Ang Buhay Ng Estudyante Araw Araw.

40 0 0
                                    

Diba't nakakasawa din yung kailangan mo gumising araw araw, yung tipong gusto mo pa matulog pero di mo magawa kase malelate ka na.

Tapos pag ligo mo ang lamig nung tubig na akala mo ay nag ice bucket challenge ka kapag binuhos mo na yung isang tabong tubig sa ulo mo.

At pag baba mo ikaw ang mag paplantsa ng damit mo (once napaso na ako sa plantsa haha) (tapos yung na plantsa mong damit, damit pa ng kapatid mo) hayy nako kamalas- malasan ng buhay.

Halos araw araw yang nangyayari sa bahay namen, pero anong magagawa ko kundi mag tsaga at mag tiis diba.Para din naman sa kinabukasan natin yun eh.

Ipagpatuloy naten yung kwento: Pag lakad mo papuntang school: Minsan may matatapakan ka talagang JACKPOT (tae) at wala kang choice kundi ipapahid mo nalang ang sapatos sa buhangin para matanggal yung JACKPOT na yon. at nung nasa kalsada kana mangangamoy ang damit mo dahil sa mga usok ng mga sasakyan sa paligid mo. kaya pag pasok mo amoy usok ka na (buti nga may pabango ako lagi eh) haha 

pag pasok mo sa room: makikita mo na naman yung mga classmate mo,yung mga classmate mo na iba't ibang klase ang katauhan may BULLY,FAMOUS,MATALINO,TAHIMIK,MALANDI,NERD, at ang mga BALIW (isa ako sa mga baliw haha) pero kahit mga ganyan yan masasarap kasama sila.

Samahan pa ng mga teacher mo na may teacher na MAGANDA may MASUNGIT may HUMBLE at may TERROR yung tipong pahihirapan ka talaga hanggang sa maubusan ka ng hininga (haha buti nalang wala kameng teacher na ganon) 

at eto na pag nangangamoy na ang uwian magiging masigla ulit ang room nyo at pag sinabe na ng teacher na " CLASS DISMISSED"  ayun daig pa ang mga kabayo.. mag uunahan sila papuntang labas , pero yung iba mag me-makeup muna. 

Pero ako deretcho uwi ako ... (yan lang naman ang buhay ko sa araw araw haha).

TNX FOR READING :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Buhay Ng Estudyante Araw Araw.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon