may pag-aalinlangan.

"Yan lang pala. Pinahaba mo pa. Meron."-sagot niya at i-nistarst na niya yung sasakyan.

Maya maya ay nagtanong ulit ako. Nakaka-curious kasi eh.

"One week tayo sa field trip at hindi mo naman pwedeng i-sama itong sasakyan mo. Eh, saan mo 'to iiwan? Sa school,pero hindi naman din dun pwed--" hindi ko nanaman natapos.

"Exactly. Kaya kukunin mamaya ng driver namin. Ang dami mong tanong."-wow yan talaga ang sagot mo teh! Sorry naman. Eh yun nga yung point ko may driver kayo bakit ikaw pa nagdrive?

Nakarating na kami sa school at halos andito na rin pala ang lahat. Pero wala pa ata si Rain at Rhea.

"Yung bagahe mo."- abot saakin ni Chance sa maleta ko at yung bag na binigay ni mama.

Aabutin ko na sana yung inaabot niyang bag pero bigla akong nahilo at nanlalabo yung paningin ko. Kaya naman medyo na out balance ako.

Matutumba na sana ako pero hinila ako ni Chance. Dahil biglaan ang paghila niya napayakap tuloy ako sa kanya.

"Ano ba?! Umayos ka bga kasi sa pagtayo mo. May paheels heels ka pa kasing nalalaman eh uugod-ugod ka naman."- sabi niya sa pabulong na tono dahil nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Ano yan? Nagprapraktis ba kayo para sa drama ninyo? Masyado naman kayong advance. About love ba yung i-aact natin sa trip?"- nang-aasar na tanong ni Rain habang kumakain ng Chicharon ni Mang Juan at nasa tabi din naman niya si Rhea na tahimik na naglololipop.

Anong trip ng dalawang 'to? Ang aga aga Chichirya at lollipop ang kinakain.

"Wala kang balak bumitiw?"-pabulong na tanong ni Chance.

"Ay! Sorry hehe."- sabi ko nalang sabay tawa. Hehehe ang.....
AWKWARD...

"Ahem!"-tikhim niya sabay ayos sa necktie ng uniform niya required kasing pag-alis at pagbalik naka-school uniform kami at naglakad na siya palayo. Dala dala niya yung isang bag ko.

"What a wonderful scene of the day."- sabi ng isang lalaki sa 'di kalayuan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Chance And MeWhere stories live. Discover now